Hello Philippines, mabuhay!! Andito na naman po ang pinaka poging nilalang sa balat ng lupa.
Hi everyone, I'm Sevi Ajero 20 years old, 2nd year college, architecture student. And an influencer too, hehe.
Hayy, another day, another paghihirap na naman ang gagawin. Marami pa akong gagawin, gagawa ng plates, mag re-review at syempre mag v-vlog.
Buti nalang nandito mga friends ko, lalo na si be-ep-ep Paulo ko.
Mag best friends na talaga kami nyang si Paulo simula bata. Na witness namin lahat ng pagbabago samin.
Same kami ng elementary, high school, at college na pinasukan. Gaya gaya kasi yan eh. Joke. Same na din namin kinuha 'tong course na 'to dahil mahilig naman talaga kami sa mga gan'to.
"Sevi!!" Malakas namang sigaw ng isa kong kaklase.
"Ohh? Ano na naman?" Tanong ko sakanya.
"Tulungan mo nga ako sa plates ko please?" Ayy, jaan sila magaling. Yung papansinin kalang pag may kailangan. Hala hindi, hindi gaganon.
"Luh! Ako nga hirap na hirap eh. Pero sige na nga tulungan na kita ha." Sabi ko sakanya, naawa naman na ako edi go.
"Thank you so much, Sevi! Hays swerte ng magiging jowa mo, bukod sa pogi na matulungin pa. Tsk jackpot" enebe pere nemeng shere- hoy ano daw?
"Sus nambola pa nga" pero kinilig ako dun.
After ng klase namin buong morning ay mag l-lunch na ako. Mag-isa lang ako kasi wala si Paulo, naiwan sa room, nag selpon wala daw pera.
Sabi ko ililibre ko na sya pero mukhang ayaw nya talaga tumayo. Sa Isang malapit na mini resto kasi ako kakain eh. Tambay na din, 2:00 pm panaman ang pasok ko.
Habang naglalakad ako, nag cr Muna ako pero may narinig akong umiiyak. Pero sa building ng mga Engineering student.
Dito na ako nag banyo kasi alangan namang bumalik pa ako sa building namin diba.
Hays baka guni guni ko lang yan.
Pero hindi eh. Hindi sya iyak na deretsohan, parang pinipilit nya na di umiyak. Shet katakot naman dito, mag isa lang pati ako.
Hindi kasali yung umiiyak. Nag mamadali na ako ng may tumakbo sa likod ko, di ko nakita yung mukha pero sinubukan kong sundan hangang sa labas ng pinto hangang sa makita yung mukha.
Pogi ah, pero parang nakita ko na 'to. OMG! Si kuyang natapunan ko ng kape 'to ah.
Dapat makaalis na ako dito. Nahihiya kasi ako sakanya eh. Late na Kasi ako nun kaya wala akong proper apology.
Maybe mag s-sorry nalang ako sakanya pag tama na ang oras.
Naglakad na ako at nag lunch, after mag lunch is deretso na uli sa classroom.
Pag dating ko sa classroom sakto, paparating na din ang prof namin at may activity daw kami ngayon.
"Okay everyone settle down I have an announcement. Taday ihahalo ko kayo sa engineering students 'cause Engineering and Architecture are the best partners okay?" (Sabi ni Author kahit wala naman talaga yang alam sa architecture, balak daw kasi ni author mag engineering eh)
"Malay nyo, after nyong makatapos ng pag-aaral ay magkita-kita ulit kayo ng mga Architecture students diba? Malay nyo magkapartner kayo sa Isang project" Sh*t, diba engineering si kuyang kanina? Sana hindi kami dun lord.
Habang papalakad na kami papunta sa engineering building eh kinakabahan na ako. Pagkapasok ko sa Isang classroom ay nilibot ko kaagad ang mga mata ko.
Yes! Hindi ata ito yung room ni kuya hehehe, nice!
Nakatayo pa kaming lahat, mga archi students sa gilid at excited na agad ako dahil ma p-pair kami sa mga gagawin naming activities.
Isa-isa na kaming pinair at iniintay ko nalang yung appellido ko.
"Okay Mr. Ajero, you're paired with... Mr. Suson" ohh who's this Suson guy? "Where is he?" Tanong ng prof.
"Nag cr sir" Sabi nung isa.
"Yes sir?" Sabay lingon ko sa nagsalita.
Omg! This can't be real! Oh no!
OA self, OA.
"Sit down beside Mr. Ajero" then tumabi sya sakin at tinignan ako na para bang iniisip nya kung saan nya ako nakita.
Habang kinakabahan ako ay nahulog ko yung ballpen ko. Pag angat ko ay nasiko ko sya, pano nangyari yun lord. Help me.
"Ayy sorry po" kinakabahan ako
"Tsk, stupid" wow ah.
YOU ARE READING
Accidentally Yours
General FictionSevi lies about having a boyfriend to avoid embarrassment, then accidentally ropes Kelzy into the act.
