Labyrinth Academy Season I and II by asrah028

230 2 1
                                    

HINDI PO ITO RANT AND THIS IS PURELY OPINIONATED. HOPING FOR YOUR RESPECT.

Ang school kung saan pwedeng magbugbugan, magsapakan, gumawa ng milagro, magbasag ulo at kung anu-ano pang hindi mo magagawa sa isang normal na paaralan. Lahat yan pwede! But, wait! BAWAL MAINLOVE? Saan ka nakakita ng ganyang school? Nag-iisa lang naman yan sa buong mundo, sa LABYRINTH ACADEMY.

Isa ang story na ito sa nagtotop ng list ko of favorite stories in Wattpad. Talagang inabangan ko pa ang updates ng Season II. Yung trailer #3 nga nito sa Youtube ang kaisa-isang video na nakalagay sa cellphone ko. Hihihi. Dahil sa story na 'to, naging EXOtic ako at naging Ultimate Bias ko si Tao.

Andami kong natutunan dito. Isa na doon ang: Hindi sukatan ang ugali ng tao para masabi mong kaibigan mo sila. Dahil kapag totoong kaibigan mo sila, tatanggapin mo kung anuman ang ugali nila. Bilib talaga ako sa pagkakaibigan na meron ang Torotot Boys, Takatak Boys at Fifi and Friends. The best ang barkadahan nila. <3

Labyrinth Academy.. Ang istoryang nagpatawa (As in sobra!), nagpaiyak (hahagulgol ka talaga!), nagpakilig (gugulong-gulong ka pa sa sahig at kama!), at nambwiset (si Danita kasi ihh!) sa akin, ay talagang deserving para magkaroon ng 4 nominations sa Philippine Watty Awards. God Bless po Miss A, supporter niyo ako hanggang huli. ♥

PS: Mahal na mahal na mahal na mahal ko si Tao Yoshida! XD

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 22, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

How Wattpad Stories and Fictional Characters Influence Me.Where stories live. Discover now