Kumuha ako ng 200 peso bill mula sa pitaka ko at binayad sa kanya. Nang maibigay na ang sukli ko, nagmadali na akong umalis ng taxi at pumasok sa mall, diretso sa supermarket. Bakit ba lutang ang isip ko?

*

Parsley, ano bang itsura nun? Grabe! Nakakailang oras na ako dito pero di ko pa rin nakakahalati ang listahan ko. Paano naman may ilang items na nahihirapan akong hanapin tulad ng isang 'to?

Okay, I exaggerated. Thirty minutes pa lang talaga ako paikot-ikot dito sa supermaket. Pero kahit na, matagal pa rin yun. Parsley, nasaan ka ba? Patuloy ko pa ring pinagmamasdan ang bawat gulay nang may biglang bumangga sa likuran ko.

Malakas ang pagkakabanga at dahil nga dito ay muntikan na akong matumba sa mga gulay kung hindi lang sa dalawang kamay na humawak sa bewang ko mula sa likuran. Nang maayos na akong nakatayo, inalis na ng kung sinuman ang mga kamay niya mula sa bewang ko.

Umikot ako para makita siya at tamang-tama namang nagsalita siya.

"Sorry mis—Maika?"

"Ry-Ryan, tama diba?"

Tumango siya. "Ikaw pala yan. Sorry ha, nagmamadali kasi ako, eh di ko napansin na may tao pala... nabunggo tuloy kita. Sorry, Maika."

"Okay lang," sagot ko. "Buti na lang at nasalo mo agad ako dahil kung nagkataong nasubsob ako sa mga gulay na yan, di kita mapapatawad."

Biro ko lang naman yun.

Napakamot naman ng ulo si Ryan at ngumiti na parang nahihiya. "Ano pa lang ginagawa mo dito?" bigla niyang tanong.

"Ah... Eh, namimili ng mga ingredients," sagot ko.

"Ah gusto mo tulungan kita?" alok ni Ryan.

"Um, hindi ba sabi mo nagmamadali ka? Baka nakakaabala lang ako," sabi ko sa kanya.

Umiling siya. "Hindi ka abala, Maika. At isa pa, makakahintay naman yun eh. Samahan muna kita. Okay lang ba? Sige na, di na nga natin natapos yung lunch natin nung nakaraan eh," pilit ni Ryan.

Oo nga pala. Tinakbuhan ko pala siya last time dahil sa pinsan niyang si Josh. Alam na kaya ni Ryan ang nangyari sa party ni Raz? At kung ano ang ginawa sa akin ni Josh?

"Sinabi ba sayo ni Josh kung anong nangyari?" bigla kong tanong sa kanya.

Umiling si Ryan. "Sinabi niya lang na may mali siyang ginawa sayo pero napatawad mo na raw siya."

Napatango ako. Wala pa lang alam si Ryan pero mas maigi na rin yun, ayaw ko na ring balikan pa ang gabing yun.

"Ano, Maika? Okay na ba sayong samahan kita?"

Ano bang isasagot ko? Hayy. Mukha namang matutulungan ako ni Ryan sa pamimili ng mga gulay. Sige na nga.

Tumango ako. At siya naman ay ngumiti ng pagkalaki-laki.

Tama nga ang naging desisyon ko. Ang laki ng naitulong ni Ryan... Ang laki ng naitulong niya para mas mapatagal ang pamimili ko...

Argh! Akala ko maalam siya sa mga gulay pero hindi... Tama si Kale! Hindi lahat ng akala ay tama. Ugh! Ayan na naman si Kale. Pasulpot-sulpot na naman sa isip ko.

Kasalanan niya 'to eh. Kung nagawa niya lang bang iwanan ang date niya at tumupad sa usapan namin eh di sana di ako nahihirapan dito. Kung tumupad lang sana siya sa pangako niya...

Nakakainis!

"Maika ito na ang repolyo," sabi ni Ryan at lumapit sa akin.

Ugh! Di naman repolyo eh. Pechay Baguio. At saka di niya ba nakita sa basket, tapos na akong kumuha ng repolyo.

All I Ever WantedWhere stories live. Discover now