Rivals Cooperation

254 2 1
                                    

  Hindi na pumasok ng NUCU ang dalawa. At hindi na sila maaaring pumasok pa. Masaklap pa, di na sila pwedeng lumabas pa. Para silang preso sa bahay ni Nico.

Kaire: (masungit) Hanggang kailan tayo ganito?

Kaycee: Ewan. Aalis din tayo dito, pero sa tamang oras. Mapapahamak si Nico pag di tayo magiingat.

Kaire: Eh kelan naman iyung tamang oras na tinutukoy mo?

Kaycee: ...

Kaire: ...Di mo rin alam ang gagawin mo no?

Kaycee: Ang hirap tanggapin na nangyayari sakin to. Ngayon ko lang naranasan na walang magawa sa problema ko. Sorry Kaire... dinamay kita...

Kaire: (umiling) ^-^ Dadamayan kita. Pareho lang tayong may kasalanan sa isa't isa.  Iyun na iyun. Di mo kailangang mag sorry. Alam ko na sating dalawa, ikaw ang mas nahihirapan.

Kaycee: Anong ibig mong sabihin? Pareho lang tayo!

  Hindi na sumagot pa si Kaire. Nagbuklat naman ng notebook si Kaycee at nagsulat. Lumabas si Kaire sa kwarto at bumaba. "Wala lang".

Yaya: Kain na po, sir..

Kaire: Salamat.. Hihintayin ko nalang iyung dalawa.. (isip: o_O .... DALAWA?!)

Yaya: O sige po.. (umakyat)

  (biglang dumating si Nico)

Nico: (ngumiti) O.. Hello...

Kaire: San ka galing?

Nico: (nagulat) (isip: Teka, tama ba ang narinig ko?? Concerned si Kaire Blithe kay Nico Fjord?? Naku, nilalagnat ata siya..) Sa.. school... malamang..

Kaire: Sabihin mo nga.. Kung tutulungan mo si Kaycee na makaganti kay Reign..?

Nico: Gusto ko siyang tulungan... pero...

Kaire: (tinulak si Nico sa pader) Bakit may pero pa?! Pinatay ni Reign ang pamilya niya at di siya makapapayag na hindi makaganti. Naiintindihan mo ba? Kung di ka lang madadamay at kung wala lang din ako, tiyak na sinugod na niya si Reign kahit magisa siya, pero..!

Nico: (nagulat) ,,,(biglang natawa) Binibigyan mo ba ako ng pagkakataong pumuntos kay Kaycee?  Bakit hindi ikaw ang gumawa kung nagaalala ka sakanya..?

Kaire: Ah ganun? Syang dahil hanggang dito lang pala ang maabot ng nararamdaman mo para sakanya.. Pinatunayan mong mas deserving ako.. Anyway ako lang naman talaga ang deserving.. Sige aalis na ko!! (aalis)

Nico: ....

  (hinablot ni Nico ang damit ni Kaire at ito naman ang tinulak sa pader.)

Kaire: (nagulat) ...Rapist! Rapist! Help!!

Nico: (sinampal si Kaire) Ayan para sa pag ngawa mo diyan samantalang ginawa mo rin sakin iyun. (sinampal ulit) At iyan, dahil sinusubukan mo ako.. Wag mo kong huhusgahan, Blithe. Mahal ko si Kaycee at gagawin ko ang lahat para sakanya. Kaya wag kang pupunta sa pamunuan. wag na wag kang gagawa ng gulo.. Naiintindihan mo? (binitawan si Kaire)

Kaire: (nagpagpag) (isip: Okay, ang cool na niya..) Ang gulo mo Fjord! Gagawin mo ang lahat para sakanya, at dahil dun di ako pwedeng tumulong sakanya? Di ko makuha ang punto mo, tukmol..

Nico: Ikaw ang tukmol at hindi ako. Sige na, tutulungan ko si Kaycee. Pupuntahan ko si Light. Pero ako lang.. Di ibig sabihin nito na talo na ko ha..

Kaire: Teka nga! At bakit maiiwan ako? Di ako payag! ....wag mo sabihing nagaalala ka sakin? At natatakot kang mapahamak ako? Teka, walang talo talo, pre!

Nico: (isip: HAy abno talaga.) O sige, sabihin nating nagaalala ako sayo. Pero dahil lang iyun sa kadahilanang pag napahamak ka, natitiyak kong magwawala si KAycee. Baka pati ako patayin na niya.

Kaire: (proud) Ah talaga! Siyempre! (natauhan) Teka...tanggap mo na?!

Nico: (isip: ... wala nang pagasa ang taong ito..) Basta sumunod ka nalang.

Kaire: Pareho lang tayong may concern kay Kaycee. At hindi makatotohanan ang pagsosolo mo..

Nico: (ngumiti) Di mo kailangang magrisk para masabing hero ka. Kung susunod ka lang sakin, hero ka na..

  Umakyat si Nico at naiwan si Kaire.

Kaire: ... Bakit nga ba kailangan umabot sa puntong seryoso na gaya nito? Hindi ba't wala naman akong kwentang tao? Lalo na sa Recceli? Si ARcher lang naman ang bida dun e!!! Pero... Aaminin ko namimiss ko na siya!! (kumanta) O bakita ng mga tuko, sadyang makapit at pangit!!

  Makapal ang muka ni Kaire kaya nauna na siyang kumain. nung natapos siya, saka palang kakain iyung dalawa. Nakasimangot namang bumalik si Kaire sa kwarto nila ni Kaycee at napansin doon ang note book na kanina ay sinusulatan ni Kaycee.

Kaire: ...? (lumapit) (dinampot) (binuksan) ...

             <---------->

       yung nakalagay dun, first step: patayin si Reign. Ikalawa: Tumakas kasama si Kaire; sasama si kaycee saan man mapunta si kaire. (NEXT PAGE) :drawing: Mama, papa, older brother, sasakyan, lahat may ekis; isang batang babae lang ang natira. (NEXT PAGE)  Gusto ako ni Nico kaya niya ako tinutulungan. Tinutulungan ko si Kaire dahil....? , May isang tao nang nakalaan para pagbigyan ng pagmamahal ko... Si Kaire ang tinutukoy ko... Natuto na ba ako? (NEXT PAGE) MAMAMATAY KA DARKK REIGN!!!

.........the end.......

                      *naku! nadiskubre na siya ni kaire!

T.O.E. (torch of existence)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon