CHAPTER ONE

65 12 48
                                        

And so it begins... the first step of this journey. Kinakabahan na excited, pero it’s time to let Joyce and Lucas speak.

Matagal ko nang gustong isulat ang kwentong ito–isang pasilip sa isang hidden world sa loob ng online dating na baka hindi nyo alam na nag-e-exist.

Isang mundong magulo, puno ng drama, kilig, thrill, at literal na built on lies. I hope this story gives you all the feels. 😊🥰

Just a little note: Medyo may pagka-OC kasi ako. 😅 Gusto ko malinis basahin at maayos ang grammar, kaya sinikap ko talagang i-polish ang bawat chapter. Kumpleto ito sa mga apostrophe, comma, dash, at tuldok. Ang gusto ko lang naman kasi ay maging smooth ang pagbabasa niyo.

Detalyado din ako kung magsulat, cinematic at maraming sensory details. I want you to feel every scene deeply, ’yung parang nandoon din kayo sa loob ng kwento and you can actually see everything happening.

Huwag lang kayong masyadong ma-intimidate, ha? 😁 My only goal is to make every chapter feel alive and real para sa inyo. 💛

Sana ay samahan niyo ang mga characters ko hanggang sa dulo. Happy reading! 😊

Kung mag-enjoy kayo, please don't be shy to vote and comment. Pafollow na rin po at pa-add sa library nyo. 🥰 ❤️

Disclaimer

This story is a work of fiction. Names, characters, places, events, and incidents are products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Copyright Notice
All rights reserved. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means without the prior written permission of the author.

*****************

Nagising si Joyce sa paulit-ulit na tunog ng alarm ng kanyang cellphone sa tabi ng kama. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Ramdam niya ang bigat ng kanyang mga talukap. Gusto pa sana niyang bumalik sa pagtulog, at isuksok ang mukha sa malambot na unan, pero wala siyang choice—umaga na, at kailangan niya nang kumilos.

Inabot niya ang cellphone at pinatay ang alarm bago tuluyang bumangon mula sa kama. Naghikab siya nang malalim, sabay inunat ang mga braso hanggang sa marinig ang mahinang lagutok ng kaniyang likod. Napaigtad pa siya nang bahagya nang lumapat ang kanyang talampakan sa malamig na sahig.

Ang bilis naman ng oras. Parang kakapikit lang nga niya kanina, tapos ngayon ay umaga na agad. Pakiramdam tuloy niya ay parang ninakawan siya ng oras sa pagtulog.

Lumabas siya ng kwarto at naglakad patungong banyo. Mabigat ang kaniyang bawat hakbang.

Hay... ganito na lang lagi ang eksena niya sa araw-araw. Gigising siya, papasok sa trabaho, uuwi ng pagod. Paulit-ulit na routine. Pero kahit nakakatamad, kailangang harapin ang panibagong araw.

​Naligo siya at nag-ayos ng sarili. Pagkatapos matuyo ng buhok, pinili niya ang kaniyang paboritong smart casual na porma—isang malinis na puting T-shirt na pinatungan ng itim na blazer. Maingat niyang itinupi ang manggas hanggang siko at ipinares ito sa kaniyang itim na slacks.

Paglabas niya ulit ng kwarto, sinalubong siya ng amoy ng almusal. Sa maliit nilang kusina, nadatnan niya si Rona—ang kanyang kababata slash roommate, at slash emotional support system niya—na nakatalikod at abala sa harap ng kalan. Sumisingaw ang bango ng scrambled eggs at ang pag-gisit ng longganisa sa mainit na mantika, ngunit higit pa rito, ay ramdam niya ang frustrations sa bawat galaw nito.

SwipeMatchWhere stories live. Discover now