My Night

701 13 0
                                    

"Weh di nga?"

"Oo nga" sagot niya ng seryoso.

Nagulat ako at natahimik ng ilang segundo ng mahanap ko na ang aking boses.

"Bakit hindi mo ako sinayaw kanina?"

"Kasi hindi ko sinasayaw ang taong gusto ko kasi nahihiya ako." sabi niya.

"So kinakahiya mo ako?" medyo naiinis kong tanong kasi naman diba ikaw ba naman sabihan ka na nahihiya sila kapag kasama ka! Sinong hindi maiinis?

"Ha!? Hindi! Hindi! Mali ang pagkakaintindi mo. Nahihiya ako. Nahihiya akong ayain kang sumayaw kasi matalino, maganda at magaling kang sumayaw. Eh ako laging bagsak ang grades, hindi masyadong kagwapuhan at higit sa lahat parehong kaliwa ang paa ko." pag-eexplain niya.

"Hindi daw masyadong kagwapuhan? Eh heartthrob nga ng school tapos ang dami pang nagkakandarapa sa kanyang mga babae. Yun ba ang hindi kagwapuhan? Sinong niloloko nito?" sabi ko sa sarili ko ng pabulong.

"Anong sabi mo? Gwapo ako?" tanong niya na may nanlolokong ngiti.

"Wala sabi ko hambog ka!"

"Hoy! For your information. Hindi po ako hambog sadyang malakas lang po talaga ang karisma ko kaya maraming nagkakandarapa sa akin. Ok?" pagpapaliwanag niya.

"Ok sabi mo eh"

At sabay kaming natawa. Pagkatapos namin tumawa ay nagsalita na ulit siya.

"Ano may itatanong ka pa?" tanong niya.

Nagisip isip muna ako at sinabing

"Kailan pa?"

"Anong kailan pa?" tanong niya.

"Kailan mo pa akong sinimulang mahalin?"

"First day of classes pa lang noong grade 5 tayo crush na kita pero hindi ka masyadong nagsasalita so medyo naturn off ako sayo nun. Akala ko kasi masungit ka pero nung naging magkagrupo tayo sa isang cooking contest doon ko nakita ang mga ngiti mo. Pagkatapos nung araw na yun palagi ng pumapasok sa isipan ko ang maganda mong ngiti kaya noon ko napagtanto na hindi lang kita crush mahal na kita." pagsasalaysay niya ulit.

"So wala ka ng tanong?" tanong niya sa akin.

Ako naman ay ngumiti lang at umiling.

"Pwes kung wala ka ng tanong sa akin ako naman ang magtatanong. Ok lang ba?" tanong niya ulit.

Tumango na lang ako at naghintay ng kanyang tanong.

"Mahal mo ba ako o kahit crush man lang?" tanong niya sa akin habang nakatingin sa aking mga mata.

"Yung totoo crush na kita simula noong  grade 5 pa lang tayo kahit na lagi mo kong inaasar at iniinis tapos tumagal ng tumagal hindi ko namamalayan mahal na pala kita.  Naiinis ako tuwing may kasama kang ibang babae. Gusto ko silang sabunutan pero pinipigilan ko lagi ang sarili ko dahil ayokong grumaduate na may record sa discipline. Gusto ko na rin sabunutan at bugbugin yung babaeng kasayaw mo kanina sa harapan ko pero katulad ng sinabi ko pinigilan ko ang sarili ko."

"Totoo?" Hindi makapaniwala niyang tanong.

Tumango na lang ako.

"Sorry ah" sincere niyang pagkasabi.

"Ok lang. Wala na yun."

"Pero alam mo ba na sinadya kong inisin, asarin, sumama at sumayaw kasama ang ibang babae sa harapan mo kanina para mapansin mo ako at makita ko kung magseselos ka. Kaso parang hindi ka nagseselos yun pala selos na selos ka na. Wala man lang akong kaalam alam. Haha!" Sabi niya na tuwang tuwa
kaya nakitawa na lang ako kasi nakakatawa naman talaga.

Ang tagal naming tumatawa hanggang sa tumahimik kami parehas. Nang bigla siya nagtanong.

"Pwede ba kitang maging girlfriend?"

Nag-isip muna ako bago sumagot ng

"Ligawan mo muna ako at ang mga magulang ko. Dapat payag sila. Kapag hindi sila pumayag then I'm very sorry. Ok?"

Tumango na lang siya

"No problem" sabi niya at tumingin sa mga bituin. Ganun din ang ginawa ko. Matapos ang ilang minuto na pagtingin sa mga bituin ay nag-aya na rin siyang umuwi at ihatid ako sa bahay namin.

Tumayo na siya sa pagkakaupo niya at ganun din ang ginawa ko. Pumunta na kami sa kotse niya at hinatid niya na ako.

* Sa labas ng bahay namin

"Gusto mo bang pumasok?"

Tumango agad siya na walang halong pagdadalawang-isip.

Parang confident na confident ata ito. Hindi man lang natatakot na baka bugbugin siya ni daddy kapag nalaman niya naliligawan ako netong lokong 'to. Sabi ko sa isip ko.

Pumasok na kami at nakita namin si mommy at daddy na nanunuod ng tv.

"Hi tita! Hi tito!" bati niya sa mga magulang ko. Ako naman nakatingin lang sa kanya na gulat na gulat ang mukha.

"Oh ijo, anak nandito na pala kayo. Kanina pa namin kayo hinihintay." masayang bati ni mommy. Si daddy nakangiti lang sa amin.

"Kanina niyo pa po kami hinihintay? So alam niyo na kasama ko siya pauwi?" naguguluhan kong tanong.

"Yup" sabay sabay nilang sinabi pati si Luke kasi nakisali.

"Paano?"

"Upo muna kayo at ikukuwento ko sa iyo ang nangyari." sabi ni mama

Umupo na kami ni Luke dun sa katapat na upuan nila mama at nakinig na sa kuwento.

"Ganito kasi ang nangyari" pagninimula ni mama.

An Unexpected NightWhere stories live. Discover now