Hindi ako nakapagsalita. Isang malaking aray lang ang masasabi ko. Aray kasi ang sakit. Aray kasi nagpapakatanga nga ba ako? Aray kasi pinapaniwala ko 'yung sarili ko hindi 'yun totoo kahit totoo naman.

Napaupo ako. Naramdaman ko na lang na niyakap ako ni Vanessa.

"Shh, stop crying. Maybe may rason siya." Alo niya saakin.

Hindi na ako nagsalita. Nanghina ako. Parang nawala lahat ng lakas ko kanina. Nawalan ako ng gana. Ilang minuto kaming ganun ng bumukas 'yung pinto.

"Hey!! We're he...re.."

Tumakbo agad sakin sila Jai na may dalang pagkain.

"Ohemgee!" Sabi nila at niyakap ako.

"Shhh." Alo din nila.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Basta ang alam ko pagkatapos, nagdilim na ang paningin ko.

**

Jai's Pov

Tinitignan ko lang siya habang natutulog.

Yung bestfriend ko na walang ibang ginawa kundi magmahal lang. Pero anong naging kapalit? Ito. Ang pagdudusa niya.

"Jai..." Tawag sakin ni Kinah.

Napatingin ako sa pinto ng kwarto ni Kylie at nakita ko siya doon.

Ngumiti ako sakaniya ng bahagya. Pumasok naman siya at umupo sa tabi ko.

"Sayang sila." Sabi niya.

"Sinabi mo pa."

"Akala ko sila na talaga. Akala ko okay na lahat. Akala ko lalaban sila pareho. Pero si Kylie lang pala ang matitira." Patuloy niya.

"Siguro hindi lang talaga sila para sa isa't isa. Nakakapanghinayang sila oo, pero hintayin na lang natin na magexplain si Blake kung bakit."

"Blake, Blake, please, 'wag mo kong iwan. Please, Blake, please..."

Napatingin kami kay Kylie na ngayon ay nagsisimula ng umiyak.

"No, no, lalaban tayo diba? Blake please... I'm begging you! Don't do this!"

Niyugyog ko si Kylie at pilit na pinapagising.

"Kylie, wake up!" Sigaw ni Kinah.

Napaupo si Kylie habang sapo ang dibdib niya. Pawis na pawis din siya at umiiyak pa din siya.

"Napanaginipan ko. Napanaginipan ko nanaman na hiniwalayan niya ko. Bakit kailangan ko nanaman 'yun mapanaginipan?" Hagulgol niya. Tinignan niya kami, "Tell me guys, hindi totoo diba?" Pagmamakaawa niyang tingin samin.

Umiling kami, "I-it's true." Sabi ko at umiwas ako ng tingin.

"No! Kinah, tell Jai to stop lying! Hindi namin kayang iwan ang isa't isa ano ba!!" Pagwawala niya.

Napailing kami. Napapaiyak na din. It hurts to see you bestfriend being hurt like this. Yung bestfriend mong walang ibang ginawa kundi magmahal lang.

Bumukas ang pinto at pumasok sila Ara. Pero hindi nila kasama ang boys. Umiiyak na nakatingin si Kylie kila Ara.

"Asan si Blake? Asan siya? I need to talk to him!"

"Wala siya." Deretsang sagot ni Doms.

"Then papuntahin niyo siya dito! I can't take this shit anymore!" Galit niyang sabi.

"We can't." Sagot muli ni Doms.

"Bakit?!"

Pinanlakihan ko ng mata si Doms. And I mouthed the word stop. Ngunit umiling lang siya.

"Kasi wala na kayo."

"Oh my god, Doms!" Sigaw ni Ara sakaniya.

"What? Kailangan niya ng malaman. 'Wag na siyang magtanga tangahan pa!"

"Doms!" Sigaw ni Ericka sakaniya. "Stop it!"

"No!" Tinignan ni Doms si Kylie, "Kylie, masakit pero eto yung totoo e, he broke up with you last night. Tinapos niya na lahat."

Kita kong nanghina si Kylie sa sinabi ni Doms.

"But... why?"

Nagkibit balikat si Doms. "He didn't say anything."

"Call him, please..."

Nagtinginan muna kaming lahat bago namin tanguan si Ericka.

Niloud speak ni Ericka ang cellphone niya. Matagal bago sagutin ni Blake.

"Hello?" Bungad nito.

Sasagot na sana si Ericka ng hinablot ni Kylie sakaniya ang cellphone niya.

"Blake, where are you? Let's talk please..." Pagmamakaawa ni Kylie.

Naghintay kami sa sagot ni Blake. Ngunit ilang minuto ang nakalipas wala pa ding nagsasalita.

"Blake please... speak."

Wala pa din.

"Baby,"

Narinig namin ang buntong hininga ni Blake sa kabilang linya ng sabihin iyon ni Kylie.

"I know you want to talk. Now speak, balikan mo na ko. Aayusin natin 'yang problema mo. Hindi mo naman kailangang iwan ako. Maaayos nating dalawa 'to d-diba?" Iyak niya.

"Stop, Kylie. Ayoko na nga diba." Malamig na sabi ni Blake.

Lahat kami nagulat sa tono ni Blake. Akala ko hindi niya matitiis si Kylie.

"No. Imposible! Alam kong hindi mo ko kayang iwan. Mahal na mahal mo ko e kaya stop your lies!"

"Siguro nga mahal kita." Sabi ni Blake kaya napangiti kaming lahat. "Pero dati 'yun. Because I fell out of love, Kylie. I'm sorry." Sabi ni Blake at ibinaba niya na.

Lahat kami napanganga. Walang nagsalita. Parang nadurog puso ko dahil sa narinig kong 'yun. Napalingon ako kay Kylie. Kita kong napatulala siya habang sapo ang dibdib niya.

She's crying again... because of him.

Campus QueenWhere stories live. Discover now