Trip na Bakasyon

2 2 0
                                        


Sa isang kuwarto na kung saan ay naroon ang pitong magkakaibigan na may kaniya-kaniyang mga puwesto. Ang iba ay nasa sopa at nasa carpet ang iba pa na mga busy sa cellphone na mga hawak. Ang lugar na iyon ay sa loob ng school kung saan sila nag-aaral, ito ay pinasadiya nila dahil na rin lahat sila ay anak ng mga mayayaman. Graduating na silang lahat sa college  at kahit na kailan hindi sila napaghiwalay.

"Guys! Wala ba tayong gagawin nitong sembreak natin? Tara bakasyon tayo."

Napalingon ang lahat kay Naomi, si  Naomi ang mahilig sa kanila mag-aya kung saan. Para sa kaniya ay maikli lang buhay kaya magpakasiya at puntahan na lahat ang mga lugar na hindi pa nila napupuntahan.

"Saan naman tayo ngayon aber?" Sagot ni Aimee na isa maldita at masungit nilang kaibigan.

"Nakakasawa na sa mga sa isla at ibang bansa maganda yung kakaiba naman at may adventure." Suhestyon naman ni David.

Si David siya ang mayabang at laging nasusuot sa gulo dahil sa pagkainitin ng kaniyang ulo. Lalo na sa ibang tao pero pagdating sa mga kaibigan niya ay okey siya.

"Babe, saan naman? Anong kakaiba pa ba ang gusto mo?" Malokong hinimas ni Jeralyn sa dibdib ang kaniyang nobyo na si, David.

Napangiti na lang si David at hinawakan ang kamay ni Jeralyn at hinagkan.

"Hay nako kailan kaya may hahalik sa kamay ko mga shutta kayo!" Malakas ang boses na binato ng unan ni Revs si David at Jerayln na natatawang binalikan rin siya ng bato nang unan.

Si Revs ay isang  binabae at ito naman ang nagpapasaya sa kanilang grupo dahil na rin sa mga lumalabas sa bibig nito.

"Bakit hindi kaya tayo pumunta sa isang baryo?" Napalingon naman kay Joel ang mga kaibigan niya.

"Baryo ng mga aswang?" Bangit ni Naomi.

Biglang natahimik ang lahat dahil sa sinabi ni Naomi na baryo ng mga aswang.

Hanggang sa biglang bumukas ang pinto na kinagulat nilang lahat si Gabriel ang pumasok.

"Bakit?" Tanong ni Gabriel dahil sa natatahimik niyang mga kaibigan.

"Ay masarap na aswang yan magpapalapa ako kung ganyan kagwapo ang aswang."

Pinagbabato si Revs ng mga unan dahil sa sinabi kay Gabriel at napuno ng tawanan sa loob.

"Gaga  ka talaga mare mamaya maumbag ka niyan." Natatawang sabi ni, Jeralyn.

"Anong aswang ba ang pinag-uusapan niyo?" Tanong ni Gabriel at naupo sa pang-isahan na upuan.

Kapansin-pansin naman ang tingin ni Aimee kay Gabriel para bang naghihintay siyang lingunin ng binata.

"Ee kasi itong si Naomi nag-aaya papi Gab, magbakasyon raw tayo sa baryo alam mo yung may mga aswang raw." Kuwento ni, Jeralyn.

"Hindi naman totoo ang mga aswang." Sagot agad ni, Gabriel.

"Oo nga at kung meron man at gwapo siya magpapakain talaga ako." Natatawang sabi ni, Revs.

"Mamaya ipakain ka talaga namin." Sabi ni, David.

At muling nagtawanan sila.

"Ganito mabuti pa magpustahan tayo total ito na ang pinag-uusapan natin tungkol sa baryo at aswang. Kung sino ang naniniwala at hindi naniniwala." Nakangiting sabi ni Joel.

"Oy mukhang masaya yan ano naman kapalit virginity ko?" Maarteng sabi ni, Revs.

"Saan banda?" Nakaangat ang kilay ni Aimee.

"Oy mie, kalma ang puso kanina ka pa ang init ng ulo mo." Puna ni Revs, napairap si Aimee.

Napagusapan nila ang pustahan at dalawa lang ang pumusta sa naniniwala na may aswang si Naomi at Joel, ang iba ay hindi naniniwala.

"Game?" Masayang sabi ni Jeralyn.

"Saang lugar?" Maya'y tanong ni, Gabriel.

"Mayroon akong alam." Si Joel ang sumagot.

"Saan naman?" Tanong ni, Naomi.

"May nakuwento sa akin si Nanay Milagros, tungkol sa baryo kung saan nakatira ang lola niya."

Si Nanay Milagros na tinutukoy ni Joel ang matagal na kasambahay na nila sa bahay at doon na ito tumanda sa kanila na hindi nakapag-asawa.

"Lola niya? Malamang patay na yon. Sino  ang pupuntahan natin doon para may matuluyan tayo?" Tanong ni, Jeralyn.

"May may pinsan pa daw siya doon na misan ay pinapadalhan niya ng pera." Kuwento  ni, Joel.

"Saan sa probinsiya? At anong pangalan ng baryo?" Tanong ni, Naomi.

"Grabe Nao, g n g na talaga?" Puna ni Revs na kinatawa nila pero si Gabriel ay tahimik lang habang hawak ang cellphone

Si Aimee rin ay hawak ang cellphone at nag-message kay Gabriel.

"Wala ka bang balak na kausapin ako?"

Ito ang message ni Aimee kay Gabriel na inignore lang ng binata dahil wala siya sa mood kausapin si, Aimee.

"Kakausapin ko muna si Nanay Milagros paguwi natin." Sabi ni, Joel.

"Sama ako," mabilis na bigkas ni Naomi.

"Ako rin." Taas kamay ni Revs.

"Sabay-sabay na tayo after," sambit ni Joel.

"Ok, guys let's go na may klase pa tayo." Litanya ni, Jeralyn.

Isa-isang nagtayuan na ang iba at naiwan si Gabriel at Aimee.

"Hayaan natin magka-moment ang dalawa na yan." Mahinang sabi ni Revs at inakay na palabas si, Naomi.

"May klase pa tayo, let's go." Aya ni Aimee.

"Mauna ka na." Sagot lang ni, Gabriel.

Hindi naman sumagot si Aimee at napakuyom ang kamao.

"What do you want? Lumuhod pa ako para mag-sorry sa'yo? Gab naman." Naiinis na sabi ni, Aimee.

Wala pa ring sagot  at hindi manlang sinusulyapan ni Gabriel si Aimee dahil wala siyang balak na kausapin ito.

"Ito lang sasabihin ko sa'yo boyfriend pa rin kita at hindi pa tayo break!" Pigil ang luhang sabi ni, Aimee.

"Stop this, tumigil ka na." Malamig ang boses na salita ni Gabriel at iniwanan si Aimee sa loob ng kuwarto.

Nanghihina na napaupo so sofa si Aimee at tahimik na umiiyak.

No, this is not end Gabriel hindi ako papayag! Alam kong babalik ka rin sa akin and I'll do, maibalik lang kita.



Aswang Sa Baryo LapidaStories to obsess over. Discover now