Multo

185 7 3
                                        


May mga alaala talagang paulit-ulit bumabalik kahit anong iwas mo. Parang multo. Hindi mo sila nakikita, pero ramdam mo silang dumadaan—dahan-dahan, marahan, pero sapat para guluhin ang buong araw mo.

At sa buhay ko, ang multo ko ay si Karina.

Hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

Baka doon sa gabi na umuulan, sa ilalim ng basang waiting shed sa Cubao. Yung gabi na pareho kaming nabasa ng ulan kasi pinilit pa rin naming magkita kahit obvious namang hindi okay ang panahon—gaya ng relasyon naming paulit-ulit tinatamaan ng bagyo.

"Lamig no?" she said, her voice shaking.

Tumango ako, sabay abot ng extra jacket ko. "Sabi ko naman sayo, huwag ka nang lumabas. May bagyo."

"Nah. Gusto kitang makita." She smiled, yung tipong half-soft, half-sorry. "Kahit saglit lang."

Ganun siya palagi. Mapilit. Pero sweet. Pero mapilit. Pero hindi sure.

At ako? Ako yung tanga.

Yung tatakbo kahit baha, basta makita siya. Yung susugod kahit walang payong, basta may chance na marinig ulit ang “Miss na kita.”

Pero kahit ilang beses kaming nagkita, hindi ko naramdaman na ako ang gusto niya piliin. Palagi akong option. Palagi akong “hindi pa ngayon.” Palagi akong option, never the answer.

“Hindi pa ako ready.”

Ilang beses ko na yatang narinig ‘yon mula sa kanya. Sa bench sa UP Sunken Garden, sa rooftop ng dorm niya, sa loob ng taxi habang umuuwi kami ng 3 a.m.

"Winter," she whispered once, her forehead resting against mine, "mahal kita. Pero hindi ko kayang ipaglaban 'to."

"Bakit?" I asked. "Bakit hindi ako sapat para piliin mo?"

She didn’t answer.

Pero sa mata niya, nakita ko na ang sagot: takot. Takot sa mundo. Sa pamilya. Sa sarili.

At sa loob ng katahimikan naming dalawa, narinig ko ang tunog ng puso kong unti-unting bumibitaw.

Lumipas ang mga taon. Hindi na kami nagkikita. Hindi na kami nag-uusap.

Pero multo siya. Lagi siyang nandiyan.

Sa kanta sa radyo na paborito niya. Sa amoy ng kape na iniinom niya—matapang, walang asukal. Sa tunog ng tawanan sa isang coffee shop na bigla akong pinaiyak.

One time, nakita ko siyang naglalakad sa Greenbelt. Mag-isa. O baka may kasama, hindi ko na matandaan. Pero ang naaalala ko, tumigil ang mundo ko kahit isang segundo lang. Para akong nahulog sa bangin ng mga tanong na wala pa ring sagot.

Do I still love you?

O multo ka na lang ba talaga?

Minsan, tinanong ako ng kaibigan ko.

"Kung bumalik si Karina, babalikan mo?"

Natahimik ako. Hindi dahil hindi ko alam ang sagot.

Pero dahil alam ko ang totoo:

"Oo."

At kasabay ng sagot kong ‘yon, naramdaman ko ang bigat sa dibdib ko. Dahil ang totoo? Hindi naman siya nawala. Andiyan pa rin siya. Sa likod ng bawat “kamusta ka” ng bagong kakilala. Sa bawat tawanan na hindi niya naririnig. Sa bawat “mahal kita” na hindi ko na masabi ulit.

Hanggang isang araw, may natanggap akong message.

Karina:
Pwede ba kitang makita?

At putangina, Winter. Tumibok ka na naman.

We met at the same coffee shop we used to go to. Pero iba na ang lahat. Wala nang ulan. Walang drama. Pero ramdam ko pa rin yung lamig sa pagitan namin, kahit mainit ang kapeng iniinom ko.

“Hi,” she said, smiling.

“Hi,” I replied, forcing one back.

Hindi ko siya tinitigan nang matagal. Kasi pag ginawa ko ‘yon, baka mawala na naman ako.

“Kamusta ka na?” she asked.

“Okay naman. Busy. Masaya sa work. Ikaw?”

She nodded. “I’m engaged.”

Ayun na.

Yung salitang ‘yon, parang multong biglang naging totoo. Yung akala mong wala na, biglang humawak sa kamay mo at sinabing, “andito pa ako.”

Tumawa ako. Maliit. Pilit.

"Congrats."

"Thank you," she said, her eyes softening. "Pero... bago ang lahat... gusto ko lang malaman mo. Minahal kita."

And I swear, that hurt more than any breakup I’ve ever had. Kasi paano mo tatanggapin na minahal ka nga... pero hindi ka pinili?

Hindi ko alam kung bakit niya sinabi 'yon. Closure ba 'to? Guilt? O gusto lang niya masiguradong hindi ako magmumulto sa buhay niya gaya ng ginagawa niya sa akin?

“Alam mo,” I said, staring at my untouched drink, “gusto ko rin sanang sabihin na okay lang. Na masaya ako para sayo. Na tapos na ako.”

Napakagat siya sa labi niya.

“But I’m not. At least not fully.”

I looked at her then, finally. “Baka hindi na kita mahal gaya ng dati. Pero sa bawat buhay na meron ako, alam kong ikaw pa rin ang una kong gugustuhin. Kahit alam kong hindi ikaw ang magiging huli.”

Tahimik siya. At ako? Mas tahimik pa. Kasi iyon na ‘yon. Iyon na ang katapusan naming dalawa.

After that night, hindi na kami nagkita ulit.

Pero tuwing umuulan, naiisip ko pa rin siya.

Tuwing may naririnig akong gitara sa kanto, naaalala ko yung araw na tinugtog niya ‘yung paborito naming kanta habang nakasandal ako sa balikat niya.

Tuwing may bagong taong dumarating sa buhay ko, lagi kong tinatanong sa sarili ko: “Pipiliin kaya ako nito? O isa na naman akong option but never the answer?”

Minsan, minamahal natin ang mga taong hindi tayo kayang mahalin ng buo. Minsan, minamahal natin ang mga taong mahal din tayo, pero hindi sapat ang pagmamahal nila para ipaglaban ka.

At minsan, may mga taong multo lang talaga sa buhay natin.

Mga taong kahit gustuhin mong manatili, palaging may pintuang hindi mo mabuksan. Mga alaala na paulit-ulit bumabalik. Mga halik na nanatiling bitin. Mga yakap na hindi na mauulit.

Si Karina ang multo ko.

At ako?
Ako ang taong natutong mamuhay kasama ang sakit ng hindi pagiging sapat.

Pero siguro, balang araw, titigil din ang ulan. Siguro, balang araw, may darating na hindi takot. Yung pipiliin ako. Buo. Walang tanong.

At siguro, kapag dumating ‘yon...

Si Karina, tuluyan ng naging multo sa buhay ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 28 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Random Jiminjeong Where stories live. Discover now