Confession Twenty-Five: Your favorite friend.

8.3K 147 1
                                    

Confession Twenty-Five: Your favorite friend.

If you can't handle your woman, then she's the one.

-

Zia

Grabe. Kinakabahan na ako kay Zia. She can really be a monster sometimes. Pero nakaka-arouse pa rin. Tsk. Kapag galit siya, wala akong laban eh. Bumabahag ang buntot ko sa harap.

Ilang araw na akong naghihintay ng tawag mula sa kanya. Kahit tawag na nga lang sana eh. Hindi na ako umaasa na pupunta siya dito, dahil alam ko ngang galit siya. Pero wala pa rin. Ang tibay. Kayang kaya niya akong tiisin, samantalang ako? Ni hindi ko nga kayang magalit sa kanya.

I've been pacing back and forth. Three days na eh, simula no'ng nagpaliwanag ako sa kanya. Baka naman pinagti-trip-an lang ako ni Zia? Baka naman hinihintay niya lang na kausapin ko siya ulit? Baka ayaw niyang siya ang unang lumapit sa'kin? Puntahan ko kaya ulit?

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Nagmadali akong sumakay sa kotse ko para puntahan si Zia sa opisina niya. Tumatakbo pa ako sa hallway, kailangan ko nang makita si Zia.

"Good Morning, Mr. De Mayor." Greet sa'kin ng receptionist

Hindi na ako nag-abalang ngumiti sa kanya. Naaatat na kasi talaga ako kay Zia. Damn, parang drugs lang ah? Parang paborito kong pagkain na hindi ko kayang ayawan.

Dumiretso agad ako sa workstation niya. But to my surprise, walang Zia. Patay pa rin ang computer niya.

"Do you need something, Mr. De Mayor?" Tanong sa'kin ng Boss ni Zia sa department

"Where's Zia Evanson?" Tanong ko

"Oh? Ms. Evanson is not here. She's been absent for three days now. She didn't even called us if she's sick or whatever." Paliwanag nito

Napakunot ang noo ko. What? Zia? Absent? Eh itong trabaho na 'to na nga daw ang buhay niya ngayon, pero ilang araw na siyang absent? Ano'ng nangyari sa kanya? Galit pa rin ba siya? Pero hindi naman niya siguro idadamay ang trabaho niya sa galit niya sa'kin? Impossible.

Umalis din ako kaagad para magpunta sa Apartment niya. But to my surprise, wala siya do'n. Her apartment looks like she wasn't here for days. Dahil medyo magulo. Nandito rin ang mga damit niya, kaya imposibleng maglayas 'yon, or taguan ako. Tss. Nasaan ka ba, Zia?

*

Umuwi ako sa bahay na mainit ang ulo. Hindi ko alam kung saan ko hahanapin ngayon ang Zia na 'yon! Saan na naman ako magsisimula? Bakit ba lagi na lang siyang nakikipaglaro ng taguan sa'kin? Bakit ba laging ako ang taya? Ako ang naghahanap? Tangina, oo. Patay na patay ako kay Zia. Hindi ko nga alam kung bakit eh. Pero tangina naman! Kailangan ko pa bang ipaliwanag kung bakit ko siya mahal? Kung bakit ako ulol na ulol sa kanya? Hindi ako gano'n! I don't know how to say and deliver cheesy lines, hindi ako romantic, hindi ako 'yong tipo na pinagsisilbihan ang isang tao. Pero sinusubukan kong ipaunawa kay Zia 'tong pagmamahal ko. Ngayon ko lang naramdaman 'to eh. At gusto ko kung ano man ang nararamdaman ko para sa kanya. I knew it's love, because everytime I see her face kahit wala naman siya sa harap ko. I knew it's love no'ng halos patayin ko na si Jet dahil sa ginawa niya kay Zia noon.

Hindi ko kayang magsibak ng kahoy kagaya no'ng sinaunang panahon. Pero kaya kong sumibak ng taong mananakit sa kanya. I won't say that my love for her is to the moon and back, kasi wala kapantay ang layo ng pagmamahal ko. Ang pagmamahal na 'to, wala nang balikan pa. It will only continue to grow, kahit ganito ang ginagawa niya sa'kin.

I never even expected this to happen. Nakaka-tangina talaga. Dati, ako ang hinahabol ng babae eh. Ngayon, ako pa 'tong gagong-gago sa kanya. At ngayon, hindi ko na naman siya makita! Damn!

Confession: Make her mine. (COMPLETED) #Watty2015Kde žijí příběhy. Začni objevovat