PART I

37 2 1
                                        

Dear lovely readers,

I hope you'll enjoy reading it as much as I enjoyed writing it.

And, giving you all content Warning. 🔞

This story contains mature themes and explicit content, including scenes rated 18+. My story may explore complex issues and include graphic descriptions that could be triggering or disturbing to some readers. Proceed with caution. Please bewareeeee!

Best regards, NAERASE. \⁠(⁠^⁠o⁠^⁠)⁠

                                         ****
                                       Simula

                                  MAIA school.

“Tangina...” bulong ko sa aking sarili habang hawak-hawak nang mahigpit ang selpon ko.

Galit na galit akong naglalakad patungo sa pintuan ng kwarto ng aking ate. Habang ako ay naglalakad sa staircase ay ibinagsak ko na ang sandals ko sa sahig kahit na alam kong naputikan ito dahil sobrang lakas ng ulan, iniwan ko na rin ang bag ko sa sala na para bang hindi ito importante kung may mawala man dito o madumihan.

Ang magulang ko ay nasa sala. Hindi ako sanay na mag mano sakanila at bumati tuwing aalis at uuwi ako ng bahay.

Nasanay sila na barumbado at naka-simangot ako palagi pag alis ng bahay o pag balik man, kaya ngayon ay hindi na sila nagtataka kung bakit ganito ang itsura ko.

"What the hell did you do, Ate?!" sigaw ko nang makita ko ang ate kong nakahiga sakaniyang kama at nanonood ng isang palabas sakaniyang laptop. Tamad siyang lumingon sa akin.

"Ano?" tinatamad niyang sagot.

"Arggghh! Nevermind! I hate you!" sigaw ko at bigla kong sinarado ang kaniyang pintuan nang malakas.

Narinig ng magulang ko iyon mula sa sala sa ibabang palapag ng bahay namin. Biglang uminit ang sulok ng mga mata ko, nagbabadya ang mga luha ko na pumatak.

Galit na galit ako sakaniya, gusto kong i-labas lahat ng galit ko sakaniya.

Dahil sakaniya mapipilitan akong mag aral sa Public school. Hindi naman kami mahirap para doon ako mag settle!

"oh saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Mommy, habang si Daddy naman ay nagkakamot ng sentido at naka-iwas ang tingin sa akin.

Napansin ni Mommy ang titig ko kay Daddy kaya't huminga na siya nang malalim at nagpapahiwatig na alam niya na ang sagot kung bakit ako nagwawala dito.

Unti-unti nang pumapatak ang aking luha kaya't napag-isipan kong tumungo sa double doors ng bahay namin at nag pasyang umalis na para mag libang kahit na naririnig ko ang pag tawag nila sa akin.

"eh tangina.. bahala kayo.." bulong ko sa sarili ko at tumakbo palabas ng gate namin, habang hawak-hawak ko ang cellphone ko at inipit ko ito sa bra ko para hindi mabasa at mahulog pa.

Ngumiti ako sa sarili kong idea at talagang nilusong na ang malalakas na patak ng ulan.

Tumigil ako sa isang convinient store dahil basang-basa na ako at balak ko ring sa labas na mag gabihan.

Binuksan ko ang phone case ko at may nakita akong limang doon.

Hays! Mabuti nalang talaga!

"502 pesos po ang total ineng" Sinabi ng Cashier nang mai-abot sa akin ang kinuha kong Sandwiches, yogurt, ice cream at drinks.

THE SPACE BETWEEN USWhere stories live. Discover now