"Para matuyo 'yang blouse mo," sabi niya, pero hindi ako makasagot. Hindi dahil hindi ko narinig, kundi dahil hindi ko alam kung paano tatakpan yung pakiramdam na mas gusto ko itong moment na ito kaysa yung kape na iniwan ko kanina.

Hindi ko na alam kung blouse lang ba talaga ang dapat matuyo...o puso ko.

Kailangan ba talagang pumunta dito para matuyo? Damn, Puso kalma!

Umupo siya sa hood ng kotse, parang sanay na sanay. Tinapik niya yung tabi niya. At kahit may parte sa akin na naiisip si Xyrelle, na baka naghahanap na siya, na baka nagtatanong na kung nasaan ako... wala akong ginawa kundi lumapit.

Pag-upo ko, hindi kami nagsalita. Nakatitig lang ako sa tubig na kumikislap sa ilalim ng papalubog na araw. Pero sa gilid ng paningin ko, ramdam ko yung presensya niya. Yung init kahit malamig ang hangin. Yung katahimikan na hindi awkward, pero parang sinasadya.

Tahimik lang kami habang nakaupo sa hood ng kotse. Walang gustong magsalita. Hindi ko alam kung ilang minuto na ang lumipas mula nang dumating kami dito, pero parang ayokong mabilang.

Malamig ang hangin, at napansin ko na medyo lumuluwag na yung pagkakasara ng jacket na suot ko. Akmang ako na sana ang aayos, pero bigla siyang lumapit at siya na mismo ang humila ng zipper pataas.

"Baka ginawin ka," mahina niyang sabi, halos pabulong, pero sapat para marinig ko.

Parang automatic na napayuko ako, hindi dahil sa lamig, kundi dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Ramdam ko yung init ng kamay niya kahit saglit lang niyang nahawakan yung gilid ng jacket.

Damn...

Napailing ako at nag-isip agad ng maitatanong para mawala 'tong kahibangan ko. Naglaro sa isip ko kung safe bang magtanong ng personal... o baka mapahiya lang ako. Pero ayokong palampasin yung pagkakataon habang magkasama kami.

"Uhm..." nilakasan ko ang loob ko. "Bakit Biology yung kinuha mo?"

Sandaling natahimik siya, parang tinitimbang kung sasagutin ba agad o hahayaan muna akong maghintay. "I'm aiming to be a doctor," sabi niya sa huli, diretso lang, pero may lalim. "Siguro impluwensya na rin ng family ko. Daddy ko doctor. Mommy ko rin. Yung ate ko, currently nagdo-doctor na rin."

Napakurap ako. "So parang... family of doctors kayo?"

Bahagya siyang tumango.

Napatawa ako ng mahina. "Baka mamaya may-ari pa kayo ng hospital, ha?" biro ko, pero hindi ko in-expect na ngingiti siya.

At Diyos ko! parang humaba yung hininga ko sa ngiting yon.

"Wait..." napalingon ako sa kaniya, biglang kinabahan. "Seryoso, meron?"

"Mm." Walang halong biro sa tono niya. "Yung Sullivan Hospital sa Vista Grande... pag-aari ng dad ko."

Parang sumabog yung utak ko sa gulat. "WHAT?!" Hindi ko napigilan. "Knoxx, taga-Vista Grande na ako buong buhay ko, ni hindi ko man lang naisip na sa inyo pala yun?!"

Ngumiti lang siya ulit, pero this time may halong amusement sa mata niya, na para bang aliw na aliw siya sa reaksyon ko.

At doon ko lang na-realize... ang tagal na naming magkasama sa iisang lugar, at kaya pala nakita ko siya sa mall noon kasama sila Lorie, taga costa lang pala siya.

Nagpatuloy pa kami sa kwentuhan. Tinanong niya rin ako kung bakit Civil Engineering ang kinuha ko. Biniro pa niya pa ako na, "Hindi mo ba naisip ang calculus bago ka nag-enroll?" Napatawa na lang ako at umiling.

"By the way... why did you pay for what I bought at the mall that day?" Natanong ng bigla kung naisip yung unang kita namin sa mall.

"Oh, that? I thought you looked like someone who couldn't afford it."

"Excuse me," sabay irap ko sakanya.

"Kidding. I just saw you talking to Lorie, so I guessed you two were friends. And, well... friends of Lorie usually end up costing me money," then he smirks.

Ilang minuto pa kaming nag stay at ng medyo dumilim na umalis na rin kami. Medyo na tuyo  na nga yung damit ko sa loob ng jacket pero yung matsa ng kape klarong-klaro.

Habang tumatakbo ang sasakyan, napansin ko yung mga ilaw sa daan na mabilis lang lumilipas. Parang gano'n din yung oras namin ngayon mabilis pero ramdam mo.

Hindi na ako nagsalita, nakatingin lang sa labas habang sinusubukan kong itago yung ngiti na pilit lumalabas. Sa gilid ng paningin ko, kita ko pa rin siya, nakatutok sa kalsada, parang wala lang... pero sa akin, parang ang dami niyang sinasabi kahit wala siyang binibigkas.

At bago ko namalayan, nasa harap na kami ng gate ng dorm. Ang bilis. Para bang ayokong matapos pa.

When Timings AlignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon