Chapter 5

10 4 0
                                    

Chapter 5

Cornerned

Gusto ko lumabas ngayong araw, pero syempre wala akong bibilhin dahil wala naman akong mabibili. Kaya window shopping lang ang gagawin ko.

Sooo, off to somewhere!

Una pumunta ako sa baywalk, malapit lang to samin, walking distance lang. Sobrang daming tao! Nililipad lipad pa yung buhok ko sobrang sarap lang sa feeling.

Naupo ako sa gilig at pinanood ang mga kaganapan sa baywalk, at napansin ko ang daming couples. Bakit ako walang couple? Bakit nga ba ako walang boyfriend? Studies.

Di ko alam kung magiging proud ba ako o malulungkot eh. Kaya pumikit ako at nilasap ang hangin, saka nag lakad lakad muli.

Pero biglang may dalawang lalaki ang humarang sakin. Sinubukan kong lumihis ng daan pero mukhang ako nga talaga habol nila, cornered.

Tinignan ko silang dalawa. At tama ako, pareho silang panget. Kaya syempre lalapitan nila ako, maganda. Sinubukan kong tumalikod at muling mag lakad pero hinarangan ulit nila ako.

"What do you want?" Sabi ko ng naiirita, tinignan ko sila ng masama. "Watduyuwant?" Sabi nung isang panget.

"Nag inglis ata pre." Sabi naman nung isa pang panget. "Ah nag inglis, miss we talk can?" Mukha namang tanga tong isa pinilit pa mag english, tapos ang pronounce pa sa english ay inglis. The hell.

"Ano bang gusto niyo?" Galit na tinignan ko na silang dalawa. "Eh nag tatagalog ka naman pala miss eh! Sana kanina mo pa sinabe pinahirapan mo pa kami." Kamot sa ulo nung tanga, "I'm gerrald!" Nilahad niya yung kamay niya sakin.

"I'm bakte." Ngiti nung isa na kitang kita na maitim na yung ipin niya. Yuck! "Di ko kailangan ng introductions niyo, get out of my way." Hinawi ko sila at tuloy tuloy na nag lakad.

"Hanudaw? Intrudaksyons?" Sabi ulit ni Tanga, Gerrald. "Inglis nga ng inglis bubu mo pre." Yung bakte naman. "Teka miss!" Hinablot niya yung braso ko.

"Anu ba bitawan mo ko!" Pumiglas ako sa hawak nung tanga pero lalong humigpit yung hawak niya sakin, ugh ano bang gusto nito? "Sumama ka samin miss, mag eenjoy lang naman tayo eh." Sabi nung bakte.

"Ayoko nga sabi eh!" Napasigaw na ako sa pag piglas. "Sama ka na sa-." Lumaki yung mata nung bakte na tumingin sa likod ko. Lilingon na sana ako nang maramdaman ko na may naka akbay na sakin.

"My girlfriend said let her go and she doesn't want to come with you. Let go." Napabitaw naman yung tanga. At hinila niya yung tropa niyang pangit palayo.

Narinig ko pa na tinanong nung isa na, "naintindihan mo?" Tapos sumagot naman si tanga na, "hindi, natakot lang ako. Mukhang nobyo ni miss eh." Saka umalis na sila ng tuluyan.

Napa buntong hininga ako..

"Okay ka lang, Mina?" Wait teka? Kilala ko yung pag tawag na yun ah? Napatingala ako bigla at nakita ko si Steven na naka ngiti sakin.

Inalis ko agad ang pag akbay niya at lumayo sa kanya. Nako patay, mas okay pa yatang yung mga panget ang may ginagawang masama sakin kaysa tong demonyo na to. Mag lalakad na sana agad ako ng palayo ng mag salita siya.

"What? Are you not going to say thank you to your savior?" Pangisi ngisi niyang sabi.

Lumingon ako, "THANK YOU!"

"Sorry but thats not going to work." Hinawakan niya na ako muli at hinila sa sasakyan niya.

One DayWhere stories live. Discover now