Chapter 1-Alondra

1.3K 15 3
                                    

It was 4 years ago nung una ko siyang nakilala, sa isang park malapit sa University na pinapasukan ko. As far as i remember broken hearted ako nun, pinaglaruan ako ni Ryan . Siya lang naman ang dakila kong EX. Pero ganun talaga. Diba sabi nila "Heartbreak is a blessing from GOD because he saved you from the wrong one" . Iyon yung park na lagi kong pinupuntahan simula nung bata ako, pag malungkot ako basta kailangan ko ng TIME ALONE. Umiiyak ako nun ng biglang may nag-abot sa kin ng isang panyo.

Isang lalaki na 6'2 ang height,maputi,at matangos ang ilong at halata na Chinito siya. Eh ako Chinita... bagay kami! Angggggsaveeh?!

"Thank you" sabi ko sa lalaki at tinanggap yung panyo

"Welcome. Teka, wala ka bang kasama? Mag gagabi na ha?" sabi niya

"Wala eh. Nagiisip isip lang din" sagot ko.

"Uhmm. Ako nga pala si Joaquin Lee" sabi niya sakin at inoffer ang palad niya.

"Alondra Yap, Nice to meet you Joaquin" at tinanggap naman niya yung palad ko. In offer niya pa na ihahatid na lang daw niya ako tutal dala naman niya yung kotse niya. Ayaw ko sana nung una kasi diba? Nakakahiya kakakilala pa lang namin tapos. Yieee. Ang bait niya! Infairness! Thank you lord! :-P . Pero makulit siya kaya sumakay na lang din ako. He's a perfect gentleman. Feeling ko safe ako sa kanya kahit una ko pa lang siya nakilala. Hanggang sa lumipas ang buwan,taon lalo kaming nagiging close naging mag kaibigan naging bestfriend ko pa nga eh. Hanggang sa dumating sa stage na niligawan niya ako. Old-fashioned siya yung tipong ginagawa niya pa din yung mga harana,love letters and yung bouquet of flowers and chocolates. Basta. Matalino, Mabait, Well-Raised,Maasikaso,Gwapo, Responsable. Oo,maayos siya na napalaki ng Mama niya yung Papa niya kasi laging busy yung tipong parang wala ng oras sa kanila pero kahit ganun di pa rin siya nagrebelde. Meron siyang dalawang kapatid si Andrea at si Ivan. Ang cute niya tignan pag lumalabas ang pagka-kuya niya sa mga kapatid niya. Naiimagine ko someday na pag naging tatay siya ng mga anak ko. Ahh. Wait, anong sabi ko? Erase.Erase. Simple gestures niya na appreciated ko naman. Wag na kayo magtaka kung nag head over heels ako sa kanya. Hinintay niya yung pag sagot ko ng "Oo" . Naghintay siya kahit na ang tagal na tagal na niyang nanliligaw. Tila ba yung tinulungan niya akong bumangon uli, lumipad at siyang tumulong upang maghilom ang puso ko. Pagkatapos ng mahaba habang panahon sinagot ko na din siya. Ngayon. 3 years na kami and getting stronger.

Let me introduce myself. Ako si Alondra Yap. 25 years old. Nakapagtapos ng BS-Nutrition. Half Chinese. Lumaki sa marangyang buhay pero malungkot. Namatay ang papa ko nung 12 years old pa lang ako. Nabaril siya kaya siya namatay. Parang susuko na ako nun dahil nawalan kami ng haligi. Nung mag 14 years old ako nalaman ko na may iba na palang pamilya si Mama, at may kapatid ako sa kanya si Katherine Fajardo. Ngayon kilala na si mama as Mrs.Fajardo ang asawa ng may-ari ng pinakamalaking pagawaan ng sapatos sa bansa si Mr. Edward Fajardo. And yes, naiwan lang ako sa mga yaya ko dito masasabi ko din na laking yaya ako. Iniwan ako ng mama ko nung 15 years old ako at lumipad patungong Estados Unidos kasama ang bago niyang pamilya. Pero nagpapadala pa din naman si Mama ng pera panggastos. Sobra pa nga ang pinapadala niya. Simula nun naging independent na ako. Minsan ipinangako ko sa sarili ko na pag nagka anak ako balang araw ibibigay ko lahat ng pangangailangan niya , aalagaan ko siya at bibigyan ng sapat na atensyon. May mga kaibigan din naman ako na laging andiyan para sakin. Thankful nga ako at dumating ang lalaking mamahalin ko si Joaquin.

Bumalik ako sa kasalukuyan. May yumayakap sa maliit kong beywang at alam ko naman kung sino yun.

"Ang lalim nung iniisip mo Babe, malulunod na ko" sabi ni Joaquin at ipinatong ang baba niya sa braso ko.

"Haha. Sira" sagot ko

"Ano bang iniisip mo? Ako ba yan?" sabi sakin ni Joaquin at hinalikan ang aking pisngi

"Wala naman. May naalala lang. Oo baka ikaw" sagot ko at humarap sa kanya at nilagay ang aking dalawang kamay sa batok niya.

"Na miss kita" sabi niya at hinalikan ako sa noo at hinigpitan pa ang yakap sa akin.

"Hindi nga? Sige na nga I miss you too!" sagot ko naman at inhilig ang aking ulo sa balikat niya.

For me a forehead kiss is really sweet. Ang forehead kiss means: were cute together. Oha? Alam ko noh? Haha.

"Hindi ka pa ba nagugutom?" tanong sakin ni Joaquin

"Hindi pa, Babe inaantok ako. Tulog muna tayo" sabi ko.

Pumunta kami dun sa may duyan sa di kalayuan. Andito kami sa Palawan ngayon kasama ang ibang kaibigan. Hoiii! Di namin to honeymoon wag kayong shrek! Bawal pa yun ! :-P

Buti na lang mahangin ngayon dito. Humiga kami dun sa duyan habang ako nakayakap sa kanya at nakahilig sa chest niya yung ulo ko.

"I love you" narinig kong bulong niya at hinalikan ako sa ulo.

"I love you too" at pinikit ang aking mga mata. Simula nun kinantahan na niya ako. Tila ba isa akong batang hine-hele . Di naman nagtagal at nakatulog na din ako.

A/N: Maikli lang muna. Saka mobile lang po gamit ko. Happy New Year po sa inyong lahat!!

For more updates follow me on twitter : @jasrose24

LOVE 'til the end (KimXi)Where stories live. Discover now