"Alam mo kasi, merong story na kumakalat na dito sa Barrio Taniman may isang magical creature na nagbabantay sa mga ganung klaseng fishes sa may riveeerr..." umpisa nya at nakinig naman ako. "Sabi kasi nila, yung mga fishes kasi, sila daw yung alaga nung magical creature kaya kung sino magtatangka na i-get sila, mapapahamaaaak."

Napatingin naman ako sa kanya. Bahagya akong natakot. Juice ko naman noh! Kakaalis ko lang sa isang bangungot tapos ngayon haharap naman ako sa isa pa at ang kalaban ko ay isang magical creature? Hindi yun kaya ng powers ko.

"Step tayo dahan-dahan, okay?"

Tumango ako. Humakbang kami dahan-dahan. Siguro naka-tatlong hakbang kami ng bigla na naman naming narinig yung kaluskos kaya napatigil ulit kami. This time, magkayakap kami ni doctora.

Pareho na kaming natatakot, lalo na at parang palubog na yung araw. HUMAYGULAAAAY! Ayoko pang mamataaaaaaaaaay! (T__T)

Narinig na naman namin ang pagkaluskos at this time, pabilis ito ng pabilis at parang papalapit ng papalapit. Patingin-tingin kami sa paligid para hanapin kung saan nanggagaling iyon ng biglang napatigil ang ingay na naririnig namin.

"Do-doktora... ku-kuha k-ka n-na ng i-isda?"

Tumango-tango si doktora saka unti-unting bumitiw saken at dahan-dahang lumapit sa ilog para kunin ang isdang sinasabi nya kanina habang ako naman ay naiwang nakatayo at naka-ilanh sign of the cross na ako sa kinatatayuan ko dahil sa sobrang takot.

Nasa may ilog na si doktora at mukang nakita na nya yung isdang hinahanap nya kaya naman kumuha ito ng parang jar sa bag nya.

"I-ito naaaa!" itinaas nya ang kulay red nitong jar at naaaninag ko ng na may isda sa loob nun.

Napatalon pa ako sa kinaroroonan ko ng biglang...

"HOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOY!"

"WAAAAAAAAAAAAAH!" Tili naming dalawa ni doktora dahil sa gulat. Naitapon pa tuloy yung isda at yung jar. Napaupo rin si doktora sa may ilog habang tumitili.

"ABA NAMAN! KAYO NA NGA TONG TRISPASENG KAYO PA TOMETELE NA AKALA NIYO KAYO NANAKAWAN? WOW HA!"

Napatigil kaming dalawa ni doktora sa pagtili. Tinignan namin yung may ari ng boses. Nasa pagitan namin sya ngayon.

"Sorry naman." sagot ko.

"Pasensya na, na-carried away lang." sabi naman ni doktora na ngayon ay tumatayo na at papunta sa direksyon ng matandang lalake kaya lumapit rin ako. "Sorry, kuya." dagdag pa nito.

Mukha namang mabait sya. Base sa itsura nya, isa itong magsasaka. Napatingin naman sya sa aming dalawa. "Mukha namang hindi kayo magnanakaw pero ano ba'ng pakay niyo dito sa lugar ko?"

"Ah, eh..." si doktora. "Ano kasi, kuya. May fish kasi akong hinahanap eh and sabi nila here daw sa ilog puede humuli ng fish na ganun."

"Pish? Ah, oo. May isda nga sa ilog na yan." turo ni manong sa ilog. "Nilagyan ko nga din ng bakod yan dahil inaalagaan ko sila." Namilog ang mga mata ni doktora at tinignan nya si manong mula ulo hanggang paa. "Bakit?" tanong naman ni manong.

Nangiti si doktora. "Para ho kasing you're not an engkanto. Ang kwento kasi sa akin eh nakatira sa isang tree ang tagabantay ng mga fishes."

Tumango na lang ako nung napatingin saken si manong. "Ano'ng klaseng isda ba yung hanap niyo?" tanong nito at bumalik ulit ang tingin nya kay doktora.

"Yung siluriformes manong."

Nakita kong napakunot ang noo ni manong sa sagot ni doktora. Maski ako napakunot ang noo ko at nasapo pa iyon. Masyado naman syang scientific!

Napakamot ng ulo si manong saka sinabing "wala hong sili con karne sa ilog, de lata ho yata ang hanap niyo. Sa bayan, maraming sari-sari store."

Napanganga si doktora, mukhang hindi alam ang sasabihin. "Ay, hindi manong. Fish ang hanap ko. Yung ganito kalaki, at may ano sya sa kwan!" pagde-describe nito woth hand gestures pa. Naku naman si doktora, sa sobrang dami ng eksperimento nya mukhang puro scientific names na lang ang alam nya. Nakaka-dugo ng ilong!

"Mabuti pa kukuha ako ng isda na meron dyan sa ilog at tignan niyo na lang kung yun yung hinahanap niyo." saad nito at kinuha nito ang maliit na lambat sa bulsa niya.

"Yeah, mabuti pa nga kuya." saad ni doktora.

Ilang minuto din naming tinignan si manong na humuli ng isdang naroon sa ilog. Nakatalikod ito sa amin kaya hindi ko makita kung may nahuli na ito o wala pa.

"Oh, ito ho ang pish na meron sa ilog." saad ni manong ng matapos na syang makahuli ng sa tingin ko ay nasa lima o anim na isda. "Ito ba yung hinahanap niyo?"

Sandaling tinignan namin ito ni doktora.

"Aaahahaaaaay! Yan nga ho manooooooooong!" excited na excited na saad ni doktora at medyo napapatalon at pumapalakpak pa ito sa tuwa.

Napatingin ulit ako sa mga isda saka tumingin kay doktora. "Ito yung isda, doktora?" tanong ko habang nakaturo sa mga huli ni manong. Tumango naman ito bilang pagsagot sa akin. "Pambihira doktora, hito lang pala ang hinahanap mo sana namalengke na lang tayo!"

to be continued...

This Way To TadhanaWhere stories live. Discover now