"Mahal na Mahal kita " sabi ko at yumakap 

"Talaga?" tanong niya

"Oo nga! , wag na magdrama ok?"

"Yes Boss!" sagot nito

Bipolar couple ata kame. One day ako ang galit, aaluhin ako tapos bibigay . Tapos minsan siya ang galit konting lambing babalik ang ka-sweetan.Or vice Versa. Weird right? Pero ganyan kami. Seloso siya. Selosa ako. Oh diba? Perfect Two! lol. Hindi naman mahalaga kung ano yung pagkakaiba or weakness niyo 'di ba? Ang mahalaga ay pareho kayong natututo sa isat-isa at Nagmamahalan kayo.

"Babe, labas tayo mamaya? Ok lang?" sabi ni Joaquin

"Osige, isama na din naten si Drea at Ivan" sabi ko

"Good Idea" sabi niya

"Kuya! Yung gusto kong toy ha?" sabi ni Ivan 

"Sige, pero finish first your assignments" sabi ni Joaquin

"Ok kuya!" sagot ni Ivan at nagmadaling abutin ang backpack niya, naglabas ng libro, notebook at lapis. Halatang gusto niya talaga yung toy na sinasabi niya, nung nasa Palawan pa kame to nangungulit e. Pero it's fine, maganda naman ang grades ni Ivan. 

 "Kuya! Patulong naman sa Math o?" sabi ni Ivan 

"O sige ano ba yan?" sagot naman ni Joaquin

"Problem Solving Kuya" sagot ni Ivan

"Madali lang yan" sabi ni Joaquin at tinuruan naman agad si Ivan. Palibhasa Math favorite subject niya e, siya na! lol.

Madali namang natapos ang mag kuya, wala naman na daw kasing ibang assignments yung bata. 

"O, Ivan. Iligpit mo na yang gamit mo para maka-alis na tayo" sabi ko

"Ok, ate alondra" sabi niya at binalik na sa back pack lahat ng gamit niya

"Babe, si Andrea?" tanong sakin ni Joaquin

"Naabutan ko kanina sa kwarto niya, natutulog pa siguro" sagot ko 

"Wait lang gigisingin ko muna" sabi niya

"hindi, ako na lang" sabi ko

"Sige" sang ayon niya

-

4:30 pm na kami naka dating sa mall , so di na masyadong mainit. Naghiwalay kami, mag-kasama ang mag-kuya at kasama ko naman si Andrea. Nagpunta kami sa Teen's wear. Marami ding napili si Andrea, floral shorts, t-shirts,dress, at sleeveless. Halos lahat ng madaanan namin meron siyang nagugustuhan. We even entered CLN, napili niya ang isang pink  flats at isang wedge. 

"Drea, may gusto ka pa ba?" tanong ko 

"Wala na po Ate Alondra, ikaw po?" sabi nito

"A oo, tara dun tayo" turo ko dun sa isang branded shop na halos katapat lang nung CLN

"Bagay sayo to Ate Alondra o" sabi ni Andrea habang inaabot ang isang off shoulder dress 

Inabot ko naman to at naghanap pa ng iba, madami dami na din akong nabili 19 paper bags at 15 naman ang dala ni Andrea. Oh, diba? Bongga! 

 Ilang days na lang kasi, back to work na naman. k. -.-" 

Nag-beep na ang cellphone ko, nagtext na si Joaquin

"Babe asan ka kayo?" -Joaquin

"Andito sa may CLN. Text mo kung asan kayo, kami na lang ni Drea pupunta dyan"-Ako

"Dito sa may Gerry's Grill. Ingat kayo. I love you :*" -Joaquin

"I Love you More" -Ako

LOVE 'til the end (KimXi)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt