Third. Julia The Dancer

Start bij het begin
                                    

She was about to stand up ng may lumapit sa kanya. Pag angat niya ng tinggin ay hindi siya makapaniwala sa nakikita. Mas maganda ito at kaakit akit sa personal.

"Hi, Althea?" Nakangiti nitong tanong. Agad namang tumayo si Althea at inilahad ang kamay.

"Yes. Julia?" Tanong nito, naninigurado na tamang tao na ang kasama niya ngayon.

Ngumiti ito at tumango, "I'm so sorry I'm late. I just had to finish something sa office kasi." Paliwanag nito habang umuupo.

"It's okay." Sabi naman ni Althea habang umuupo na din. "So, busy sa work huh?"

"Hays, sinabi mo pa. I can't wait to start my own business." Luminga linga ito sa paligid, siguro ay pinagaaralan ang lugar. "I've never been here before. It looks nice."

Nangiti naman si Althea, isa sa paboritong kainan niya kasi ito. "You"ll love the food here. During my cheat day, lagi kong inoorder yung burger nila. Sulit ang guilt after." Pareho silang natawa. Mukha namang makakarelate ito dahil napaka ganda ng hubog ng katawan nito. Halatang nag gigym din.

Nagsimula na silang umorder sa waiter. Umorder sila pareho ng salad at nagpasyang magshare nalang sa pasta.

Masaya itong kausap, kalog din katulad ng kaibigan nitong si Vanessa. May pagka prangka man pero nasa lugar. Hindi ito nauubusan ng topic na pede nilang pagusapan.

Halos sa isang oras na paguusap nila ay parang nalaman na niya ang buong buhay nito.

Nagtapos ito ng accountancy sa PSBA, a year ahead kay Vanessa. Nagkakilala yung dalawa sa school at naging close na magkaibigan for 3 years. Kahit pa grumaduate na ito ay nanatili silang malapit na magkaibigan.

She came out with her parents during her last year in college. Dahilan niya, kung sakali man daw itakwil siya ng mga ito atleast, kaya na niyang tustusan ang sarili.

At ganon nga ang nangyari. Tinakwil siya ng buong pamilya at isang taon na siyang nagtatrabaho para sa sarili.

Nalungkot si Althea sa kwento nito. Bigla niya tuloy na appreciate ang Tatay niya. Kung paanong agad agad siya nitong tinanggap without questions asked.

That made her want to visit his grave soon.

"Don't feel sorry for me. I'm happy and I feel free right now."

But Althea saw something in her eyes. Malungkot ito at may pangungulila.

Natapos ang dinner nilang iyon na pakiramdam ni Althea ay kilalang kilala na niya si Julia batay sa mga kinuwento nito.

She was enjoying herself when suddenly something, or should I say, someone caught her eyes.

Muntik na niyang hindi malunok ang isinubong salad, hindi kasi siya makapaniwala sa nakikita.

Sa may malapit sa entrance ng restaurant ay nakatayo si Jade habang kinakausap ang waiter. Siguro ay may kakatagpuin ito dito dahil nakita niyang luminga linga ito.

Gusto niyang iiwas ang mga mata bago pa mahuli ang lahat at makita din siya ng babae pero ayaw sumunod ng mga ito.

Galit man siya dito dahil sa panloloko sa kanya ay hindi niya maiwasang mamangha sa kagandahan nito.

Simple ngunit napakaganda.

Nakapony tail ngayon ang buhok nito na bahagyang may mga nakababang buhok, naka sleeveless blouse ito na bulaklakin at white pants. Ganon siguro talaga pag model ka, kahit anong damit, simple man ito o elegante, kayang kaya mong pagmukhaing maganda.

"She's pretty." Narinig niyang sabi ni Julia habang sinusundan ng tingin ang papalayong si Jade.

Nahiya bigla si Althea, "I'm sorry. It's just that I know her." Namumula niyang sabi.

Lucky Thirteen ( Lesbian )Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu