Chapter 32

4.6K 125 6
                                    

Tumambay muna sa may sala si Karylle pagkalabas ng kwarto minabuti muna nyang magpalipas ng inis malayo kay Vice. Nagbukas sya ng laptop sakto naman nakitang nyang online ang kanyang matalik na kaibigan na si Bryan.

" Hi " bati ni K ng sagutin ni Bryan ang tawag nya sa skype

( Oh bakit gising ka pa ? )

" Ikaw bakit gising ka na anong oras na dyan ? "

( 7 am na dyan magmidnight na bakit di ka pa natutulog ? )

" Di pa ako inaantok e "

( E bakit nakabusangot yang mukha mo ? ) tanong ni Bryan habang kumakain ng breakfast

" Ano yang kinakain mo ? "

( Cereals lang kakajog ko lang e )

" Ah ganon kaya pala maaga kang gumising "

( So bakit nga ganyan yang mukha mo ? Nagaway kayo ng jowa mo ? )

" Wow jowa coming from you ah .. iniinis nya ako e "

( E lagi nyo naman kayong nagiinisan hobby nyo nga ata yan .. baka nagoover think ka na naman ) sabi ni Bryan na sunod sunod ang subo sa kinakain

" Nagpropose sa akin si Vice "

( He .. ? What .. ? ) halos mabulunan naman ito dahil sa pagkabigla

" After natin magkita pumunta kaming bownes park tapos inaya nya akong magpakasal "

( At ngayon mo lang sinabi sa akin ?! ) di makapaniwalang tanong ni Bryan

" Kaya nga sinasabi ko na sayo ngayon after that moment parang nasa cloud 9 pa ako "

( Paano naman yung feelings ko ? )

" Baliw .. " napagiggle na lang si K sa kadramahan ng kaibigan

( Grabe ka K .. wag mong sabihin kaya ka ganyan ngayon kasi nagsisisi ka na ? di ka pa rin nakakamove on sa akin ? ) nagpapogi pa ito

" Hindi kailangan magmove on baliw to .. baka nga sya yung nagsisisi e " malungkot na sabi ni K

( Yan nagoover think ka na naman )

" Baka kasi mangyari na naman "

( Ito Karylle ha kapag lang nalaman kong sinaktan ka nya o iniwan uuwi ako agad dyan at wag na wag syang magpapakita sa akin dahil babasagin ko yung mukha nya )

" As if naman papayag akong gawin mo yan "

( Grabe mahal na mahal lang .. tss basta nandito lang ako ha I'm just a skype away .. anyways viber na lang may pasok pa ako e )

" Yea sige .. matutulog na rin ako e good morning dyan magingat ka ha derecho sa work baka kung saan ka pa dumaan " paalala ni K

( Oy good boy to good night poopy haha ingat kayo ) paalam ni Bryan

Matapos makausap ang kaibigan ay pumasok na sya sa kwarto naabutan naman nyang nagkakalikot pa ng phone si Vice na bagong shower.

" Babe sleep na tayo " aya ni Vice

" Edi matulog ka na nasa akin ba yung kama at unan "

" E hindi ko ako makatulog " ungot pa ni Vice

" Umuwi ka sa bahay mo doon ka matulog " pagsusungit ni K

" Luh ! Ang sungit sungit meron ka no ! "

" Ewan ko sayo ! " bulyaw ni K na pumunta na sa banyo pangiti ngiting umiling na lang si Vice

Akala ni Karylle matapos makausap ang kaibigan ay kahit kaunti ay maaalis ang kanyang inis kay Vice pero tila mas nadagdagan pa ito. Pagkatapos maglinis ay humiga na ito malayo kay Vice kaya naman ang isa na ang lumapit at nagsumisiksik pa.

" Vice ano ba " asar na sabi ni K

" K ano ba .. um bango bango naman ni Ms. Sungit " yumakap ito at inamoy amoy ang leeg ni K

" Viceral isa naiinis ako sayo tigilan mo yan "

" Eee gusto ko kayakap ka di ako makatulog kapag hindi wag ka ng maarte like mo rin naman "

" Sino mas clingy sa atin "

" It's a tie .. sorry na sarap mo lang talag inisin ang cute cute mo " natawa pa si Vice nang maalala ang mukha ni K na naiinis " Tska wala lang talaga ako sa mood na magsalita kanina antok na antok ako e .. kaw kasi e "

" Bakit ako ? " nagtatakang tanong ni K

" Duh dahil sa pagiyak mo sa cake napuyat ako " humarap si K kay Vice

" Wag mo akong aasarin bukas sa Showtime tungkol dyan " seryosong sabi ni K

" Di ko mapapromise " nakangising sabi ni Vice

" Subukan mo lang Vice " may halong pagbabantang sabi ni K

" Nuh ah " umiling pa si Vice

" Ganun ipopost ko sa IG yung picture nyo ni Jon mo na nakandong ka pa sa kanya ano ha " nanlaki naman yung mata ni Vice sa sinabi ni K .

" Saan mo nakuha yun ? Patingin ? "

" Ayoko nga " tumalikod si K na sya naman ngayon ang pangiti ngiti

" Edi ipost mo nakamove on na kaya ako "

" Ok sabi mo e " akma namang kukunin ni K ang phone ng pigilan sya ni Vice

" Karylle naman e delete mo yan ! Kawawa naman yun ! San mo ba nakuha yun ah "

" Sa kanya pinasa nya sa akin .. lahat ng naging ex mo kaibigan ko na nu maliban na lang kay baby boy mo mailap sya sa akin e .. grabe ka diskarteng marino ka daw " asar pa ni K

" Di ko sya ex nu .. fling fling lang " pabebeng sabi ni Vice " Delete mo yun ah " yumakap ulit si Vice at sumiksik sa leeg ni K

" Wag mo akong asarin bukas tska sating dalawa lang yun ha magpromise ka " wala namang nakuhang sagot si K " Isa Viceral .. "

" Oo na basta delete mo yun .. baka naman marami kang kopya nun ah tska baka marami ka pang tinatagong ganung picture "

" Wala na .. " labas sa ilong na sagot ni K

" Isa Karylle " tumawa lang si K " Hmp pasalamat ka nako nako " tumawa lang si Karylle at humarap kay Vice at humalik " Yan dyan ka magaling "

" Good night love you Mr. Bugnutin "

" Isa pa " nakapout na sabi ni Vice na pinagbigyan naman ni K " Night love you too Ms. Sungit "

At magkayakap silang natulog.


Itutuloy.

Mess We've Made (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon