CHAPTER 5: Second Encounter [EDITED]

Magsimula sa umpisa
                                    


"Huh! Ibang klase rin naman talaga ang saksakan ng kayabangan mo, ano? Nang magsabog rin ng kayabangan sa mundo, gising na gising ka at sinalo mong lahat."


"No, you're wrong. Hindi ko 'yon nasalong lahat dahil may ibang tao pa na mas mayabang sakin. At kung tutuusin nga, nabawasan na ang kayabangan ko dahil ibinigay ko na yun sa iba."


"Wow. Magiging generous ka na nga lang, yung kayabangan pa ang ipinamigay mo. Sa tingin mo, makakatulong 'yan sa mga estudyante rito? Psh!"


Hindi agad siya nagsalita at mataman lang tumingin sakin. "Hindi ko akalain na magiging cute ka sa paningin ko kahit pinipilosopo mo ko," maya-maya pa'y sabi niya.


I rolled my eyes at him. "I don't need your compliments. Go away," pagtataboy ko sa kanya at muling naglakad.


"Let's be friends."


Talagang nakasunod pa rin siya. "I don't want you to be my friend."


"Yes, I know. Pero sa ngayon kasi, pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay sa inyong mga girls. Let's just be friends muna, bago ko pag-isipan kung pwede tayong maging more than friends."


I stopped. Ngumisi siya sakin bago tuluyang naglakad palayo. Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize kung ano ang sinabi niya.


Just what the heck did he say to me? Akala ba niya kaya ayaw kong makipagkaibigan sa kanya ay dahil gusto ko siya nang higit pa roon? Huh! Saksakan talaga ng kayabangan ang lalaking yun! Argh! naiinis na sigaw ko sa isip ko.


~~~~~


"What was the scene earlier?" bungad sakin nina Max at Sam pagpasok ko sa classroom namin.


"Don't ask me. I'm really pissed because of that conceited guy," sabi ko bago umupo sa upuan.


"So, ikaw nga ang babaeng pinagtutuunan ng atensyon ngayon ni Nathan?" tanong pa ni Max.


Tinapunan ko sila ng masamang tingin. Kakasabi ko lang na huwag nila akong tanungin, pero sige pa rin sila.


"Hmm. Mukhang may panibago na kong topic para sa next article ko. 'The Popular Heartthrob Meets Miss Number 1'. What do you think, Sam?"


"That would be a great article, Max. And I'm sure, maraming estudyante ang magbabasa niyan," she answered while grinning at me.


I rolled my eyes at them. Pansin ko lang, nagiging hobby ko ng gawin 'yon. And thanks to that guy. Psh!


"Umagang-umaga ay agaw-eksena kayo sa campus, ha? At ang daming bitter sayo, Bhest!" malakas na sabi ni Sam. Mukhang pinariringgan ang iba naming classmates na nakatingin nang masama sa direksyon namin.


"Naman! Ikaw ba naman ang lapitan, kausapin, titigan, at hawakan ni popular heartthrob, sinong hindi magiging ampalaya, di ba?" pagsang-ayon naman ni Max sabay irap sa mga ito.

Miss Number 1 in My Heart (EDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon