Hindi ko akalain na ganito ang mararamdaman ko kay Jacob. Nakilala ko siya at nalunod ako sa mga kanta niya, slowly, I get by because of his music. Kung nakatulong sa kanya ang sing-sing. Nakatulong sa akin ang kanyang boses at musika. It's a give and take situation, at ni wala siyang idea doon.

"Kaya naman.." Pag tuloy ni Jane.
"Maraming fans na nainggit sa babaeng iyon, maraming naging impostor, at sinabing sila ang nag-bigay. Ng hanapan ni Jacob ng partner ng sing-sing, nagka idea sila na kailangan pala may maipakita silang isa pang katulad nun. Maraming nag-pagawa katulad niyan." Turo niya sa dibdib ko. "At nagpanggap kay Jacob, pero isang tingin lang ni Jacob sa sing-sing , alam niya agad na fake. hindi alam kung paano niya nalalaman. Basta sigurado lang siya na hindi iyon." Kibit balikat niyang sabi.

I.am.shocked! Hindi ko alam ang kwentong yan! Maraming nag-pagawa? Napalunok ako at hinawakan ang nakasabit na sing-sing sa dibdib ko. It must be the engraved word on it, yung ang patunay! Hindi ko kailanman narinig ang issue na ito. Halos hindi ako nanonood ng t.v and at that time, and up to now I am so vague, gusto kong pagbutihin ang pag-aaral at makatapos agad para hindi na ako alalahanin ni Auntie Noemi, Kaya ni hindi ako nagbababad sa social media.

"It's like another version of Cinderella right? Even ako noon sobrang curious and... because the curiosity is coming back to me now, ano nga ba ang palatandaan?" Itinagilid niya ang kanyang leeg habang nakatingin sa sing sing.

"May naka engrave sa loob. Iyon ang palantandaan."

"Ohh.. interesting. So nakita na ba niya ang engrave at nalaman na totoo yan?" Umiling ako bilang sagot.

Come to think of it, Oo nga, wala akong natatandaan na sinuri ito ni Jacob para malamang ito ang totoong partner ng sing-sing. Basta nagtiwala nalang siyang ako iyon. Paanong sa akin ay hindi siya naging maingat?

"Weird.. dapat ay icheck niya to make sure, right?" Kunot noong tanong niya.

Wala rin akong maisagot sa kanya, basta namalayan ko nalang isang araw na inaalok niya akong maging secret girlfriend, dahil mula ng ibigay ko sakanya ang sing sing ay hindi na raw ako naalis sa isip niya, na gusto pa niya akong makilala. Gusto kong sabihin ito lahat kay Jane. Pero walang lumabas sa bibig ko kahit isa.

"Ano pala ang naka-engrave?" Basag niyang tanong sa pag-lipad ng utak ko.

"My strength." Dahan dahang nalaglag ang panga ni Jane habang nakatingin sa akin, pero saglit lang iyon at nakabawi rin agad.

"You know what? If you guys end up together? You really have the best love story to tell.." Seryosong at walang halong birong sabi niya.

Natapos ang topic na iyon at sinimulan kung ano talaga ang pakay ni Jane, ang papiliin ako ng dress. May mga sampung dresses ata siyang dala at lahat ay branded. Halos ayoko tuloy hawakan dahil alam kong mahal ang mga iyon.

"This one is good on you! Pero try this also bagay sayo ang pink." Sabay abot niya sa akin ng dress

Walang reklamo kong kinuha iyon at pumunta sa kwarto para sukatin ang pink na dress.

Maingat kong hinubad ang royal blue na mini dress na una ko ng sinuot. Ng isukat ko ang pink wrap dress na v-line at hanggang tuhod ay sakto ito sa aking katawan.

Lumabas ako ng kwarto at binalikan siya sala, lumiwanag ang kanyang mukha at pumalakpak ng marahan ng makita ako.

"That's perfect, yan na ang susuotin mo sa party." Masaya niyang sabi, sabay ligpit ng ibang dress na hindi napili.

"Dadaanan kita sa araw ng party wag ka na magdala ng sasakyan." Bilin niya.

Ng umalis si Jane ay nag advance reading ako ng mga libro ko sa medisina, ng i-check ko ang iPhone ay walang reply si Jacob. Sobrang busy na niya siguro sa rehearsals? Itinabi ko ang telepono sa gilid at ipinilig ang ulo. Ayokong masanay..

Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon