One Night Of Forever

2.1K 57 29
                                    

"AAAAAHH!" This life sucks! I hate my job. I hate my life. And I hate my boyfriend—no, ex-

boyfriend!

"Papropose-propose ka pang hayup ka! May palove-love ka pang nalalaman, unggoy ka! Mamatay ka na sana!" I screamed at the top of my lungs while the roller coaster is speeding fast.

'Di ka man lang namili ng araw, bakit ngayon pang third anniversary natin ikaw nakipag-break, gago ka. Ang sakit kaya no'n tapos may pafriends-friends ka pang nalalaman, ano 'yon, sitcom ng FRIENDS? Isaksak mo sa baga mo hinayupak ka!

"Aaaaaah!" kahit anong takot ko dito sa roller coaster ay napasakay tuloy ako ng 'di oras dahil sa sakit na nararamdaman ko, but I'm glad I did. At least here, I can scream at the top of my lungs. I can cuss. And I can cry.

Hindi naman ako naniniwala sa forever eh, pero sana naman kahit paano naramdaman kong naging forever niya. Minahal ko siya eh, 'yong todo, 'yong totoo, kasi...he promised me and I believed him, but he hurt me, ang sakit pala.

"Aaaaaah!" ang sarap sumigaw!

"Miss, the ride is over, you can stop screaming now." Sabi sa tabi ko.

Aba't! Pero bago ko pa sitahin 'yong nakialam sa paglabas ng sakit nang loob ko, lumapit na si Manong kundoktor para palayain kami sa naka-lock na bar sa ride namin at pinalalabas na kami.

Naunang bumaba ang pakialamerong iyon at susme, lalake pa, ano pa nga ba, adelantadong mga bwisit sa buhay ko.

Hinabol ko siya hanggang sa parkingan ng mga sasakyan. Medyo madilim kung saan siya huminto at tanging ang tanglaw lang ng mga ilaw sa carnibal ang uma-aninag sa sasakyang hinintuan niya.

Sumampa siya sa likod nang wrangler jeep at saka may dinampot. Pagkatapos ay bumaba na may dalang beer at saka pumwesto sa driver's seat at doon naupo at ininom ang binuksan na beer in can.

"Hoy!" sigaw ko nang makalapit sa kanya.

Matiim niya akong tinitigan. Pagkuwan ay balewalang muling itinuon ang atensiyon sa iniinom na beer at saka pinagmasdan ang lake sa harap namin.

Aba't hindi ako pinansin!

"Hoy, adelatado kang lalake ka, ano ba'ng problema mo?" nakakagigil ang estrangherong ito!

"You." Patamad niyang sagot.

"Ano ba'ng pakialam mo kahit magpakamatay pa ako sa harap mo? You should have just shut your mouth!"

"That might have been better than screaming right beside me. I think your screams damaged my eardrums."

Aba't walanghiya pala ang isang ito!

"Hoy! Hindi kita piniling makatabi sa roller coaster! Nagbayad ako kaya karapatan kong gawin ang kahit ano kapag nando'n na ako. Sinabi ko bang tumabi ka sa akin? Parang araw-araw ko namang ginagawa iyon eh ngayon nga lang ako sumakay dahil sa takot ko sa rides na iyan. Kung hindi lang dahil sa gagong ex ko hindi naman ako sasakay diyan eh! Sana hindi rin kita nakatabi! Sana hindi rin ako nagsisisigaw ng gano'n! Bakit ba kasi sa dinami-dami ng makakatabi eh ikaw pa na napakasungit at adelantado!" hindi ko na napigilang bumalahaw ng iyak.

Nakakainis kasi, minsan at ngayon na nga lang ako maglabas ng sama ng loob minalas pa sa lalaking ito. Ang sakit na nga ng dibdib ko dahil sa walang kwenta kong ex heto at ginatungan pa nang kung sinong adelantadong ito. Hindi ko tuloy mapigilan ang pagbalahaw ko ng iyak. Maano ba, hindi ko naman siya kilala, bahala siya! Basta ako iiyak dahil masakit pa rin at idagdag na rin ang inis ko rito. What a lousy evening to spend my broken heart!

One Night of ForeverDonde viven las historias. Descúbrelo ahora