One Night Of Forever

Start from the beginning
                                    

"Shut the hell up... you're annoying." He gave me this look.

Naupo na ako sa damuhan at saka sinakop nang mga kamay ang mukha. Muling umiyak pero mahina na lang. Iiiyak ko na lahat para matapos na lahat sa gabing ito. At wala na akong pakialam sa lalakeng ito. Tutal ito lang naman ang nandito and since nakita at narinig na niya akong nagkakaganito, might as well get on and be done with it.

"Hey, aren't you going to stop?" bumaba siya sa jeep at lumapit sa akin.

Hindi ako nagtaas ng paningin, ipinagpatuloy ko lang ang pag-iyak.

Pagkuwan ay nagulat ako dahil dinaklot niya ang magkabila kong braso at saka pwersahang inihiga sa damuhan. Napamulagat ako sa kanya, nagtataka sa kanyang ginawa.

"If you don't shut up I will fuck you here." Madiin niyang sabi.

Nanlaki ang aking mga mata. Ano daw? Sira ulo pala ito---wait! Rapist? Ohmygod, rapist ba ito?

He chuckled, as if he read what I was thinking right at that moment.

"It's the only way I know to shush a woman like you."

"A-alright, jeez...titigil na" pahikbi-hikbi kong sagot.

Wala man lang akong mahanap na matinong lugar para malayang makaiyak. What kind of life is this, huh?

"What's your problem anyway?" he then asked as if he's interested now.

"P-pakialam mo." pinahid ko ang luha at muling umupo pagkatapos niya akong pakawalan.

"Wala, but looking at you, you might really kill yourself if I let you be."

"Hindi naman ako gano'n kadesperada para magpakamatay 'no!"

He chuckled.

"Why, are you scared of death?"

"No, because it's not worth it, he's not worth it."

"Then why are you crying like this as if it's the end of the world?"

Hindi ako umimik. Somehow I feel like I can tell everything to this stranger, though I'm still a little bit annoyed of him.

"It's alright if you don't want to talk" at saka ito humiga sa damuhan, ginawang unan ang mga braso at saka pinanood ang bituin sa kadiliman ng gabi.

I hugged my knees and rocked myself. We enjoyed the few minutes of silence between us.

"Tonight is supposed to be one of my happiest nights." I started.

"Hmm..." sabi lang niya.

"He proposed to me last year after two years of being together." I sighed; I guess it's alright to tell this stranger all about it.

"Earlier tonight he broke up with me instead of celebrating our third anniversary. Alam mo iyon, bigla bigla na lang, ni hindi man lang siya nagpahaging na ayaw na niya, basta na lang niya sinabing ayaw na niya." Muling bumalong ang luha sa aking mga mata. Lalong bumilis ang pag-ugoy ko sa sarili.

"Umasa kasi ako eh. Hindi ko inaasahang magiging ganito pagkatapos ng lahat, ang sakit kasi."

"What's his reason for the break up?" he asked lazily.

Hindi muna ako umimik. Nag-iisip kung sasabihin nga ba sa kanya ang aking hinala. Pagkuwan ay naisip kong maiging sabihin nga para malaman kung ano ang iisipin niya sa sitwasyong madalas naming pag-awayan nang ex ko. Tumikhim muna ako at inihanda ang sarili sa maaaring maging sagot niya.

"Sex..." mahina, halos pabulong kong sagot.

"What?"

Lumunok uli ako at saka inulit ang sinabi.

One Night of ForeverWhere stories live. Discover now