LBKKMG 42 - Bagiuo

Start from the beginning
                                    

"Grabeh. Ilang oras palang tayong di nagkita tapos kung makasabi ka ng miss parang isang taon na? Haha I miss you too" sabi ni Eunice dun sa kausap niya

Tinignan ko yung mga mukha ni Eunice. Nakangiti siya at namumula pa.. Ang cute niya tignan..

Pero bakit ganito? Parang nasasaktan ata ako? Parang dati lang.. Ako ang dahilan ng mga ngiti niya, pero ngayon, ibang tao na..

Bakit parang naiinis ako? Napaka selfish ko ba?

Letche hindi ko matanggap!


"Hoy! Alam mo bang nakakaabala ka!? Gabi na at ang ingay-ingay mo pa! Magpatulog ka naman!" Sigaw ko

Tumingin sakin si Eunice. Blanko ang expression sa mukha niya

"Ah wala yun Kidlat. Meron lang kasing baliw na nagsisigaw dito" sabi ni Eunice sa kausap sa telepono

Teka!? Ako ba talaga tinawag niyang baliw!?

"SINONG BALIW!?" sigaw ko

Nakatingin padin si Eunice sakin

"Ge. Goodnight na Storm matutulog na ako kasi maaga pa bukas eh. Oo Haha. Love you too"

At parang nabingi ako sa huling sinabi ni Eunice..

Ano daw?

'Love You too'

'Love You too'

'Love You too'

'Love You too'

Yan lamang ang paulit ulit sa utak ko.

Nakita ko nalang na tumalikod na sakin si Eunice at dapat papasok na sa kwarto niya pero natigilan siya sa tanong ko "Sabihin mo nga sakin ang totoo. Kayo na ba ni Storm?"

Humarap sakin si Eunice na blanko padin ang expression sa mukha.. Bakit ganon? Parang nasasaktan ako.. Eto naba yung tinatawag na cold treatment? Takte hindi ko gusto!


"Ano bang pakealam mo?" walang emosyong sabi ni Eunice

"So kayo na nga" hindi ko alam pero parang bumigat yata yung pakiramdam ko. Nag-iba yung expression ng mukha ko. Biglang kumuyom yung palad ko. Ano ba toh..

Hindi ko maintimdihan..

Eto na ba yung tinatawag na nagseselos?

Nagshrug lang si Eunice saka pumasok na sa luob ng kwarto niya.

At ako? Hindi ko matanggap at hindi padin ako makagalaw. Parang naka glue yung paa ko sa sahig.

Si Eunice, ang Bestfriend ko. At si Storm? Sila na..

End of POV

_________________________________________

Eunice's POV

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay agad akong humiga sa kama..

Grabe.. Ang bilis ng tibok ng puso ko..

Tsaka si Rain? Bakit ganon siya? Bakit parang nalungkot siya nung sinabi niya sakin na 'So kayo na nga' tapos nakita ko pa na nag close fist siya..

Ayaw niya ba kay Storm para sakin?

Actually ganito kasi yun guys..

*flashback*

Kausap ko si Storm sa telepono. At kasalukuyan niya na naman akong binabanatan..

"Hahahaha! Andami kong tawa sayo Storm! Mga Apat Siguro! Haha" natatawa kong sabi

Officially MineWhere stories live. Discover now