Simula

48 5 0
                                        

Nainlove ka na ba? 


Yung feeling na napapangiti ka kapag nakikita mo siya, lagi siyang sumasagi sa isipan mo, iyong lagi  mo siyang hanap-hanap na halos hindi ka mapakali kapag hindi mo siya nakausap sa buong araw. 


Huminga ako ng malalim at inayos ang aking salamin. Napatingala ako sa kulay asul na kalangitan at ngumit. 


Ang mga tumulong pawis na galing sa aking noo ay aking pinunasan at nilingonang aking Mama na kakalabas lang ng bahay. 


Ngumiti ito sa akin kaya ngumiti din ako pabalik. Pinatunog niya ang sasakyan at umikot para makapasok sa loob.


Binuksan ko ang katabing pintuan nito, tinanggal ko ang aking bag at agad akong pumasok sa tabi ni Mama, nilingon niya ako habang kinakabit ang kanyang seatbelt. 


"Nervous?" she asked as she started the engine of the car.


Hilaw akong ngumiti at tumango sa kanya.


Last week lang ako nakarating dito sa bayan nila Mama dahil sa pag-aaral ko sa kolehiyo. Noon pa naman ito napagplanuhan na kapag magkokolehiyo na ako ay kay Mama ako maninirahan. 


Hiwalay na ang mga magulang ko, my Dad has a family now at ang aking Mama ay ganun din may kanya-kanya na silang pamilya ngunit hindi naman nila ako nakakaligtaan na kausapin, tanungin kung kamusta ako and I am thankful for that na kahit hindi na kami kompleto ay may pake-alam pa din sila sa anak nila. 


Nilingon ko si Nicholas na tumatakbo papunta sa sasakyan. Binuksan niya ang passenger seat hawak-hawak niya ang kanyang sapatos. 


"Sorry Mom late ako nagising." pahayag nito at sinulyapan ako. Sinuot nito ang kanyang puting mejas at sapatos.


Hindi din nagtagal ay nilisan na namin ang bahay.


Dalawa na lang sila ni Nicholas na nakatira sa malaking bahay na ito. Ang napangasawa ng aking Mama ay namatay na dalawang taon na nakalipas at si Nicholas ay anak noong lalaki. Hindi sila nagka-anak dahil ayaw din nilang dalawang mag-asawa na magka-anak pa dahil meron naman na daw si Nicholas at dahil na din laging nahohospital ang asawa kaya mukhang wala silang oras para sa ganun.


Pinark niya ang sasakyan sa tapat ng Cafe nila, binuksan nito ang pintuan at agad na lumabas.


"Kukunin ko lang ang kape ko." paalam sa amin ni Mama.


Tumango lang ako sa kanya. Sinulyapan ko si Nicholas sa salamin ng kotse at nakita kong kinakalikot niya ang kanyang telepono.


Sa isang Linggo kong pamamalagi sa kanilang bahay ay wala kaming maayos na pag-uusap, yung sobrang tagal dahil kapag nag-uusap kami ay minsan sa hapag lang kung may tinatanong sa amin si Mama. Mukha din itong mailap dahil lagi siyang wala sa bahay. 


My mom owned a Cafe malapit sa University namin, dalawa sila ng kanyang asawa kaya noong nakaraan ay sinabihan ko si Mama kung pwede ay magpart-time ako dito kapag wala akong klase o di kaya kapag walang pasok ay pwede ako magtrabaho dito. 

Beyond BinaryTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang