Chapter 43

5.4K 130 6
                                    

It's a lazy day para sa magkasintahan bukod kasi sa wala silang pasok ay umuulan pa nakatambay lang sila sa kanya kanyang bahay.

" Hey baby " bati ni Vice sa kausap " Good morning " kasalukuyang nakaupo sya sa hagdan

( Morning babe )

" Kagising mo lang ? " pangingiting sabi ni Vice na nakaupo sa hagdan " Naunahan kita "

( Hmm )

" Bangon na !! "

( Maaga pa )

" Tanghali na po "

" Meme kakain na " sigaw naman ni Donna

( Kakain ka na pala e )

" Kumain ka na rin "

( Maya maya )

" Tawagan kita later "

( Wag na .. tutulog ulit ako )

" Hala ka Kar .. aba bastos to " umiling iling na lang sya dahil binabaan sya ni K ng phone

Magtatatlong oras na simula nung huling tawag ni Vice kay Karylle hindi na nya ulit ito tinawagan para makapagpahinga. Pagkatapos kumain ng tanghalian ay nasa kwarto lang nakaharap lang sya sa T.V o di kaya'y sa phone nya. Naramdaman naman nyang parang nanahimik ang buong bahay kaya bumaba sya.

" Karylle ! " sigaq nya ng makita niya ito kusina " Anong ginagawa mo dito akala ko tulog ka pa ? Nasaan sila Donna ? "

" Nainip ako sa bahay e .. bumili sila ng pang baked mac "

" Ano yan ? "

" Magbake ako ng cookies sorry ha nakialam na ako dito sa kitchen mo " sabi nito na busy sa paghalo

" Ito naman parang others .. kung kailan umuulan tsaka ka gumagala "

" Buti nga dito ako gumala e hindi sa iba "

" Echusera .. tulungan na kita " kinuha nya yung mga chocolate chip at nilagay sa bowl ng batter

" Ang dami mo naman nilagay "

" Keri na yan ngayon mo na lang kaya ako pinagbake ng cookies mo " nakangising sabi ni Vice

" Mommy K where here " sigaw ni Donna

Pagkatapos maiayos ang mga nabili ay sinimulan na nilang magluto. Tuwang tuwa naman ang Team Vice nang matikman ang luto ni Karylle.

" Grabe ang sarap talaga ng luto mo Mommy " puri ni Donna

" Pwede na bang magasawa ? " tanong ni Vice tumango tango naman sila si Karylle naman ay pangiti ngiti lang

Matapos kumain at magligpit ay tumambay ang dalawa sa sala.

" Dubsmash tayo " aya ni Vice " Dance dubsmash "

" Eee "

" Dali na .. " pagpupumilit pa ni Vice " May ipapasayaw ako sayo "

" Patingin muna baka di ko kaya " pinakita naman ni Vice ang sayaw

Tawang tawa naman sila Donna na nanood sa pagsayaw ng dalawa.

" Nakakaloka sakang na nga pareho pang kaliwa yung paa " asar ni Vice

" Ayoko na nga " nakasimangot na sabi ni K

" Joke lang " yumakap sa kanya si Vice " Ok lang sexy ka naman e magaling ka pang kumanta almost perfect na nga e "

" Bolero "

" Bolera kaya " pabaklang sabi ni Vice " Game na "

Sinimulan na nilang magensayo at di nagtagal ay nagumpisa na silang magdubsmash ng mga sikat na sayaw. Ang pinakahuli nilang ginawa ay ang Cheerleader na kung saan ay gagayahin ni Vice ang pagkanta samantalang si K ang sasayaw.

Mess We've Made (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon