"Good morning," sabi niya, simple pero diretso.

"G-good morning," sagot ko, kinakabahan na baka biglang sabihing kukunin na niya yung jacket.

Iniabot niya yung wallet ko. "Naiwan mo kagabi sa kotse."

Napatingin ako sa wallet, tapos sa kanya. So... hindi pala jacket ang pakay mo.

"Ah, yung jacket..." tumikhim ako. "Lalabhan ko muna bago ko isauli."
Tumango lang siya. Walang dagdag na salita. Pero bago siya sumakay pabalik sa kotse, tumingin ulit siya sa akin.

"Susunduin kita mamaya pagkatapos ng klase mo."

Parang biglang nag-shift yung paligid. Yung ingay ng mga estudyante, yung sikat ng araw lahat naging background noise. Naiwan lang yung isang sentence niya na parang naka-loop sa utak ko.

Susunduin kita mamaya.

Bubuka na sana bibig ko para sabihin, huwag na, kaya ko mag-commute, pero parang wala siyang narinig at umalis na lang. Nanatili akong nakatayo sa harap ng building, nakatingin habang papasok na siya sasakyan.

Pag-alis ng kotse niya, agad akong siniko ni Avi. "Aba, aba! Level up na, ha? Una tutor lang, ngayon may pa-sundo na. Ano 'yung next? Boyfriend na?"

"Tumahimik ka dyan," sabi ko at ngumiti papasok sa gate.

"Aysus, ang feeling nito," aniya.

Pagkapasok ko sa loob ng classroom, hindi na ako makafocus. Lutang mode. Si Grace na agad akong tinabihan at nagsalita.

"Balita ko may nagpunta dito taga Loyola na gwapo at ikaw daw ang kinausap, ah," May tono na panunukso.

Lumapit din si kyte sa akin dala ang signature arte English voice niya, "Wait... you actually know knoxx? Like, personally?"

Kinuha ko ang notes ko at nagbusy-busyhan kahit isa sa kanila wala akong papansinin. Wala. Deadma mode ako. Kahit isang sulyap sa kanila di ko ginawa dahil kung sasagutin ko sila walang katapusan na tanong na ang ibabato nito sa'kin.

"Huy ano? Busy-busyhan ganun?" pangungulit ni Grace.

Ang ingay na nila sa tabi ko dahil sumasali na rin sila Aimee at Jake. kahit anong ingay nila, ibang ingay yung gumugulo sa isip ko, yung replay ng boses ni Knoxx.

Myghod lord!

Kagabi, kwentuhan lang habang hinihintay matuyo ang damit ko. Ngayon, may pa-sundo na? Aba, mukhang pabor sa'kin ang universe. Ano bang ginawa kong tama at ng gagawin ko ulit.

Buti na lang si Avi yung nag-entertain sa mga tanong at panunukso ng iba naming kaklase. Siya yung nag-a-adlib ng mga sagot habang ako, tahimik lang ako, kunwari abala sa notes, pero ang totoo ang laman lang ng isip ko ay kung paano mamaya.

Habang nagsasalita na yung prof namin sa harap, pinipilit kong sumulat ng notes, pero sa totoo lang wala akong naiintindihan. Yung bawat salita niya, parang dumadaan lang sa tenga ko at diretsong lumalabas sa kabila. Wala akong maisulat kundi pangalan niya.

Knoxx.

Knoxx.

Knoxx.

Myghad, ano ba 'to?! Para akong baliw na hindi mapakali sa upuan. Paulit-ulit na lang nagpe-play sa utak ko yung huling sinabi niya kanina.

Para siyang naka-record at paulit-ulit kong pinapakinggan, kahit walang play button. Nakaka-baliw!

Damn it!

Napatingin ako sa orasan. Kakastart pa lang ng first subject, pero bakit feeling ko ang tagal-tagal na? Gusto ko nang lumipad sa lunch break. Gusto ko nang matapos agad lahat ng klase para makita kung totoo ba yung sinabi niya.

"Aba, aba, Rylie..." bulong ni Avi na nasa tabi ko, sabay kindat. "Excited, ah."

Napalingon ako sa kanya, mabilis, na parang nahuli akong magnanakaw. "Ha? Hindi ah!" mabilis kong tanggi, sabay yuko ulit sa papel ko. Pero ramdam kong namumula na yung pisngi ko.

Ngumisi lang si Avi, halatang enjoy na enjoy sa pang-aasar niya, tapos binalik yung tingin sa lecture. Ako? Wala na. Wala na akong maisip kundi yung mamaya.

Pagdating ng lunch break, halos sabay-sabay kaming lumabas ng classroom. Gusto pa nga sana sumabay nila Grace maglunch namin ni Avi sa cafeteria pero naka pangako daw siya sa kakilala niya na sasabay sila maglunch. At medyo okay rin dahil kasabay sila kainah at Xyrelle ngayon dahil nabalitaan ng dalawa ang nangyari.

Syempre mga dakilang chismosa rin kaya ito nasa iisang lamesa kami ngayon.

Habang kumakain kami, si Avi ang nag-entertain ng tanong ng lahat. Siya yung parang spokesperson ko. "Eh kasi naman, guys, obvious ba? May sundo na siya mamaya. Tayo? ni Grab wala. So anong laban natin?"

Halakhakan na naman yung mesa. Sa gitna ng ingay, napatingin ako saglit sa bintana. Ang lakas ng sikat ng araw, parang ngayon minamadali na yung oras. At sa bawat segundo, papalapit ng papalapit yung dismissal. At doon magsisimula ulit ang bagong round ng kabog sa dibdib ko.

Nung nagdismissal na pagkalabas ng building, agad kong napansin ang mas maraming estudyanteng nakatambay sa gilid ng pathway kaysa karaniwan. Hindi ko na kailangang magtanong kung bakit.

Nandoon siya. Si Knoxx. Nakapamulsa, nakatayo lang na parang walang pakialam, pero halata mong sanay siyang pinapansin. At oo, suot pa rin niya ang uniform nila mas lalo tuloy siyang naging scene stealer.

Kasama niya si Khalid, parehong seryoso ang mukha pero halatang may pinaguusapan na hindi ko naririnig. At habang nakatingin ako mula sa malayo, ramdam ko yung mga tingin ng ilang babae sa paligid. Yung tipong may halong paghanga at yung ibang parang nagpipigil na humiyaw.

Napairap ako ng bahagya.

Bakit pa kasi may pa-sundo effect pa siya. Huminga ako ng malalim, pilit pinapakalma yung sarili. Damn! Ano ba? Bakit ba ako nagkakaganito? Mag-aaral lang naman kami. Tutor, remember? Walang iba.

Siguro wala lang talaga 'to sa kanya, Rylie. Ikaw lang ang nagbibigay ng bigat sa mga simpleng bagay. Pero... tama lang naman, diba? Kung may nararamdaman ako, kung nahuhulog ako kahit kaunti, valid 'yon. Crush ko siya—so natural lang na maramdaman ko 'to. Hindi naman kasalanan ang umasa nang kaunti.

Paglapit ko, agad napansin ni Khalid, at may biro agad sa labi niya.

"Oh, andiyan na pala yung hinihintay mo," aniya, kaswal pero may halong panunukso.

Nanlaki ang mata ko nang saglit, pero si Knoxx, parang wala lang narinig. Nakatitig siya sa'kin

"Una na ako, Ry," paalam ni Avi na nasa tabi ko pa kanina. Nakasulyap siya kay Knoxx, saka pasimpleng ngumiti bago tumalikod.

Sumunod naman si khalid sa pag-alis kaya naiwan kaming dalawa ni knoxx na nakatayo.

"Wala kanang nakalimutan?" tanong niya. Umiling lang ako sa tanong niya.

Tumango siya at binuksan na ang kotse pumasok agad ako ng sumenyas siya. Simula na naman ng isang biyahe na hindi ko alam kung saan patutungo.


When Timings AlignWhere stories live. Discover now