Chapter 1

32 4 0
                                    

Chapter 1

Beginning

Ako si Aramina Himulyak, call me Mina. Pangalan pa lang ang bantot na. Halatang pang probinsyana. Pero fortunately, hindi ako sa probinsya lumaki. Nag tanan ang mga magulang ko at dinala ako sa Maynila noong nasa sinapupunan pa lamang ako. We're supposed to be living in Cebu, ngunit sa nangyari ay wala na kaming koneksyon sa mga kamag-anak namin doon.

Simula nang dumating ang mga magulang ko dito sa Manila ay nag hirap sila para mataguyod ako. At lumaki akong mabuti, hanggang ngayon sa pang labing pitong taon ko sa buhay. Beautiful, alive and kicking.

Pinag aral nila ako ng mabuti, katulad ngayon ay nasa 4th year highschool na ako at malapit nang grumaduate. Sa isang napaka garbo at exclusive na school. Yun ay ang..

Macapagal National Highschool

But, scholar ako doon. So, wala talagang binayaran sila Mama. Except lang sa mga extra curricular activities at allowance ko. Masaya naman ako sa buhay ko, masaya ako sa buhay na binigay sakin ng parents ko.

Kahit na nakatira kami sa isang maliit na 2-storey na bahay, sakto lang yun saming tatlo. Masaya ako, at walang kulang duon.

Marami akong kaibigan sa school kahit na malaki ang pagkakaiba ng estado ko sa buhay nila. Ako lang ang mahirap sa MNH. Lahat sila ay pumapasok na hatid sundo ng magagarang kotse, ang iba pa nga sakanila ay sila na talaga nag dadrive. Nakaka inggit nga e, ako kasi commuter lang.

Pero marami pa rin ang hindi gusto ang existence ko sa school ko, kahit nga senior na ako may mababang year na kayang-kaya akong tapak-tapakan. But I can't risk doing any trouble, syempre scholar lang ako. Ayokong mapatalsik.. And there's this one guy na hindi ko alam kung anong meron sakin dahil sobrang kinamumuhian niya ako.

Steven Villa Fuerte

And I also, hate him so much.

One DayWhere stories live. Discover now