Chapter.28*Emotions*

Začít od začátku
                                    

"bat ka ngumingiti? close tayo?" pagsusungit niya

nawala naman agad yung ngiti ko

"mish bat ba sinusungitan mo ko? ako na nga tong nauunang umapproach sayo, hindi na ko yung poker face mr.sungit na tinatawag mo" hindi na ko nakatiis kaya nagsalita na ko

"and so? ipagpapasalamat ko ba yun? salamat hah" sabi niya sa sarkastikong tono

"then you're welcome" sagot ko naman. hindi ko na inintindi yung galit niya. lalo lang siyang magagalit. akala ko nga dahil nag you're welcome ako ay tatahimik na siya. pero mali ako

"uwaaaaaaa!!! nakakainis ka!" sigaw niya. nagtinginan samin yung mga tao.

"ano bang problema mo? pwede pakihinaan ang boses mo" mahina, pero may awtoridad kong sabi

"anong problema ko? ikaw!. ikaw ang problema ko. dahil sayo wala nanaman si xander. dahil sayo hindi ko nanaman alam kung asan siya!. ano bang ginawa mo sakanya? ano bang sinabi mo?" sigaw niya

napamaang ako. bakit ako ang sinisisi niya? ano bang sinabi ni xander sakanya?

"ano bang alam mo? bat ganyan ka nalang makasigaw sakin at ako ang sisihin?" sigaw ko

alam ko lahat ng tao ay nakatingin na samin pero hindi ko na yun inintindi. gusto kong malaman kung bat ganun nalang ako tratuhin ni mish

"dahil sayo hindi ko na siya nakita simula nung valentine ball, bakit ba tuwing sa tingin ko ayos na ang lahat may nagyayaring hindi maganda para magkalayo kaming dalawa? naiinis na ko" sigaw niya

napamaang ako at hindi nakapagsalita ..

sakto namang dating ni dion at pinky na magka.angkas pa sa bisekleta..

"bebe mish" sigaw niya pero hindi siya pinansin ni mish

biglang humarap sakin si mish at hinawakan ako sa collar ng damit ko

"may gusto ka sakin noh? at alam yun ni xander, tama ba ko? kaya siya umalis kasi gusto niyang magustuhan kita, tama ako db? db!" sigaw niya

"pero alam mo, kahit umalis pa si xander hindi pa din ako magkakagusto sayo. simula pa lang sa umpisa hindi ka naman naging ganun kabait sakin. palagi mo pa kong sinasabihan ng tanga. hindi ako naniniwala sa cat-dog relationship. kaya sorry na lang sayo. pero umasa ka sa wala" dagdag pa niya

para akong sinampal ng sabihin niya ang mga huling salita..

umasa ka sa wala!! parang umuugong yun sa tenga ko ..

pero nagawa ko pading iayos ang sarili ko at magsalita ..

"tama ka, may gusto ako sayo. tama ka din na alam ni xander ang tungkol sa nararamdaman ko. pero hindi ko sinabi sakanyang layuan ka niya. kung ginawa man niya yun hindi ko alam kung bakit. hindi na din ako kinausap ni xander isang linggo bago sumapit yung ball. hindi ko din nakikitang ginawa niya yun para magparaya. baka naman ginawa niya yun kasi hindi ka na niya gusto. kaya pinaubaya ka na niya sakin. malay natin may iba na siyang gusto. at hindi ikaw yun"

*pak*

isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ko

"mish" sigaw ni pinky

"jhake" sumabay naman na sigaw ni dion

nakalapit na samin ang iba pang chikboys pati si gino na may dalang bote ng softdrinks..

Destiny's Game (Revising-- Chap.17: Secret)Kde žijí příběhy. Začni objevovat