Chapter 31: I missed you

50 3 1
                                    

Kris's POV

"Oh pre, anong itsura yan?" Natatawang tanong ni Chen.

"Chen wag ka nga!" Inis na sabi ko.

Naiinis na nga ako, iniinis pa ako nito. Nakakabadtrip! Gusto kong magwala! Gusto kong manapak ng tao! Gusto kong sumigaw ng malakas na malakas! Gusto kong gawin yun, pero wala akong lakas. Nanghihina ako.

"Ano bang problema, Kris? Si Scar na naman ba?" Tanong ni Sehun.

Tumango ako, "Oo. Pero hindi lang yun. Masama kase pakiramdam ko." Sabi ko.

Lumapit sa akin si Chanyeol at tinapik ako sa likod ko, "Pahinga ka na muna bro."

"Mabuti pa nga siguro. Kayo na muna bahala dito ah?" Sabi ko sa kanilang lima.

Nagnod naman sila.

"Rest well bro." Sabi nila.

"Salamat bro." Sabi ko at nagnod sa kanila.

"Dalawin ka namin bukas sa inyo." Sabi ni Kyungsoo.

Tumango ako at umalis na.

Ang bigat ng mga mata ko, parang gusto ko ng matulog. Ang sakit ng katawan ko. Ang sakit ng ulo ko. Feeling ko mamamatay na ako sa sakit na nararamdaman ko. Tapos sumasabay pa tong letsheng pusong ito.

Gusto ko ng magpahinga.



















Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang nag-aalalang mukha nya.

"Anong nangyare sayo? Okay ka lang ba ah?"

Yung boses na yun, sobrang namimiss ko na yung boses nyang yun.

Hinawakan nya ang mga kamay ko.

Nananaginip na naman ba ako?

"Kris, mahal na mahal kita. Alam mo ba na sobrang nag-alala ako sayo." Sabi nya.

Oo tama, panaginip lang to.

Isa lang itong magandang panaginip na mas gugustuhin ko pang wag na lang magising.

"Mahal na mahal din kita, Scar." Naiiyak na sabi ko.

Parang bigla akong sinipon. Ano ba yan?

"Stupid jerk!" Umiiyak na sigaw nya at niyakap ako.

Teka.

Tumayo ako at tinignan sya. Umiiyak talaga sya.

"Pati ba naman sa panaginip ko umiiyak ka?" Tanong ko.

*Pook*

"ARAAAAAY!" Sigaw ko habang hinihimas ko ang ulo ko na pinukpok nya.

Ang sakit! T.T"

Huh? Nasaktan ako.. ibig sabihin hindi ito isang panaginip lang? O.o

"Hindi ako nananaginip? T-totoo talaga to? Nandito ka ba talaga?" Naguguluhang tanong ko.

Tumango sya.

"Kris, I'm sorry I didn't trust you. I'm sorry." Seryosong sabi nya.

Niyakap ko sya. "Okay lang. Ang mahalaga okay na ulit tayo." Masayang sabi ko.

Ang tagal kong hinintay na dumating ang moment na ito.

Sobra ko syang namiss.

Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya at tinignan ko sya sa mga mata nya. "Scar, mahal na mahal kita. Hindi ko kakayanin kapag nawala ka pa ulit sa akin." Sabi ko at hinalikan sya.

Sobrang saya ko na dahil bumalik na ulit sya sa akin.

Itong maingay, panget at stupid kong girlfriend.

"I missed you." I whispered to her ear after our kiss.

Niyakap nya ako ng mahigpit na mahigpit. "I missed you more."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 15, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I fell inlove with that STUPID JERK (ft. Kris Wu Of EXO)Where stories live. Discover now