Peace #1

83 4 7
                                    

Pagkakabuo...


Carrie's POV

Pumasok ako sa eskwelahan na ito ng masaya.May kaibgan, may nabuo nga akong circle of friends eh.Pero sa may bandang kalagitnaan ng first year maraming nangyari, maraming mga bagay na hindi ko alam kung bakit nangyayari.

Bakit sila ganon? Naging mabuti naman akong tao, oo alam kong weird ako, pero bakit kailangan nilang gawin ang mga yun?

Akala ko pagtungtong ko ng 2nd year magbabago lahat. Mali pala,ganun pa rin sila.Walang pagbabago,tama nga maraming namamatay sa maling akala, at ang mga paniniwala ko na magiging mabuti sila ang ikakamatay ng puso ko.

2nd year na ko, umaasa pa rin ako na magbabago ang lahat. Ngunit ni isa sa kanila, walang nagbago.

Tama bang sumuko na ko o tama bang ipaglaban ko ang karapatan ko bilang isang tao?

Lexie's POV

Tulad nya, ganoon din ang nangyari sa akin. Sa katunayan nga, magkaibigan kami ni Carrie. Pero hindi lang kami, may tatlo pang ibang tulad namin, nabubully rin.

Nabuo kami bilang isang grupo at tinawag na LOSERS. Wala kasi ni isa samin ang nangahas na gumanti sa kanila dahil baka madamay ang pamilya namin.

Hanggang ngayon palaisipan parin sa amin kung gaganti kami o hahayaan na lang namin na magsuffer kami sa hirap na dinaranas namin sa kanila.

Aria's POV

Isa ako sa mga tinatawag nilang LOSERS,weird daw kasi kami kaya ganun, pero pag nakasama mo naman kami di naman kami weirdo magisip eh, sabi nga ng iba, masaya daw kaming kasama.

Pero bakit ganon? Tao rin naman kami na humihinga at ginagawa ang mga bagay na ginagawa rin nila.

OO, GC kami pero kailangan yun para pumasa kame at di naman porket GC ka, weird o nerd ka na agad.

I have my rights as a human being kaya wala silang karapatan na ibully o apihin kami.

Nikki's POV

Weird daw ako kasi tahimik lang akong tao. Parang may sariling mundo daw ako. E sadyang sanay lang ako sa ganun.

Naging kaibigan ko ang kasama ko sa LOSERS. Akaka nila, mababago ang pagiging tahimik ko, akala lang nila yun.

Oo maingay ako pag nasa pribadong lugar at mga kaibigan ko lang ang kasama ko pero pag ibang tao na umuurong ang dila ko sa pagsasalita.

Gusto kong itigil nila ang pambubully sa amin kasi alam kong masama iyon pero paano nila ititigil yun kung di namin maipaglaban ang sarili namin?

Paula's POV

Tulad ng mga nauna, pare- pareho lang kami. Ito daw kami: WEIRDO, LOSERS, DUWAG, TAKOT, NERD, at Marami pang ibang masasamang tawag sa amin.

Ayokong tawagin kaming ganun.
Pero paano namin gagawin yun?
Lalabanan namin sila?

Mananahimik na lang ba kami o gaganti na lang sa lahat ng pagpapahirap na ginawa nila sa amin?

Sana balang araw pumasok sa mga isip nila na hindi na dapat nila kami inaapi dahil simpleng tao rin kami.

Black PeaceWhere stories live. Discover now