EPILOGUE: THE END.

7.7K 156 26
                                    

Guys. Thanks po talaga, sa mga Tao na palaging Nagcocomment sa story na ito,

Mangi-lan ngilan man Kayo, pero kayo po ang naging inspiration ko. para ipagpatuloy. Ngayon po ay masasarado na ang story na ito, para po sa bagong story na aking Gagawin.

Nawa po ay suportahan niyo pa din ang iba ko pang story na ginagawa. although minsan po ay mahirap hehe..

Pero kahit na ilang Beses ko ng gustong sumuko, eh pag nasa Puso mo pala. Hehe talagang magpapatuloy ka. kasi sabi ko kahit wala man makabasa ng Ginagawa ko ok lang. pero mali pala kasi kahit paano may bumabasa hehe,

Anyway salamat po talaga sa inyo.. Love you!

Paki silip nalang po ang Multi media sa taas pati picture

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

The End.

It's Royal Blue. Yun ang Theme ng Colors namin, which is si Margauxx talaga ang nag-ayos ng mga kulay na iyan, and combination.

Tuwang-tuwa akong tiningnan ang aking repleksyon sa salamin, habang si Margauxx naman ay nakatingin lamang sa akin. na nakangiti.

'' Ang ganda mo Thea. subra!, talaga bang nasa Apat na buwan na iyan?'' sabi pa nito na hinawakan ang aking Puson, dahil hindi pa maumbok. Tumango naman ako dito bilang pagsagot.

'' Oo naman, 4 months na nga eh, mag 5.5 na nga eh,'' sabi ko naman dito, bumusangot naman ang mukha nito.

'' Mag kakaroon na naman ako ng Pamngkin.'' nakangiting sabi nito, at bigla akong niyakap.

'' I'm so Happy for you. kasi nagbunga lahat ng pagtitiis mo.'' sabi pa nito sa akin, niyakap ko din naman siya bago hinalikan sa pisngi.

'' Couz, Someday you will find your own, who knows baka after ko nextyear ikaw naman,,'' biro ko dito. pero binalewala lang niya iyon.

'' Halika na nga, Kailangan na natin umalis,'' sabi naman nito, at inakay ako palabas ng kwarto. paglabas namin ay anndoon na ang aming sasakyan na Bridal Car, natutuwa naman ako dahil napakaswerte kong babae, dahil papakasalan ako ng lalakeng Pinakakamahal ko.

'' Thea, wag kang Mandrama, masisira ang Make-up mo, ayoko na mag-ulit.'' pambibiro nito sa akin, nginitian ko naman siya, at nagpunas ng tissue sa gilid ng aking mata.

Who thought na magiging maayos lahat?

Wala akong Pinagsisihan sa ginawa ko, dahil nakuha ko ang gusto ko.

Minahal din ako ng, taong minahal ko ng sobra.

'' The Bride is Here, Get ready Guys.'' Yan ang dinig kong Sigawan ng Mga Tao. at nag reready na sa formation sa labas para sa aming gagawing Paglalakad, habang si Margauxx ay Pumwesto na sa likod ko.

'' Couz. Thankyou ha,'' sabi ko naman dito.,

'' Para saan?.'' nagtatakang tanong nito.

'' I know it's hard for you to, see them together, but still mas pinili mong tuparin ang promise mo na, maging Maid of honor ko.'' nakangiting sabi ko dito.

'' Sapak gusto mo?'' Tingan mo nga si Harry oh. kahit na labag sa loob niya, ginawa niya pa din. napatingin naman ako kay Harry na, nasa may bandang unahan. dahil isa siya sa Bridesmen, and im glad dahil sila pa ni felicity ang magkapartner, dahil na rin sa pamimilit namin, at ayun ay nag kaayos na din kami. and im Happy. sana ganundin ang mga taong Mahal ko.

Pero naramdaman ko ang paghawak ni Daddy sa Braso ko.

'' Are you Ready My Princess?, Im happy for you Anak., wag ka ng iiyak.'' sabi nito sa akin, kaya naman niyakap ko ito ng mahigpit.

The Sweetest DownfallWhere stories live. Discover now