Chapter 1. Signing In . . .

Start from the beginning
                                        

Iba't-ibang weapons ang lumabas sa screen. May sword, whip, bow and arrow, knife, shuriken, ax, dagger, at marami pang iba. I swiped to the right and saw many more. Pero isang bagay ang nakakuha ng atensyon ko.

Bakit may frying pan dito? Kailan pa naging weapon ang frying pan?

Napakamot ako sa ulo. Frying pan na lang kaya? Para makapagluto ako ng pagkain in game. Di ko naman kailangan ng weapon kasi magnanakaw lang naman ako ng skill.

Walang pag-aalinlangan kong pinindot ang frying pan. Sigurado akong malalaglag ang panga ni Odette kapag nalaman niya 'to.

DONE

Loading . . .

Loading . . .

Loading . . .

Signing in . . .

O. M. G! Eto naaaaaa!

Pinikit ko ang mata ko nang biglang lumakas ang liwanag. I covered my eyes to protect it from the blinding lights. I can feel my body floating again and after a few seconds, I hear noises.

Tinanggal ko ang kamay ko at binuksan ang mga mata. I can feel my eyes widen as I scanned the area. Maraming mga players na naglalakad. Ang iba ay solo at ang iba naman ay by pair o di kaya ay by group. Maraming mga stores sa paligid. Nang lumingon ako sa likod ay isang malaking water fountain ang bumungad sa'kin. Napanganga ako.

"Woah . . ."

"I had the same reaction when I first got here."

Parang biglang tumaas ang lahat ng dugo ko sa mukha nang may narinig akong nagsalita. And what's worse? It's a boy! A BOY!

Dahan-dahan akong lumingon sa nagsalita. Nakatingin siya sa kamay ko kaya sinundan ko ang tinitingnan niya. I can feel my cheeks burning with embarrassment as I hide the frying pan behind my back.

"And what's with the frying pan?" Ngayon ay nagtataka siyang tumitig sa'kin.

Saan ba galing 'yon?!

I gave him an awkward smile. Napakagat ako sa ibabang labi ko. Gosh! Hindi ko talaga alam paano makipag-usap sa lalaki ng hindi nahihiya.

"Hello? Miss?"

Natauhan ako at nilahad ang kanang kamay ko sa harap niya. "Munchkin. I-I'm munchkin."

He laughed while taking my hand. Parang nanlamig ang braso ko nang maglapat ang mga kamay namin.

"Munchkin? As in 'yong pagkain na munchkin?"

Mabilis kong binawi ang kamay ko at umiwas ng tingin. "Yeah."

"Munchkin is my favorite snack. Masarap kainin."

Nanlaki ang mata ko at wala sa sarili kong naihampas ang frying pan sa kanya. Nang marealize ko ang nagawa ko ay agad akong yumuko.

"I-I'm sorry! 'Di ko sinasadya! I'm so sorry!" Mariin akong napapikit. Oh my gosh, Allyssa! Nakakahiya ka!

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa na parang walang effect ang paghampas ko sa kanya. Tumingin ako sa kanya.

"Ako dapat ang magsorry dahil mali ang pagkakasabi ko. It sounded weird," he suddenly bowed his head. "I'm sorry."

I was stunned. I was sure na magagalit siya or something pero hindi siya nagalit.

"But I hit you," mahinang sambit ko at hindi ko mapigilang ngumuso.

"It's okay. I have a high defense kaya hindi ko naramdaman ang hampas mo."

Umiwas ako ng tingin at bigla siyang nagsalita na parang natataranta. "Oh, I'm sorry ulit."

Bumuntong-hininga ako. Unang araw ko pa lang pero kahihiyan na agad ang bumungad sa'kin. Ang galing ko talaga.

"You're new here, right?"

Tumango ako. Hindi na ako sumagot dahil baka may masabi akong ikakahiya ko na naman.

"So, my name is-"

"CHAMPION!"

Napaigtad ako nang biglang may sumigaw. Sa sobrang tinis ng boses niya ay napapikit ako. Ilang sandali lang ay isang babaeng kasing tangkad ko ang lumitaw sa tabi ng lalaking nakausap ko.

"There you are! Kung saan-saan kita hinanap tapos nandito ka lang pala."

Nang lumingon siya sa'kin ay tinaasan niya ako ng kilay. "Oh? Sino ka? Bakit mo nilalandi ang boyfriend ko?"

Napaamang ako. What. The. Heck.

𑁍𑁍𑁍

PARALLEL QUEST: A VRMMO GameWhere stories live. Discover now