Ito ang kauna-unahang maikling kwento na aking isinulat na magdadala sa inyo patungo sa mundo ng mga LGBTQIA+ Community at mga alagad ng sining. Hangad ko na magbigay ito ng inspirasyon sa mga alagad ng sining na kagaya ko na hindi pa huli upang piliin ang pagsinta mo sa sining. Para naman sa LGBTQIA+ Community, walang masamang piliin na maging ikaw, walang masamang tumindig at ipaglaban ang iyong karapatan dahil tao ka na may karapatang iresperto.
Ang "See You Along España" ay isang kathang-isip lamang ng may akda, lahat ng tauhan at mga pangyayari. Ito ay hinati ko sa limang parte upang hindi nakakalula basahin dahil ang bilang ng mga salita nito ay umabot ng sampung libo mahigit. Kaunting trivia lamang sa kwentong ito, ito ay isinali ko sa "Short Story Writing Contest" ng NovelTala na maisasama rin kapag na launch na ang NovelTala. Ang nandito sa Wattpad ay ang extended version o sabihin na nating original version ng kwento dahil mas marami ang mga nangyari dito at mas detalyado.
At huling paalala, ako ay hindi isang propesyonal na manunulat, ako lamang ay isang kabataan na hilig ang pagsusulat na may layuning bumoses para sa kapwa, sa bayan, at sa sarili.
See You Along España
Date published: July 12, 2025
-mrwrites
YOU ARE READING
See You Along España
RomanceAel Ciro Dizon is a Arts and Design student in Marahuyo High School-who has a dream to be a professional performer in the field of performing arts. Along the chaotic road of España he met Elian Acedia Montefrio-a STEM student in University of the Sa...
