Chapter 1 (Reunion)

123 3 1
                                    

Henry's POV

Riiiiiiiinnnggg! Bigla na lang akong nagsising sa tunog ng aking alarm clock at tumingin sa mga kamay nito kung anong oras na. Napamura na lang ako nang Makita ko kung saan na nakatutok ang mga kamay nito. "Oh shit! 6:00pm na pala". Dalawang beses na pala tumunog ang alarm ko. Bat di ako agad nagising!? Napafacepalm na lang ako na maalala ko na heavy sleeper pala ako. "Ughh!" pagsinghap ko.

Nagmadali akong pumunta sa banyo at mabilis na hinubad ang aking mga suot. Wala na kong pakialam kung saan ko man sila naitapon, basta't ang alam ko lang ay matapos na agad akong maligo. Pumasok agad ako sa shower at binuksan ito, naramdaman ko na lang na umaagos na ang tubig sa katawan ko na siyang nagpapresko saken.

Mga ilang minuto ay  natapos na ako maligo at nagbihis na ng pormal at maayos na damit. Naisipan kong isuot ang bagong bili kong sky blue at black na long sleeve polo at isang black na tight, fit denim jeans. Pagtapos nun ay agad akong nagwax ng buhok at syempre nagpabango. Humarap ako sa salamin at nang makita kong mukha na kong presentable ay agad kong kinuha ang wallet ko at susi ng aking kotse.

Sumakay agad ako sa driver seat at inistart ang engine. Napatingin ako sa aking wristwatch at nalaman kong 6:32 na, may halos trenta minuto pa ko bago ako makarating dun sa restaurant na sinasabi ni Sandrine.

Sa kalagitnaan ng aking byahe ay hindi ko maiwasang isipin kung ano na kayang kalagayan at itsura ng aking mga kaibigan. Bigla ko na lang naisip sila Sandrine at Gio.

Kamusta na kaya sila? Siguro sobrang masaya na si Gio dahil kasama niya sa buhay ang babaeng matagal niya ng gusto mula highschool pa. Nadama ko na lang na may luha nang umaagos sa mukha ko. Nagulat ako ng biglang may kumatok sa windshield ng sasakyan ko.

Hindi ko alam na nasa tapat na pala ako ng restaurant. Binuksan ko ang pintuan at lumabas ng sasakyan. Nakita ko si Josh na agad akong yinakap at agad ko ring tinugon. "Uyy bro! Kamusta na?" bati sakin ni Josh.

"Okay naman ako, ikaw?" tugon ko

"Syempre ok na ok lalo na't magkakasama na ulit tayong magbabarkada...teka umiyak ka aba?"

"Hindi ah, baka napuwing lang ako kanina paglabas ko ng sasakyan" palusot ko. Kinuha ang panyo sa bulsa ko at pinahid sa mukha ko. "Ah sige tara na sa loob" yaya niya.

Maganda at malaki ang restaurant, hanggang 2nd floor ito. Maaliwalas ang ambiance sa labas at siguradong maganda rin ang loob nito.

Naunang pumasok si Josh sa entrance ng resto at ako namay nagdadalawang isip pa kung tutuloy pa ba ako o hindi. "Bro, ano pang hinihintay mo diyan, tara na".

"Ah sige susunod na"

Hindi nga ko nagkamali maganda nga ang loob ng resto. Malaki at malawak ang loob nito at mukhang kami-kami lang yatang magbabarkada ang nandito sa loob. Pagpasok ko pa lang ay nakita ko agad ang mukha ni Sandrine, napaganda niya na ngayon at napakasexy, di halatang may asawa na. Nabaling rin ang tingin ko sa lalaking nakaakbay sa kanyang braso, paniguradong si Gio iyon. Mas tumangkad na siya ngayon at mas humubog ang katawan.

"Damn! ang gwapo pa rin niya ngayon!" sabi ko sa sarili.

"Uyy Henry!" bumalik na lang ako sa ulirat ng marinig ko ang tawag nila Sandrine at Wyna .

"SanSan! WynWyn!" masaya kong sinabi habang lumalapit sa kanila. Sinalubong nila ako ng mahihigpit na yakap nang makarating ako. Nakita ko na lang ang dalawa na medyo naiiyak.

"Oh bat kayo umiiyak?" tanong ko sa kanila.

"Eh namiss ka namin Henry, malamag maiiyak kami!" pumipiyok na sagot ni Wyna.

"Hehe, well namiss ko rin kayo" sabi ko habang yakap yakap pa rin ang dalawa.

"Bestfriend!" pamilyar ang boses na iyon, mula ito sa taong pinakamamahal ko simula nung highschool pa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 03, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Learn to Love AgainWhere stories live. Discover now