Chapter 2

35 1 0
                                        

Third Person's POV

It had been two days since the team arrived in El Cielo. They had seen the site. Maganda at hindi sila mahihirapang itayo ang resort doon.

The site had been wonderfully situated about a hundred meters from the shore. Limang gusali ang itatayo nila. Isa sa mga iyon ay may walong palapag at magiging main building kung saan magsisilbing reception area at cafe ang ground floor habang ang tatlong gusali naman ay may limang palapag lang.

Ang natitirang gusali naman ay may dalawang palapag lang. Gagawing restaurant ang ground floor at bar naman sa second floor.. Malaki ang lupang pagtatayuan ng resort ni Selene at maraming mga puno ng niyog at molave ang naroon. Tahimik din ang lugar at wala pa masyadong residente. Malayo kasi iyon sa town proper ng San Francisco.

What made the set up more convenient was the rest house. Malapit lang din kasi doon sa site ang rest house na inilaan para sa kanila ni Selene kung saan sila mamamalagi habang kino-construct nila ang resort. Everyone, except for Lou, was ecstatic.

Si Camille ay parang pupuntang abroad sa dami ng maletang dala-dala habang siya naman ay sinadyang konti lang ang mga damit na dinala. Hindi din naman siya magtatagal sa isla dahil kailangan din naman niyang bumalik ng Manila next week.

She had to admit to herself that she was secretly enticed by the place. Maputing-maputi at pinung-pino ang buhangin sa dalampasigan. Ngayon lang niya na-realize na may parte pala ng El Cielo na ganito kaganda at katahimik.

Maging sa rest house na kinaroroonan nila ay tahimik din. Hindi siya nagkaroon ng chance na i-appreciate ang natural na ganda ng isla noon dahil masyado siyang naging abala sa ibang bagay.

Napapikit siya ng mariin para mawaglit sa isipan ang nakaraan na ayaw na niyang balikan. Labag sa loob niyang inalis ang atensiyon sa papalubog na araw na nagpatingkad ng kalangitan at lalong nagpaganda sa karagatan.

Bitbit ang kanyang flats ay dahan-dahan niyang tinahak ang daan pabalik sa rest house kung saan masayang nagtatawanan ang buong team sa malawak na porch ng bahay. Tapos na silang i-process ang lahat ng mga papeles para sa pagpapatayo ng resort at sisimulan na agad ang pagpapatayo nito pagdating ng mga materyales kaya lulubos-lubusin na nila ang pagkakataon habang hinihintay ang contractor nila para i-enjoy ang free time gaya nito.

"Lou!"

Napahawak siya sa dibdib sa gulat nang salubungin siya ni Selene. Hindi man lang niya napansin ang pagdating ng isa. Hinawakan siya nito sa braso habang natatawa sa itsura niya.

"Sorry to surprise you like that. Mukhang malalim ang iniisip mo."

Napangiti na rin siya sa maaliwalas na mukha nito. Nilingon niya ang papalubog na araw bago ibinalik ang atensiyon kay Selene. "Hindi naman. Nagagandahan lang ako sa sunset. Nakakapanghinayang ngang talikuran, eh."

"It's romantic, right? Sunset by beach is the best. It makes you fall in love..." tumawa ito at inikot ang paningin sa paligid. "...only there's no one to fall for. Halika." Selene hooked one slender arm to hers at inakay siya papunta sa garage kung saan nakaparada ang sasakyan nito.

"Saan tayo pupunta?"

"I know a place." Tanging tugon nito.

"Pero ang team..." sabi niya at nilingon ang balcony na kinaroroonan ng mga kasamahan niya. Nakita pa niyang kumaway si Camille at si Ronel na isa sa mga engineer nila.

"Your team, no offense, will survive without you." Kumindat ito.

"None taken."

"Sumakay ka na! Dali!" Hikayat nito.

Where Chasing Ends Where stories live. Discover now