CHAPTER 16: Max and Juice, LQ? [EDITED]

Start from the beginning
                                    

What the hell did she say?


Marahas akong tumayo at tiningnan si Sam nang masama. "He's not your Juice! Huwag mo siyang angkinin! He's not yours, Sam!"


She frowned. "What are you saying? I'm not referring to him, Max. Hindi ko inaangkin si Juice mo. It's just my expression, okay?"


"Hindi lang pala nakakabulag ang pag-ibig, nakakabingi rin pala." Narinig kong komento naman ni Bhest.


I groaned in frustration bago muling umupo at isinubsob ang mukha sa desk. I'm sure iniisip na talaga nilang I have feelings for that Juan Crisostomo. Waaahhhh! I hate this feelings!


"Okay? Mind to tell us what really happened between the two of you? Hindi ka magkakaganyan ngayon kung walang nangyari." Narinig kong sabi ni Sam.


Again, I heaved a deep sigh before I told them what happened.


Paglabas ko sa mall, isang pamilyar na lalaki ang napansin kong nakaupo sa isang bench. Naglakad ako at lumapit nang konti sa kinapupwestuhan niya.


Hindi ko naiwasang mapangiti habang pinagmamasadan siya. Gwapo pa rin siya kahit halatang-halata ang pagkainip sa mukha niya habang maya't-maya ang pagtingin sa relo. Ilang sandali pa, nagsalubong ang kilay ko nang may magandang babaeng lumapit sa kanya.


"You're late. Sabi mo sandali ka lang. What took you so long? Alam mo bang kanina pa ko naghihintay sayo rito?" Narinig kong bungad ni Juice dun sa babae.


"Nag-ikot-ikot pa kasi ako. Hinanap ko kung may iba pang brand nitong binili ko. Sorry kung pinaghintay kita," nakangising paliwanag nito.


Nagpakawala na lang siya ng isang malalim na buntong-hininga. "Tsk. Woman. I really don't understand you."


"Because you're a guy. Hindi mo talaga kami maiintindihan."


"Yeah, whatever." At tumayo na siya bago kinuha ang mga paper bags na hawak nung girl. He's really a gentleman.


"Let's go, baby," nakangiting sabi ni girl bago kumapit sa braso ni Juice.


I gasped. Baby?!


"Apple! How many times did I tell you not to call me baby anymore?"


"And how many times did I tell you that I will call you baby whenever I want?"


"Coming from you, it sounded gross."


Nanlalaki ang mga matang bumitaw si girl at humarap kay Juice. "Gross?! You think it's gross calling you a baby?! Now I will show you what gross really means."

Miss Number 1 in My Heart (EDITED VERSION)Where stories live. Discover now