[Pasensiya na krayola, pero katulad lang din ng pagka-gandang lalaki kong presensiya ang dinadanas mo ngayon. Woooo. Hassle!]





"Is there anything else na pinapasabi ni Tito? Papahinga na ako."







[Uhhh...ano daw...] Nahihiya-hiyang sabi ni Neal.




"What?"







[Pasabi daw kay Zobabe—este Zobelle pala na ano....hello daw.] Sabi ni Neal. Tumaas naman ang kilay ni Scarlett dahil sa sinabi nito at bahagyang natawa.





"Pfft. Dinamay mo pa si Tito sa ka-torpehan mo, what the hell Neal!"






[H-hoy! A-ako? T-torpe?!]






"I'll text you her new number. I'll hang up. See you soon, Neal!"






[Talaga?! Hoy wag mo muna ibaba krayol!] Iiling-iling naman na tumayo mula sa sofa si Scarlett at umakyat patungo sa kanyang kwarto at nagpalit ng damit. Nasend na niya din yung bagong number ng kanyang ate dahil nasira yung phone nito nung nasa Australia pa sila.






Dumiretso si Scarlett sa CR at nag-shower. Pagkatapos niya ay agad siyang nag-suot ng bathrobe at lumabas sa banyo para mag-bihis. Hindi na siya nagulat ng madatnan niya ang ate niya na si Zobelle na naka-upo sa kanyang kama at inaantay na matapos siya.





"So you're going back to school tomorrow." Sabi ni Zobelle. Tumaas naman ang kilay ni Scarlett sa sinabi niya dahil sa way ng pananalita nito, hindi kasi patanong.






"How did you know?"






Nag-kibit balikat ang kanyang ate atsaka sumagot. "I know everything."




"Tsss."






"And who told you to give my new number to that guy, Scarlett?" Naka-kunot na ang noo ni Zobelle ng sabihin niya ito.




The Teenage Emissary (Revised)Where stories live. Discover now