CHAPTER 2 : THE NAME

4 0 0
                                        

𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝐓𝐰𝐨 : The Name Across the Door
_____________________________

The days went on, same routine, same hallway, same dorm atmosphere. Para bang cycle lang gigising, papasok ng klase, uuwi ng pagod, tapos makikita ko na naman siya either sa pintuan ng room nila or kasama ang tropa niya. Pero kahit ilang beses kaming nagkasalubong, wala pa rin. Siguro dahil din Lage Akong nakayuko pag nakikita ko siya dahil nahihiya ako

Pero kahit ganun, unti-unti akong nakakakuha ng maliliit na piraso ng impormasyon tungkol sa kanya. Hindi naman ako actively nag-i-stalk, pero syempre, kapag naririnig mo yung tropa nila nagkukuwentuhan sa hallway, natural lang ma-pick up ang details.

At doon ko nalaman.

Engineering student pala siya.

Parang biglang nag-click sa utak ko. Ah kaya pala. Tahimik, medyo seryoso, parang laging may malalim na iniisip. Bagay na bagay talaga sa stereotype ng Engineering students mabibigat ang subjects, sleepless nights, puro computation, puro stress. Kaya mas lalo akong napa-wow.

Pero kahit may clue na ako sa course niya, isang bagay pa rin ang hindi ko alam:
𝐘𝐮𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐚𝐥𝐚𝐧 𝐧𝐢𝐲𝐚.

_____________

One random night, may activity kami sa Mathematics in the Modern World. Handwritten lahat, sobrang dami pang isusulat. Kaya imbes na magsiksikan sa loob ng dorm, lumabas kami sa hallway study area. Doon kasi presko, may pahaba na lamesa at mas open ang space. Perfect spot para magpakapagod magsulat.

Nakaupo kami ni Rea, kasama pa isang dorm mates na Taga kabilanh room.

Nakalapag yung mga papel, ballpen, at modules. Nag-uunahan sa pagsusulat kasi gusto naming matapos agad.

Habang abala kami, lumapit si Leo isa sa mga naging tropa na rin namin sobrang kulit. Nakatayo siya sa tabi namin, sumilip sa ginagawa namin.

“O, grabe kayo. Para na kayong gagawa ng thesis ah,” biro niya habang nakakunot ang noo at nakatingin sa sulat namin.

Napailing si Rea at natawa. “Leo, hindi thesis ‘to. Activity lang. Pero swear, parang gusto na rin kaming patayin ng prof namin sa dami.”

Nag-join Ako sa usapan, “Masakit na kamay ko oh. Kakapagsulat lang kanina, tapos eto na naman.”

Napahinto rin ako saglit, iniunat ang kamay ko at napangiwi. Totoo naman, ang sakit na talaga. Ramdam ko yung pamamanhid sa daliri at pulso.

Kaya bigla akong nagbiro. “Leo, ikaw na kaya magsulat para sa amin. Libre ka naman oh.”

“Loko!” tawa niya. “Ano ‘to, secretary for hire? Bayad ba ako diyan?”

Sabay sabat ni Rea, “Oo, bayad ka ng cake leftover nong isang araw!”

Nagtawanan kami. Ang gaan lang ng moment. Pero kahit light yung usapan, yung utak ko busy rin sa ibang bagay. Kasi habang nagbibiro kami kay Leo, rinig ko yung tawanan at usapan mula sa kabilang pinto.

_____________

Sa gitna ng pag-aasaran namin ay, biglang natanong ni Rea kung anong pangalan ng lalaking lagging kasabay ni Leo

“Uy, Leo” sigaw  ko bigla Kasi nasa pintuan sila

“Ano ?” sagot niya, natatawa

“Anong pangalan Ning naka black sabi ni Rea" Kasi nakablack siya noon.

“Ha? epal, mo astria ” sabi ni Rea na parang naiinis na

Pero imbes na tumigil, mas lalo akong nangulit. “Eh diba curious ka?”

"Rhyz, pangalan niya" sagot ni Leo na natatawa

" weeeee " sabi ko na nagbibiro

"Oo nga!” sabat ni Leo

“May resibo pa! Tingnan mo, bill namin sa kuryente.” Habang hawak niya Ang bill ng kuryente nila sa may pintuan.

Nagtilian ulit sila, halos buong hallway may ingay. Tawa ng tawa yung tropa niya, pati kami, na naka upo sa study area.

Ngunit ayun na nga, narinig na rin ng tropa niya yung ingay ni Leo. Bigla silang nagtilian at nagsisigawan.

Lumabas siya.

Naka-plain black shirt lang, messy hair, parang kakabangon lang mula sa pahinga.

Tumingin siya sa tropa niyang nagkakagulo, tapos diretso kay Leo.

“Ano na naman?” tanong niya, deadpan pero may halong amused.

Sabay singit si Leo, walang ka-preno-preno talaga. “Pre, pangalan mo nga? Tinatanong kasi dito eh.”

“Rhyz,” simple niyang sagot.

Halos napakagat ako sa labi para hindi obvious ang reaction. Rhyz. So that’s his name.

Pero syempre, defensive ako. “Weeeeh, seryoso ba ‘yan?”

At bago matapos ang eksena, dumungaw si Leo ulit, mas lalo pang nang-asar:

“Sabi ni kyaaa, regards daw siya sa katabi mo Astriaaa!”

Sabay halakhakan ng lahat.
Napakunot ako ng noo, sabay tawa na rin.

“Hoy Leo, wala kang preno!” sabi ko, habang si girl na nasa kaliwa ko napailing lang at tumawa rin. Si Rea naman sa kanan ko, panay ang kurot sa braso ko.

Habang nagtatawanan sila, kami naman ni Rea at yung katabi ko sa left balik ulit sa pagsusulat. Nagpanggap na busy para di na humaba pa yung asaran.

Si Rea naman nag-comment din, “Sige lang, dami mo pang isusulat d’yan. Kung ako sa’yo, bilisan mo, baka maubusan ka ng ink bago pa maubusan ng asar si Leo.”

Nagpatuloy yung kulitan habang kami abala sa papel, hanggang sa unti-unti na Silang pumapasok sa room nila.

Gano’n naman lagi magsisimula sa asaran, matatapos sa tawanan, tapos balik lahat sa kanya-kanyang ginagawa. Pero kahit tuloy-tuloy na ulit ang pagsusulat ko, sa utak ko umiikot lang yung isang bagay:

Rhyz.
____________

First time ko siyang tawagin sa isip, hindi lang “yung katapat ng dorm” or “engineering guy.” May pangalan na siya. Totoong pangalan.

At kahit simpleng detail lang yun, parang milestone para sa akin.

Hindi ko alam kung bakit ganun ang tama. Hindi ko alam kung crush lang ba ‘to, infatuation, or baka curiosity lang. Pero deep down, alam kong iba.

Kasi mula nung narinig ko yung pangalan niya, parang mas naging real siya. Mas naging totoo yung presence niya sa mundo ko.

At doon ko narealize…
This wasn’t just some random crush.
This was the beginning of chaos.

The boy across the door finally had a name.
And that name was Rhyz.



____________________________

✨ CHAOS IN BETWEEN US ✨
by aroseeeyy
© 2025 All rights reserved

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 22 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chaos in Between UsWhere stories live. Discover now