They booked their own executive suites para dito na matulog. Umuwi na ang parents ko, pinadala ko nalang muna yung gifts sa bahay. Pag umuwi kami bukas tsaka ko nalang bubuksan. Si Mom pa ang nag suggest na we stay here dahil halatang na miss daw namin ang isa't isa. Excited lang sila dahil kanina pa nila gusto mag inuman.

"Hindi na 'yan sasagot!" Sinapok ni Sasha ang katabing si Calixx. "Kung gustong matulog nung tao hayaan mo!"

"Nag aalala lang naman ako! Wala nang buhay si Reigan!"

"Humihinga pa siya kaya wag kang OA d'yan" Irap ni Sasha sabay kuha ng Nova na malapit sa kanya. Tumatawa naman si Keanu sa tabi niya. Obviously proud of his girlfriend.

Nasa gitna ako ni Vini at Josh. Kanina pa sila pa iba-iba ng topic, si Calixx at Jace ang pasimuno palagi. Inaasar pa nila si Rix.

"Sinong walang love life taas kamay!" Biglang hiyaw ni Jace sabay hila pataas ng kamay ni Rix at Calixx na nasa tabi lang niya.

"Excuse me lang, may love life ako" Calixx said before taking his shot. Ang mga boys lang naman ang umiinom ngayon dahil sila ang may kaya ng mga alak na binili nila.

"Love life ka d'yan, sex life gago!" Mabilis na tugon ni Keanu sabay bato sa kanya ng unan.

Inisa-isa ko naman sila habang patuloy sila sa pang aasar kay Calixx. Si Leon at Josh lang ang tahimik, nakikitawa lang.

"Speaking of love life," Vini said. "Josh how's yours?"

Sinapak ko agad ang braso niya dahil sa tanong niyang iyon. He gave me an innocent look before turning to Josh with a smirk.

Napa ubo naman si Jace bago nilagok ang shot ng smirnoff.

"Leave him alone" I rolled my eyes. Alam naman nila si Josh pag dating sa ganon, baka mapikon ng wala sa oras.

"The topic will get awkward so let's talk about something else," mukhang tipsy na si Calixx. Papikit pikit na rin ang mata niya but doesn't want to give in.

And then they started talking about football dahil malapit na magsimula ang season nila Calixx. Wala akong alam sa sport na 'yon. Basketball pa meron, Football? Nah. American football ang nilalaro nila eh, yung daganan, kaya ang lalaki ng katawan. I bet these boys are monsters in the field while my boys dominated the court.

"You sleepy?" Vini whispered.

Umiling ako. Hindi pa naman ako inaantok but Rix is giving me the stink eyes kaya napatango na rin ako. Hindi siya makulit ngayon. Ang serious niya kaya hindi ako sanay.

"I think Rix will burst kapag hindi pa ako tumayo" I whispered back amused.

"C'mon," hinila na niya ako patayo pagkatapos tumawa.

"Oohhh sexy time na ba?" Calixx immediately whistled nang tumayo kami.

"Shut up Calixx, you're drunk" Vini smoothly answered him. But his comment earned him a punch from Logan. Kasi eh.

"Am not! Just tipsy..."

"He's drunk," Sasha nodded at Keanu. Sila na ang bahala kay Calixx.

"Ubusin nalang natin 'to then matulog na tayo" said Logan. Ginulo ko pa ang buhok niya nang dumaan ko.

"Bumalik ka" Rix reminded Vini. Tumango lang siya sa sinabi ng pinsan ko.

I already expected that from hin, yung madadagdagan yung protectiveness niya. He was like that sa ex-boyfriend ni Mai. It's all in the cousin code.

Kaya nga si Rix ang kasama ko ngayon sa kwarto. Mamaya pa naman ata sila matutulog. Uubusin pa nila yung alak.

"Seth, can you sing me to sleep?" Narinig kong request ni Calixx kaya ang lakas ng tawa ko nang pumasok ng kwarto.

The Gang's Prized PossessionWhere stories live. Discover now