"Sorry Rylie," paumanhin ni Khalid na nakatayo na rin. Tumango lang ako sa kanya busy pa rin sa pagpunas.
"Come on," biglang sabi ni Knoxx. He stood up. Calm. Direct. Sure.
It was like the whole table froze for a beat. I froze for more than that. My brain didn't register right away maybe because he said it like it was the only option, ni hindi man lang siya tumingin sa mga kaibigan niya.
No one argued. Parang automatic na nag-open ng daan sina Khalid at Asher, and Olivia? Halos mag-volunteer sumama, but knoxx didn't even glance at Olivia. Not once.
By the time I stood, he was already moving toward the door. I clutched my bag, hesitated until he glanced over his shoulder just enough for me to catch his profile. No words. Just that look that somehow made my feet move.
We walked past the glass windows, the hum of conversation fading behind us. I thought we were heading to the restroom, but we kept walking. Hanggang nakalabas na kami and we stopped in front of his car.
Binuksan niya yung passenger side. "Get in," he said, just enough for me to hear. I did. The seat was cool against my back, and the smell inside was the same clean-warm scent that clung to him.
Kinuha niya mula sa likod yung isang itim na jacket at iniabot sa akin. Napatingin lang ako.
"Malinis 'yan," sabi niya, walang dagdag na salita.
Isinuot ko. Medyo maluwag, halos matakpan yung kamay ko sa haba ng sleeves. Akala ko babalik kami agad sa café, pero pinaandar niya yung makina. Umalis kami sa parking.
Kinabahan ako. Ang nasa isip ko agad, si Xyrelle. Naiwan siya sa loob.
"Si Asher na bahala sa kaibigan mo." Sabi niya na parang nabasa ang nasa isip ko.
Kaya umupo lang ako, puso ko kumakabog habang pinagmamasdan ko yung kamay niya sa manibela, kampante, parang kabisado niya ang bawat kanto at alam niya kung saan niya ako gustong dalhin.
Sa bintana, dumudulas lang ang mga tanawin. Sa loob, tanging tunog ng makina at yung mababa niyang paghinga ang naririnig ko. Bawat huminto sa ilaw, bawat mabagal na liko, parang sinasadya. Hindi minamadali. Parang humahaba ang oras para sa aming dalawa.
At sa pagitan ng pangalawang liko at sa tama ng hapon sa panga niya, narealize ko...Ayoko munang bumalik sa café.
Tahimik lang ako habang umaandar ang kotse. Ramdam ko yung malamig na hangin mula sa aircon at yung bigat ng jacket niya sa balikat ko. Mas mabigat pa yata yung tibok ng puso ko kaysa sa kotse namin.
Hindi ko alam kung ilang minuto na ang lumipas. Hindi siya nagsasalita, pero ramdam ko na alam niya kung gaano ako curious. May mga pagkakataon na gusto kong magtanong kung saan kami pupunta... pero mas pinili kong manahimik. Parang mas gusto ko munang sundan kung saan niya ako dadalhin kaysa madaliin.
Minsan, kapag natatamaan ng ilaw sa kalsada yung mukha niya, parang ang linaw-linaw ng bawat detalye, yung tahimik na pilikmata, yung konting higpit ng panga, yung seryosong tingin sa daan. Parang hindi na siya kailangang magsalita para lang maramdaman mong safe ka.
Hanggang sa dahan-dahan siyang lumiko sa mas tahimik na kalsada, malayo na sa ingay ng bayan. Walang gaanong tao, wala ring masyadong dumadaang sasakyan. Ang tanging naririnig ko ay yung tunog ng makina at yung malalim niyang paghinga.
Ilang minuto pa, huminto siya sa isang maliit na parking spot sa gilid ng isang open field. May mga puno sa paligid, at sa di kalayuan, tanaw ang tubig, ilog o lawa, hindi ko pa sigurado, pero malinaw at kalmado.
Binuksan niya ang pinto, saka lumabas. Tumingin siya sa akin, parang sinasabi ng mga mata niya na sumunod ako. Sumunod ako.
Pagkalabas ko, sinalubong ako ng malamig na hangin at yung amoy ng damo at tubig. Tahimik. Parang walang ibang tao sa paligid. Tanging tunog ng kuliglig at yung banayad na hampas ng hangin sa mga dahon.
YOU ARE READING
When Timings Align
RomanceSometimes, love finds you at the wrong time, but the heart knows when it's meant to be.
CHAPTER 20
Start from the beginning
