My Day

1.2K 22 0
                                    

Angel's POV

February 28, 2014
7:00 am

"Gel! Gising na!" Rinig kong sigaw ni mama.

"Wait lang po" sagot ko habang nakapikit pa rin ang aking mga mata.

"Tumayo ka na dyan!" sigaw ni mama habang papalabas ng aking kwarto.

Ako nga pala si Angel Jasmine Rivera Javier. 16 years old. I'm the only child of Mr. Jaime Angelo Javier and Mrs.
Melanie Jewel Rivera-Javier. Maingay ako kapag kasama ko mga kaibigan ko. Hindi ako nagsasalita kapag wala ang mga kaibigan ko at matalino ako.

Nang makalabas na siya ay sinubukan ko ulit matulog pero gising na ang mga mata ko kaya ginawa ko naligo na lang ako at bumaba na.

Pagkababa ko nakita ko naman si mama na may kausap na bakla sa aming sala. Nakita ako ni mama at pinalapit ako. Nang makalapit na ako ay pinaupo niya ako.

"Tina eto pala ang anak ko si Angel" " Angel eto si Ate Tina kaibigan ko" sabi ni mama.

"Gel na lang po" sabi ko kay ate Tina.

"Ma bakit mo nga po pala ako ginising ng maaga eh mamaya pa po pasok ko kasi prom namin ngayon?" tanong ko ng derederetso kay mama.

"Yun nga yung dahilan kung bakit kita ginising ng maage eh. Papaayusan kita kay Tina. Make-up artist kasi si Tina" sagot naman ni mama.

"Ah"

tapos nun inayusan na ako ni ate Tina. Ang dami niyang nilagay na make-up sa akin feeling ko nga mukha na akong clown eh. Tapos yung buhok ko tinry niya itaas tapos binaba tapos pinlantsa tapos kinulot ah ewan.

6:00 na nung natapos niya akong ayusan pero syempre may mga breaks yun.

Pinicturan muna ako ni mama si daddy kasi nasa office pa so wala pa siya sa bahay.

Sumakay na ako sa kotse namin at pumunta na sa venue.

*Sa Venue

"Uy teh ganda mo ngayon ah!" salubong sa akin ni Annie ang aking bestfriend.

Siya si Andrea Natasha Cruz. 16 years old at ang bunsong anak nina tito Alejandro Cruz at tita Nathalia Jimenes-Cruz. Siya ang aking bestfriend. Tahimik siya kapag hindi niya kasama ang mga kaibigan niya. Annie ang tawag namin sa kanya kasi masyadong mahaba kapag Andrea. Haha!

"Thanks! Mukha na ba akong tao?" tanong ko ng pabiro.

"Oo" sagot naman niya.

"Haha!" sabay naming tawa.

* Fastforward na sa sayawan

Nagsimula ng mag-aya ang mga lalaking sumayaw. Katabi ko ngayon si Annie sa upuan ng makita ko si Jasper na papalapit sa amin. Kitang kita ko si Annie na pigil na pigil sa kanyang pagtili dahil grade 4 pa lang ay crush na crush na niya yun. Haha! Nakadating na rin si Jasper sa unahan namin.

"P pwe pwede k ka b bang ma masayaw a annie?" tanong ni Jasper na sobrang nauutal. Haha!

Siya si Jasper. Jasper Evan Pineda Mendoza ang full name niya. 17 years old. Si tito Ivan Mendoza at tita Juliet Pineda-Mendoza ang mga magulang niya. Tahimik siya at sobrang talino. Lagi siyang nasa first section at crush na crush niya si Annie. Haha! Ok back to the story!

Nauutal si Jasper kasi crush na crush niya nga si Annie simula noong grade 6 pa lang sila. Haha!

"Gel anong sasabihin ko?" tanong niya ng pabulong.

"Tanggapin mo na. Alam ko naman na  matagal mo ng hinihintay yan eh. Haha!"

"Si sige" sagot niya kay Jasper at yun sumayaw na sila.

Naiwan ako dito na nakaupong mag-isa at tumitingin tingin lang sa mga sumasayaw ng may nakakuha ng atensyon ko.

Si Luke.

Siya si Luke Francisco Gutierrez. 17 years old. Anak siya nina tito Lucas Gutierrez at tita Frances Gutierrez. Magaling siyang mang-asar, mang-inis at siya ang heartthrob ng school namin. Tito at tita ang tawag namin sa mga magulang ng isa't isa kasi dating magkakaibigan ang mga magulang namin pero kaming apat hindi kami masyadong close. Kami lang talaga ni Annie ang close.

Si Luke ang matagal ko ng crush. Since grade 5 kami crush na crush ko na siya pero lagi niya kong inaaway tapos minsan ang sungit.

Nakita ko siyang may kasayaw na iba at ang magaling na Luke ay pumwesto pa sa harapan ko at dun pa sila sumayaw ng napakatagal. Mukha na kong t*ng* dito na sa kaliwa, kanan, taas at baba lang ang tingin hindi ako makatngin ng diretso.

* Fastforward ulit kasi naiinis na ako sa nakikita ko. Haha!

Tapos na ang prom na-announce na rin kung sino ang nanalong prom king and queen. Syempre ang forever loveteam kong Jannie. Haha! Oo si Annie at Jasper ang nanalo. Sobrang sweet kasi nila at sobrang bagay. Nagpaalam na rin si Jasper kay Annie kung pwede siya manligaw at umoo naman si Annie. Papakawalan pa ba niya ang chance niya to be with Jasper? Haha! Ok back to the present time.

Nag-uusap usap kami magkakaibigan. Nandito na rin kasi sina Alissa at Jane. Nang may narinig kaming "Ehem!" sa likod namin. Sabay sabay kaming tumalikod at nakita si Luke.

"Bakit?" tanong ko na medyong masungit.

"Ah A angel p pwede ba kitang ma makausap?" nauutal na tanong ni Luke.

"Sige"

Nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko at lumabas na kami sa venue. Pagkalabas namin ang ingay at ang daming pa ring mga taong kumukuha ng litrato.

"Punta tayo sa hindi masyadong mataong lugar." sabi niya sa akin.

Tumango na lang ako at sumunod sa kanya papunta sa garden. Umupo kami dun sa isa sa mga bench doon. Pagkaupo namin ay walang nagsasalita sa amin hanggang sa sinira niya ang katahimikan sa lugar.

"Mahal kita" sabi niya.

An Unexpected NightTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang