Kabanata 23

13K 292 5
                                    

Gusto mo naman

"Shine, sino yang katext mo?" Tanong ni tita Caroline.

Hindi parin kasi kami makapag decide ng kakainan.

"Si King po." Diretso kong sagot.

Tinitigan ako ni tita bago magsalita. "He texted you? Ni hindi man lang nag thank you sa pictures mo na pinadala ko sakanya. Yung asong yun talaga."

Natawa ako sa sinabi ni tita. ASO. Sya din pala sinasabihan ng ganun si King, si tito Todd kaya? Hahaha.

Nang makapag desisyon na kami ni tita kumain sa isang Japanese restaurant, bigla akong may nakasabayang babae sa pinto, nagka bangaan kami.

"Sorry." Agad kong pag hingi ng tawad.

"Shine?" Napatingin ako sa babae. Si Minah pala, nasa likod nya si Yvette.

"Minah? Anong-"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang makitang titig na titig si Minah at Yvette sa kasama ko. Parang hanggang hangga sila sa presensya ni tita Caroline.

"Ow! Hi girls. Kaibigan mo Shine?" Malambing na tanong ni tita.

May kausap kasi sya kanina sa phone kaya hindi napansin na nagkabangaan kami ni Minah. "Opo..si Minah at Yvette po pala, classmates din namin ni King.." pagpapakilala ko sakanila kay tita.

"Si tita Caroline, mama ni King." Pagpapakilala ko naman kay tita kina Yvette at Minah.

"Nice to meet you girls." Sabi ni tita at bineso sila Minah at Yvette.

"Same to you Mrs Kasmey." Si Yvette nalang ang nagsalita, tulala si Minah e.

"Just call me tita." Tita smiled.

"Dito rin ba kayo kakain?" Tanong ko.

"Oo." Ani Yvette.

"Ganun ba? Edi sabay sabay nalang tayo? My treat" Pag anyaya ni tita.

Para namang biglang natauhan si Minah pagka rinig ng salitang Treat. "Talaga po tita? Thanks in advance." Ang laki ng ngisi ng babaita.

Naupo na kami pagkapasok sa Japanese restaurant. Table for four lang talaga ang pwinestuhan namin. Japanese na Japanese ang theme ng restaurant, yung atmosphere din parang nasa Japan talaga kahit na hindi pa ako nakarating sa Japan.

"First time nyo ba sa Japanese restaurant?" Tanong ni tita.

Tumungo naman kami nila Minah at Yvette.

"Then, let me handle this. Ako na ang pipili ng kakainin natin, I'm sure magugustuhan nyo rin ang mga favorite ko dito." Aniya.

Habang hinihintay ang pagkain, nagkwentuhan muna kami.

"So ano girls? Nagustuhan nyo ba ang new look ni Shine?" Tanong ni tita.

Tintigan ako nung dalawa.

Napatakip ng bibig si Minah. "OMG! Shine, sorry, hindi ko agad napansin. Ang ganda ng new hair style mo, ang ganda mo."

Hinawakan ni Minah ang buhok. Ewan ko ba, parang na offend ako na ngayon nya lang napansin. Aish. Forget it.

"Bagay sayo Shine." Napangiti ako sa sinabi ni Yvette.

Buti naman at medyo bumalik na sa dati ang ugali ni Yvette. Parang wala lang nangyari. Hindi nadin naman namin mine mention yung tungkol don, although nag aalangan parin ako. Wala parin kasing alam si Minah sa totoo.

"Ang ganda nyo po tala tita. I saw you last time sa isang magazine." Sabi ni Minah.

Hanggang dumating nalang ang pagkain ay chikang chika parin sya.

"Ah. Yung successful woman ba na magazine?" Tumango si Minah sa tanong ni tita. "Yeah. I got interviewed there. Hindi nga ako ready non e."

"Wow. Hindi pa po kayo ready non e ang ganda ganda nyo nga don." Ani Minah.

Patuloy lang sila sa pagkwe- kwentuhan habang kumakain kami. Naramdaman ko namang nag vibrate ang cellphone ko, hudyat na merong message.

Nakita ko palang kung sino ang nag-text ay bumilis na ang tibok ng puso ko. Enebe.

Kingston:

Where are you? Papunta rin kaming mall nila Red at Niel.

Nanlaki ang mata ko. Papunta sila? So may tendency na magkita kita kami.

Tinignan ko si Yvette na tahimik na kumakain bago nagreply kay King.

Ako:

Hindi pwedeng magkita si Yvette at Niel. Alam mo naman kung anong mangyayari diba?

Natatakot akong masira ang mood naming lahat kapag nagkita si Yve at Niel. Hindi pa sila okay.

Kingston:

I know. Pero hindi mo ba naisip na dapat nadin silang mag usap? Niel wants to apologize. Nasaktan din sya. Kung wala na talaga, they need closure.

Pinag isipan ko ang sinabi ni King. Tama nanaman sya. Hangga't hindi nakakapag usap sina Yvette at Niel, hindi matatapos ang problema.

Pagkatapos naming kumain ay lumabas na kami ng restaurant. Nag paalam si tita Caroline na babalik na syang hotel, may aasikasuhin pa daw sya. Kaya ngayon ihahatid namin sya sa parking lot. Sinabi ko na sasabay nalang ako kina Minah.

"Ow! Is that King and his buddies?" Napatingin kami kung san nakatingin si tita.

Nagtama agad ang mata namin ni King. Shocks. Yung puso ko nanaman.

Naka maong short sya at naka T-shirt na may design na galaxy, may suot din syang maong jacket tapos naka rubber shoes. Ang ganda nga ng sapatos nya e. Nasa magkabilaan nya sina Red at Niel na gwapo rin sa mga porma nila.

"Buti nandito ka. Isabay mo na sa pag uwi si Shine huh?" Ani tita Caroline kay King pagkalapit nila.

Hindi naman sumagot si King. Nakita ko naman ang galit sa mukha ni Yvette. Patay na.

"O sya, wag nyo na ako ihatid sa parking lot girls. Just enjoy your day." Bineso kami isa isa ni tita bago sya tuluyang umalis.

"Red?" Ani Minah kaya napatingin ako sakanya.

Alam nya rin ang magiging reaksyon ni Yvette dahil dito. Ramdam na ramdam ang tensyon samin. Maliban kay King na relax lang.

"I didn't plan this, niyaya lang kami ni King." Tinuro ni Red si King.

Naramdaman ko ang malamig na tingin ni Yvette sa akin. Patay na talaga.

"We didn't plan to see you here, kakatapos lang naming mag practice kaya niyaya ko sila." Paliwanag ni King. Cool parin sya..at gwapo.

Teka! We didn't plan daw, e tinanong nya nga ako kanina kung nasan kami. Ano yun?

"Tss." Sabi ni Yvette at naglakad palayo samin.

"Yve." Tatakbo sana kami ni Minah para sundan si Yvette pero agad kaming pinigilan ni King at Red.

"Ako na." Sabi ni Niel at sinundan na nga si Yvette.

Napatingin ako sa braso ni King na nakapulupot sa tyan ko. Samantalang nakahawak lang si Red sa kamay ni Minah.

"Tsk. Bitiwan mo ako." Pinalo ko ang braso nya.

"Gusto mo naman e." Bulong sya.

Shocks. Sana ako lang nakarinig non. Tinignan ko sila Minah at Red na bising busy sa pag uusap. Hooo~

"Your wish." Pag tataray ko.

Tumawa lang sya.

Her Husband is a Wolf (Completed)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu