Chapter 2

7 1 0
                                    

Again

Maraming tao dito sa loob ng ER. Siguro ay may malaking aksidenteng naganap. Malalaking hakbang ang ginagawa ng mga nurses at mga doctor para maasikaso ang mga pasyente nila. Puno halos lahat ng kama dito sa Emergency Room. Ako naman ay nakaupo lang dito sa pinakadulong kama at naghihintay ng mag aasikaso mula sa kung sino. Wala naman kasing masakit sakin pero gusto pa din ng coach ng nakatama sakin kanina na ipacheck ako para makasiguradong walang anumang masamang epekto ang pagkakatama ng bola sa ulo ko.

Gusto ko nang umalis pero ayaw ni coach. Sinamahan niya pa ko dito eh busy naman mga personnels dito kaya wala din. Natural na unahin nila ang ibang mas malala kesa sakin.

Ayoko dito. Habang tumatagal mas nakikita ko kung paano masaktan ang mga pamilya ng mga taong nakahiga sa mga kama sa paligid ko. Concern is written all over their faces. Sa katabing kama ko, nawalan ng malay ang pasyenteng nakahiga at pilit nirerevive ng isang doctor kasama ang tatlong nurse na nag aassist sa kanya. Too much observation that I didn't realize someone is in front of me.

"Miss, kanina ka pa tinatanong ni Doc Renz about what you're feeling. Okay ka lang ba talaga?" Tiningala ko ang dalawang lalaking nasa harap ko. Si Coach Salazar na halatang nagtatanong ang pagmumukha at si Doc, yung doktor din na tumingin sakin nung nakaraang nandito din ako. Seryoso ang mukha niyang nakatingin sakin habang hawak ang isang chart sa kanang kamay.

"How long did she lost her consciousness, Coach?" He's asking Coach but still eyes on me.

"I think more or less half an hour. Masyadong malakas ang pagkatama ng bola sa kanya kanina. Sorry about that, miss..?"

"Dazo. She's Christina Dazo." Sa dami ng pasyente niya araw araw, ang gifted naman niya para matandaan pa ko eh isang beses pa lang naman kaming nagkita ah.

"Oh, yeah. Christina, I'm really sorry about what happened earlier. One of my boys hit you, si Nate. Pero hindi niya talaga sadya yun. Ako na bahala sa hospital bills and anything that you might need. Total kasalanan naman namin." Nakita kong ngumiti siya sakin pagkatapos niyang sabihin yun pero tiningnan ko lang siya. I don't know what to react. I don't know if it's appropriate to give a smile back after what happened.

"I want to be home." Saka yumuko ako at tiningnan ang sahig. Ayoko dito. Ayokong makakita ng iba't ibang emosyon. Ayoko kasi wala ako nun.

"You still need to run to some tests. It's not normal to faint that long, Hera."

"I don't want."

"Coach, you can go. Ako nang bahala sa kanya." Tumingala ako at nakaharap na pala siya kay Coach.

"Pero Renz, kargo ko yan. At teka nga, mag- magkakilala kayo?" Mataman kong tiningnan si Doc Renz para sa sagot niya. Tiningnan niya muna ako atsaka binalik ang tingin kay Coach Salazar.

"She's a friend. I'll give you a ring for the results of her tests. Ako nang bahala sa kanya. Your boys are bored outside. Kanina pa text ng text si Lucas sakin. Gutom na sila."

"Oh, okay then. Pakakainin ko muna sila. Miss, is it okay if I'll go now? If you want, I can still go back--"

"Can you guys just let me be home now?" Andami pang satsat. Kung pinauwi na lang nila ako diba? Wala naman akong nararamdamang kahit na ano eh. Hindi na din naman masakit yung ulo ko. Wala naman ding bukol. Pasalamat pa nga ako't nakatulog ako ng kahit konti. And right now, all I want is to sleep. Again.

"Sorry, but I can't just discharge you without further exams. Salazar, you can go now. Rest assured she'll be home safe later."

"If you say so. Miss, una na ako. Iwan na lang kita kay Renz. Mabait naman yan atsaka--"ang daldal! Binatukan tuloy.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 29, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LidocaineWhere stories live. Discover now