Linapitan ko na siya at niyugyog.
"Shaya ba. Ano?" desperada kong tanong.
Umiling-iling lang siya. Ayaw magsalita kahit nagdadabog na ako sa harap niya. Tuwang-tuwa talaga siya kapag nakikita na niya akong nagdadabog.
Baka may nasabi akong kung ano-ano. Hindi niya pwedeng malamang may feelings pa ako sa kanya. Baka nasabi ko 'yon. Baka nasabi kong nami-miss ko siya. There is no way. Just no no no.
Hindi kakayanin ng pride ko 'yon. Never kong aaminin sa kanya na may feelings pa ako tapos siya wala na. I will sound pathetic. For sure naka move on na siya dahil three years na rin naman. Magiging kawawa ako sa paningin nila. Hindi kakayanin ng pride ko. Never.
Hindi ko tinantanan si Shaya sa pag tanong pero hindi niya rin ako sinasagot. Puro siya "basta" habang ngumingisi.
Nagtatampo na ako sa kanya. Inaasar niya ako pero hindi ko na siya pinapansin. Curious talaga ako kung anong pinaggagawa ko kagabi o anong mga nasabi ko na hindi ko na maalala.
Nakakainis naman kasi, bakit hindi ko na maalala? Pagkatapos nang nag pass out ako, wala na akong matandaan kasi nga nag pass out na ako diba?
Paanong sinuot niya ang coat niya sa'kin kagabi? How did that happen? Paano umaabot sa ganong point?
"Siya ba ang nagbuhat sa'kin kagabi?" hindi ko na matiis at tinanong na si Shaya. I suddenly thought about the possibility.
Nakaupo na kami dito sa maliit naming sala. Magkaharap sa table. Siya abala sa laptop niya habang nagbabasa ako sa reviewer ko.
Mula sa laptop ay napunta ang tingin niya sa'kin. Maloko na naman siyang tumingin sa'kin, ngumiti at tinaas-baba ang dalawang kilay.
"Busy na kasi si Ron at Zed buhatin sila Ember. Ang dami niyong kailangang buhatin kasi ang dami niyong ininom kaya wala akong choice, I asked Damien for help." explain niya.
Masama ko siyang tiningnan tsaka inirapan. I groaned in frustration. "Shaya naman. Pwede namang hintayin mo na sila Kyeron na matapos sa iba eh."
She only shrugged at me and smiled.
For three years, I never heard anything about him. Kahit anino ko rin ay hindi nila makita dahil talagang umiwas ako sa lahat. Natatakot akong makarinig ng balita tungkol sa kanya na posibleng hindi ko magustuhan. Hindi rin ako naglapag ng kahit anong tungkol sa'kin dahil wala rin namang kahit anong pwede kong ipakita sa social media accounts ko.
Three years passed by. It might be just a fast pace for others but it felt so slow for me. Sa unang taon nang pagtigil ko sa pag-aaral, malaki ang naging adjustment ko. Everything felt so new, everything was not in my zone of comfort.
Bumalik ako ng Cebu pagkatapos ma process lahat ng papers ko, malipat lahat ng gamit, at magpaalam sa naging apartment ko ng ilang taon.
On that same day, my last day in Manila, I went back to the Church where Damien and I always attend to. In this church I will grieve and pray for the love I am not able to give. For the struggles I am facing, for the hope I am seeking.
"In the book of Romans verse 8:28, it states, 'And we know that in all things God works for the good of those who love Him, who have been called according to His purpose.'" panimula ni Father sa kanyang Homily.
Taimtim akong nakinig.
"Lahat tayo ay dumadaan sa iba't-ibang pagsubok. Maaaring kayong nandito sa harap ko ay mga pinagdadaanan ding problema at nangangailangan ng kalinga mula sa Diyos."
