///
Sagie
Nagising ako sa matinding sakit ng ulo. Nilibot ko ang tingin sa kwarto at na-realize na nandito na ako sa room ko sa condo namin ni Shaya.
I barely remember how I got here. Ang dami kong nainom kagabi. First time in months of being sober, nalasing ako ng malala.
Hindi na pareho ang suot ko. Naka-pajama na ako. Tumingin ako sa maliit kong salamin sa bedside table. Wala na rin ang make-up ko.
Shaya must've cleaned me up. Mahilig siyang alagaan kami. Must be her natural actions as the eldest sa amin. Hindi rin naman siya umiinom kaya for sure siya lang ang natirang matino sa amin kagabi. Except siguro kay Kyeron and Zed na matataas ang alcohol tolerance.
Bumukas ang pinto kasabay ng pagtayo ko. Nakasilip doon ang ulo ni Shaya na may maliit na ngiti sa mukha.
"Gising ka na pala" she stated. Hindi ako sumagot, humikab na lang at nag-inat.
"Hindi mo naalala pinaggagawa mo kagabi?" tanong niya na nagpasalubong ng kilay ko. I looked at her in the eyes but she only smirked at me before closing the door.
Pilit kong inaalala ang mga nangyari kagabi.
Nag-inuman. Bumaba sa dancefloor. Sumayaw. Niyaya si Shaya mag rest room. Nakita si Damien. Nag rest room kami tapos nahimatay na ako.
Nakita si Damien.
Wait. Nakita ko si Damien!
What the fvck. For the first time in three years!?
Pinilit kong alalahanin ang mukha niya nang magka-eye contact kami ng ilang segundo kagabi. Hindi ko alam na naroon siya, kung alam ko lang ay umuwi na ako agad. Hindi rin naman binanggit ni Shaya kahit siguro nakita niya na sila bago ko pa malaman.
Akmang lalabas na ako ng kwarto para puntahan si Shaya ngunit agad ring natigilan nang may makitang hindi familiar na coat sa upuan ng study table ko.
Linapitan ko iyon at tiningnan ng maigi. Nang maamoy ko ang pamilyar na pabango ay nalaglag ang panga ko. Agad akong lumabas at pinuntahan si Shaya na nasa kusina at nagluluto.
"Shaya! Kanino 'to!?" tunog nag p-panic kong tanong.
Nilingon niya ako at nang makita ang tinutukoy ko, pigil siyang ngumiti.
"Sa tingin mo kanino?" mapaglaro niyang tanong. Malawak na ang ngiti niya sa'kin. Umiling-iling siya habang binabaliktad ang tuyo na niluluto.
Naka-polo si Kyeron at naka-oversized shirt si Zed. The other boys wore the same fit as them as well. So hindi ito sa kanila.
It doesn't smell like them either. May kilala akong ganito ang pabango.
"Kanino?" kabado kong tanong. Malakas ang kabog ng dibdib ko, kinakabahan sa posible niyang maging sagot.
Kasi kung kay Damien 'to.....Paano!?
"MD mo" ikli niyang sagot.
Shit.
"Huh?" naguguluhan kong tanong. Gusto ng klarong confirmation. Unti-unting nangibabaw sa'kin ang panic.
"Kay Damien. Sinuot niya sayo kagabi." dugtong pa ni Shaya. Nakangiti siya habang binabanggit iyon.
"Damien? Paano!? Anong sinuot? Oh my gosh. Anong katangahan ko kagabi!?" sunod sunod kong tanong kay Shaya.
"Ano sa tingin mo?" pa-suspense niya. Nang-iinis.
