Chapter 28 - Voice

38 1 0
                                    

Naglalakad na papunta sa parking lot si Paolo habang nakatitig siya sa kaniyang mga kamay. Bakit ganito ang nararamdaman niya? Noong tinulungan niya yung janitress na nadulas sa gym kahapon, he felt something. Parang nakuryente ang mga kamay niya, hindi literal na nakuryente kundi parang naramdaman niya na ang kuryenteng iyon noon.

He kept on thinking kung ano nga ba ang naramdaman niya noon. But he just shook his head. Iba siya sa janitress na yun. Siguro namimiss niya lang si Jewel kaya kung anu-ano na ang iniisip niya. Or baka stress lang ito dahil sa dire-diretso ang trabaho niya at madaming grades ang nacompute niya kagabi.

He went down of his car ng makarating na siya sa University. Hindi na siya masyadong nalilito sa mga roads sa America dahil ilang years na siya rito. Noong una talaga, nahirapan siya dahil sa mag-isa lang siyang pumunta sa America pero nilakasan niya lang ang loob niya. Dapat pahalagahan niya ang purpose niya sa buhay, pangalawang buhay niya na ito at ayaw niya ng sayangin pa.

The day went on as normal as always. Students are greeting him as he passes by the corridor, there are naughty students, smart students and even flirty students. Gwapo ba naman ang professor, sino ba ang babaeng hindi mabibighani kay Paolo?

He has an hour for his vacant kaya naisipan niyang pumunta ulit sa tambayan niya. It is beside the fish pond. There's a beautiful flower garden there at siya mismo ang nagtanim ng mga ito. Napansin niya namang matagal-tagal na siyang hindi nakakatambay rito sa garden pero nananatili pa ring maganda ang mga bulaklak na naitanim niya. May nag-aalaga kaya nito habang busy siya? Imposible namang wala dahil lanta na ang mga ito kung nagkataon.

He took his favorite book and sat on the bench behind a tree. Dito talaga nakapwesto ang bench para walang makakita sakanya. Nagsimula siyang magbasa at feeling niya nasa ulap siya habang binabasa ito, mukhang para sakanya kasi ang kwentong binabasa niya. 

"Kumusta na kayo mga pretty flowers?" 

Tumigil sa pagbabasa si Paolo ng makarinig siya ng babaeng nagsalita. She's speaking in Filipino kaya alam niyang kababayan niya ito. Sumilip siya sa gilid ng puno and what he saw is the janitress. Obvious na obvious kasi naka-janitress attire ito kagaya kahapon. Bakit ba hindi niya matiyempuhan na nakaharap ito sakanya? Kung hindi ito nakayuko, nakatalikod naman.

"Sino kaya ang nagtanim sainyo? Ilang beses na akong pumupunta dito pero hindi ko man lang siya nakikita. Ang gaganda niyo kasi eh." nakita naman ni Paolo na dinidiligan ng babae ang mga bulaklak. Napangiti siya. May nag-aalaga nga sa mga tanim niya.

"Ayan. Sana mas gumanda pa kayo habang lumilipas ang bawat oras." napansin ni Paolo na malungkot ang boses nito, gumalaw-galaw ang balikat nito kaya naisip ni Paolo na baka umiiyak ito, "Namimiss na kita. Sobrang namimiss na kita."

Nagulat si Paolo ng may pumatak na tubig sa mga kamay niya at sa librong hawak niya. At doon niya napagtanto na sakanya galing iyon. Lumuluha ang mga mata niya. Hindi niya alam pero parang nasasaktan siya sa nararamdaman ng babae. Parang parehas sila ng sitwasyon. Umiwas siya ng tingin sa babae at yinakap niya ang dalawang tuhod niya at doon umiyak. Ngayon niya na lang nailabas ang lahat ng sakit na nararamdaman niya. Ngayon na lang siya umiyak ng ganito.

Napatingin ulit siya sa mga kamay niya at tumigil siya sa pag-iyak. Nag-flashback ang lahat ng mga alaala nilang dalawa ni Jewel. Mga alaalang nagpasaya sakanya at mga alaalang hindi niya makakalimutan. 

Bigla siyang napatayo at tumingin ulit siya sa babaeng iyon pero naglalakad na ito palayo. Nanginginig naman na tumingin siya sa mga kamay niya, yung naramdaman niya noong tinulungan niya ang janitress na yun...

Namimiss na kita. Sobrang namimiss na kita.

"J-Jewel.." tumakbo paalis ng garden si Paolo at sinundan niya yung babae.

"Sigurado ako, siya 'yun." bulong niya sa sarili niya habang tumatakbo siya. Napatigil siya ng makita niyang papalabas na ito ng gate, "JEWEL!!" sigaw niya.

Tumigil yung babae sa paglalakad. Si Paolo ay natigilan rin, humarap ka Jewel, humarap ka please. Alam kong ikaw yan. 

Biglang tumunog ng napakalakas ang school bell at nagsilabasan ang napakaraming estudyante at natakpan nito ang babaeng tinatawag ni Paolo. Tumakbo si Paolo at nakipagsiksikan sa mga estudyante para lang makadaan pero hindi niya na mahanap kung nasaan yung babae. Ilang beses pa siyang nakiraan sa mga estudyante, hindi niya pinansin ang mga natatamaan niya. Ilang beses na inilibot ni Paolo ang mga mata niya pero hindi niya na ito nakita. 

Parang nag-slow-mo ang mga estudyanteng dumaraan, at natulala sa kawalan si Paolo. Muling tumulo ang mga luha sa mga mata niya, "Siguro namamalikmata lang ako. Siguro hindi ko na siya makikita pa."

--

"JEWEL!!" natigilan siya ng marinig ang boses na iyon na tumawag sa pangalan niya. Muling tumulo ang mga luha niya, kahit dito ba naman sa ibang bansa, naririnig niya ang boses ng lalaking mahal niya. 

Hindi niya na makayanan pa ang sakit kaya tumakbo siya palabas ng University.

To be continued...

Watching YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon