CHAPTER 21

4 0 0
                                        

Habang papasok ako sa dorm, hindi ko napigilang silipin ulit ang gate. Nandoon pa rin ang sasakyan niya. Hindi siya kita sa loob, pero sigurado akong pinapanood niya ako. Mas lalo kong binilisan ang lakad at nang tuluyan na akong makapasok sa loob, saka lang siya umalis.

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon kung sa lamig ba ng gabi o dahil lang sa kanya. Pero sigurado akong hindi ito dahil sa lamig, kasi suot ko pa rin yung jacket niya... at para bang bawat hibla ng tela nito may iniwang bakas ng presensya niya.

Pinikit ko sandali ang mata ko, sinusubukang pigilan yung ngiti. Pero wala, hindi ko kaya.

Pagkapasok ko sa kwarto namin, bungad agad ni Xyrelle, "Oh, nandiyan na ang lumalab layp na kaibigan natin." Sabay tingin sa akin nung dalawa na obvious na naghihintay ng chismis.

"Asan ka ba galing, ha? Saan ka dinala ni Knoxx?" mabilis na banat ni Avi habang nakataas ang kilay.

"Ay grabe ka, iniwan mo ako sa cafe, tapos bigla ka na lang sumama! Nakakaloka ka!" reklamo agad ni Xyrelle, "Hindi ka man lang nag-message sa'kin na tinangay ka na pala!" Dagdag niya pa.

Bago pa ako makasagot, napansin ni Avi ang suot ko.

"Wait lang... jacket ba yan ni Knoxx?!" sabay turo niya sa akin na parang may nadiskubreng ebidensya.

"Uy oo nga!" singit ni Xyrelle, sabay lapit at hinila ng kaunti ang tela. "Grabe, amoy may-ari pa!"

"Oh my gosh, guys, may pa-jacket si kuya!" pahiyaw na sabi ni kainah.

"Tirador ka rin pala ng mga jacket eh, akala ko si Xyrelle lang " sabay turo ni Avi sa akin at kay Xyrelle.

"Ay, excuse me!" depensa agad ni Xyrelle.

Gusto ko sanang sumagot, pero paano ko ba ikukwento yung nangyari? Yung simpleng gabing yun na pakiramdam ko ay masyadong espesyal para basta-basta ilagay lang sa kwentuhan. Kaya ngumiti na lang ako, kunwari hindi ko sila naririnig, habang tinatanggal ko yung jacket na suot ko... at agad ding pinigilan yung sarili ko na amuyin ito sa harap nila.

Pero siyempre, hindi sila titigil.

"Ano kinilig ka, no?!" pang-uuto ni Avi.

"Grabe, baka sa susunod date na yan!" dagdag pa ni Xyrelle, habang sumisigaw kasama si Kainah.

Pinili ko na lang na pumasok sa Cr para makapagbihis na. Habang ang tatlo kumakatok sa pintuan. Talagang ayaw akong lubayan.

"Ryyy, huwag mo kaming deadmahin! Spill the tea!" sigaw nila.

At ayun... napuyat ako hindi dahil sa schoolwork, kundi sa pangungulit ng tatlong to.

Pagmulat ko, una kong nakita sa gilid ng kwarto yung jacket ni Knoxx, nakasabit sa hanger. Maayos, malinis... well, medyo malinis. Kailangan ko pa itong labhan bago ko isauli pero kung tatanungin mo yung konsensya ko? Ayaw ko pang isauli to.

Habang nag-aayos ako, napatingin ulit ako sa jacket. Hindi muna ngayon. Next week... o next year... depende sa mood.

"Ano ba, Rylie!" sigaw ni Avi mula sa pintuan. "Baka ma-late na tayo sa first subject, bilisan mo na!" Napabalikwas ako at kinuha agad yung bag ko. Wala nang ayos-ayos ng buhok, basta go.

Pagdating namin sa labas ng NU, bigla akong napahinto. Ang lalaking laman ng isip ko andun...yung sasakyan niya.

Bumaba si Knoxx, at kahit hindi siya nagsasalita, ramdam ko yung tingin niya. At ramdam ko rin yung mga siko ni Avi sa tagiliran ko at may ilang estudyante na napapatingin kay Knoxx habang naglalakad siya palapit. May iba pang nagbubulungan. Hindi ko alam kung dahil sa itsura niya o dahil marami talagang kilala siya, hindi lang sa Loyola maging dito sa NU rin.

When Timings AlignWhere stories live. Discover now