Hindi Ko Matanggap

Start from the beginning
                                    

Sobra kong naaappreciate ang lahat ng suporta mula sa mga kaibigan ko, dahil pakiramdam ko ay any moment ay baka sumaboy ang lahat ng nararamdaman ko.

Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang dalawang lalaki na naghahalikan na para bang wala silang pakialam kung pinagtitinginan sila ng mga tao, muli ay nabuhay na naman ang galit sa dibdib ko sa nakita kong iyon.

"The nerves of these people." hindi ko namalayan na lumabas pala iyon sa bibig ko, hindi ko na pinansin ang naging reaksyon ni Arnold.

"Sinusumpa ko ang lahat ng bakla sa mundo, they should all go to hell!" punong puno ng galit kong sinabi kasunod ng pait sa dibdib.

"Bottoms up!" nakakaloko kong sigaw, at muli nga ay nagpatuloy na kami sa pag-inom, hindi na din ako nito pinigilan at hinayaan na lang ako, hanggang hindi ko na namalayan ang nangyari at kung paano ako hinatid nito sa bahay.

Pumasok na din ako ng sumunod na araw, mabuti na nga iyon kaysa patuloy akong magmukmok sa loob ng kuwarto. Nakita ko naman ang saya sa mga kaibigan ko sa pagbabalik kong iyon.

Sa wakas ay nameet ko na din si Jake Angelo in person, hindi pa din maalis alis sa dibdib ko ang nararamdaman kong disgusto dito, dahil pakiramdam ko ay problema lang ang dala nito kay Arnold, pero sinarili ko na lang iyon, lalo na't mukhang tanggap naman ng lahat si Jake.

Lumipas ang mga araw at kahit paano ay nararamdaman ko na nakakapagmove on na din ako mula sa mga nangyari sa buhay ko, at dahil na din iyon sa tulong ng mga kaibigan ko.

"Mom, papasok na po ako!" paalam ko dito, sandali ko muna itong hinanap hanggang sa matagpuan ko siya sa garden nito na abala sa mga halaman nito.

"Sige Larry, mag-ingat sa pagmamaneho." sagot naman nito na hindi pa din inaalis ang tingin sa mga halaman nito. Mas mabuti nang may pagkaabalahan ito, kaysa naman maisip pa nito si Daddy.

Sumakay na ako sa kotse at ilang sandali lang ay nasa kalsada na ako. Inabot din siguro ng mga thirty minutes bago ako makarating sa school. Agad kong pinarada ang kotse ko sa usual parking spot ko, agad kong napansin na wala pa doon ang big bike ni Arnold.

Agad naman akong dumiretso sa tambayan namin sa bench sa ilalim ng punong mangga, agad ko naman napansin ang kakaibang itsura nila Louie at Ken habang nakatingin sa hawak hawak ni Louie na papel.

"Hey guys! What's up?" nakangiti kong salubong sa mga ito, sandali lang nila ako tinignan at muling nagbalik ang tingin ng dalawa sa papel na napag-alaman kong isa palang print out.

Naisipan ko naman agawin sa kamay ni Louie ang naturang print out at ganoon na lang ang gulat ko nang makita ko kung ano ba talaga iyon, hindi ako makapaniwala sa nakikita kong larawan na naroon, dahil imposibleng mangyari ang bagay na ito.

Isa iyong larawan ni Arnold at Jake at ang masama ay naghahalikan ang dalawa, I tried to deny it, naisip ko kasi na baka photoshop lang ang larawan na iyon lalo na't sobrang galing na ng technology ngayon, pero alam kong hindi iyon totoo at base na din iyon sa mga napapansin kong pagbabago kay Arnold magmula ng dumating si Jake sa buhay nito.

Nasa ganoon akong pag-iisip ng sakto naman na napansin kong naglalakad palapit ang dalawang nasa larawan, ang best friend ko at ang kanyang... 

Agad kong binura sa isip ang bagay na iyon, hindi ko kasi matanggap ang salitang boyfriend, dahil hindi ito tama. I mean I know Arnold since elementary at hindi siya bakla.

I blamed Jake Angelo for this mess, magmula nang dumating ito sa buhay namin ay nagulo na ang buhay ni Arnold.

Minabuti ko na lang na umalis na lang muna at huwag sila pakiharapan, hindi ko din alam kung ano ang masasabi ko kapag nagharap kami, dumiretso na lang ako sa bakanteng lote sa school.

I Love You Goodbye (BoyxBoy)Where stories live. Discover now