Chapter 14

7 0 0
                                        

Heather's Pov

"Heather! Nandito na si Sebastian" pagtawag ni mama sa akin mula sa sala. Malapit na ang summer competition kaya balak ni Seb na bisitahin ang kapatid nito sa puntod. Idon't know why but I have an idea in my mind why he would want to go.

"Ahh tita, papaalam ko lang po kung pwede ko pong isama si Heather sa puntod ni Kalix?" Rinig kong sambit ni Seb na nanggagaling sa may pinto. Nakapagpaalam na din ako kay mama kagabi pagkachat na sa akin so, no probs. By the way, Kalix drowned 5 years ago, at saksi ako sa nangyaring iyon. Seb was devastated at that time and he didn't want to leave his brother's side when he was admitted in the hospital. For me, that is our most unforgettable memory during childhood.

"Pwedeng-pwede, mag-ingat kayo ah" wika ni mama at naglakad na ako papunta sa kanila. Paglapit ko sa may pinto, nakita ko doon si Seb na nakaayos, nakapolo pa ito at pants, at nakagel pa ang buhok. Para siyang pupunta sa date. Ano to? Date sa sementeryo? I laughed at myself. Wtf am I thinking.

"How do I look?" Nahihiyang sambit nito sabay ayos ng buhok niya. Pano ko ba sasabihin na kahit bagong gising ay mukha pa rin siyang tao. Nagthumbs up na lang ako bilang sagot at napangisi naman ito.

"Syempre alam kong pogi ako at nahihiya ka lang sabihin" wika nito at nagpogi sign pa kaya inirapan ko ito. Alam naman nating pogi siya. I just don't want to tell him, baka lumaki pa ang ulo.

Maya-maya ay may inabot ito sa aking bungkos ng puting rosas. Mukhang bagong pitas sa garden ni tita, ito siguro yung ibibigay niyang bulaklak sa puntod ng kapatid niya.

Sumakay kami ng tricycle sa may kanto papuntang himlayan. Pagdating namin doon ay wala gaanong tao dahil hindi naman araw ng mga patay. Naglakad kami sa Kanto ng himlayan nang tumigil si Seb sa isang tindahan. It is flower shop, sa tapat ng sementeryo.

"Isa nga pong bungkos nay" nagtaka ako nang bumili pa ito ng bulaklak dahil mayroon naman kaming dala.

Wait.

"Bakit ka pa bumili?" Tanong ko sa kanya at tumingin ito sa akin, pagkatapos ay kumunot ang noo. Tumingin ito sa hawak kong bulaklak at maya-maya ay bigla itong tumawa ng mahina.

"Sayo yan" Sambit nito at kinuha na ang binili niyang bulaklak sa matandang nagtitinda ng bulaklak. Binayaran na nito iyon at nauna na itong maglakad muli.

"Siya ba ay iyong kasintahan hija?" Tanong ni nanay na nagtitinda ng bulaklak kaya agad naman akong umiling. Nakakahiya naman to si nanay.

"Alam mo ba sa lenggwahe ng mga bulaklak, may dalawang ibigsabihin ang puting rosas? ang una ay wagas na pagmamahal..." Dugtong ng matanda na nakapagpatigil sa akin. Napalunok ako at hindi maiwasan na mamula ang pisngi. Anong gusto niyang sabihin? There's really nothing between me and Seb.

"...at ang pangalawa naman ay walang iba kundi....kamatayan" Sambit pa nito na nagpatigil sa akin. Oo na gets na kita Lola. Gusto mo lang ng tip. Hayyystt, umasa ako doon ah. Inabutan ko ito ng 50 pesos kaya nagtaka ito.

"Salamat po sa knowledge Lola, keep up the good work!" Sambit ko dito ngunit umiling lang ito sa akin at ngumiti. In the end, hindi niya tinanggap yung pera na inaabot ko. Napakamot na lang ako sa ulo at nagpaalam na kay Lola. Naglakad na ako papunta kay Seb na nasa may gate na ng sementeryo.

"Anong sinabi sayo ni Lola?" Tanong ni Seb nang lumapit ako sa kanya. Hinintay niya pa ako sa may gate dahil napansin siguro nito na kinausap pa ako nung matanda.

"Wala yun, Tara na, naiinip na siguro yon si Kaloy sa paghihintay satin" wika ko at tumango lang ito bilang sagot.

Nakarating na kami sa puntod ng kapatid niya at wala ditong masyadong tao. Binaba niya ang biniling bulaklak at naglabas ito ng kandila at lighter. Pagkatapos ay inabutan niya din ako ng isang kandila para itirik.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 04 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hidden MasterpieceWhere stories live. Discover now