Chapter 1

38 24 0
                                        

WARNING!!! : This content includes strong language, including profanity. If you are sensitive to such language, please proceed with caution.

Malakas kong isinara ang locker ko. Ang tunog ng metal ay umalingawngaw sa halos walang tao na pasilyo.

"Grabe naman," bulong ko, isinusuot ang bag ko sa balikat.

"Ang hirap ng exam!"

Biglang sumulpot si Lia, ang kaibigan ko, may nakakalokong ngiti sa labi.

"Hirap? Cazziah Yvaine Elara Gonzales??, halos kabisaduhin mona nga yung buong Civil Code noong nakaraang linggo. Anong nangyari?"

"Hindi ko alam na may mahirap pala sayo.. " giit ni lia saakin

Napaungol ako. "Hindi naman sa materyal, ang mga tanong! Imposible si Professor Reyes. Nagtanong siya tungkol sa mga obscure na legal precedents noong 1800s! Sino ba ang nakakaalala nun?"

Tumawa siya. "Mukhang kailangan mo ng refresher course sa kasaysayan ng batas ng Pilipinas.

Pwede tayong mag-aral nang magkasama sa weekend? May nakita akong magandang online resource – isang website na may interactive quizzes at summaries ng mga importanteng kaso."

"Seryoso? Salamat!" Napabuntong-hininga ako sa ginhawa

. "Pero may isang tanong pa rin akong hindi masagot. Tungkol ito sa karapatan ng mga estudyante sa ilalim ng Republic Act No. 10627 – ang Anti-Bullying Act. Hindi ko maalala ang lahat ng detalye."

Tumango siya, tila nag-iisip. "Malaking bagay 'yun. Naalala mo ba yung parte tungkol sa responsibilidad ng paaralan na lumikha ng ligtas at inclusive na kapaligiran sa pag-aaral? At ang iba't ibang uri ng pang-aapi na sakop nito – pisikal, pandiwang, cyberbullying... pati na rin ang mga subtle na uri ng panliligalig?"

"Oo, 'yun ang naintindihan ko," sabi ko,

"pero ang tanong ay tungkol sa pananagutan ng paaralan kung hindi nila mabisaang matugunan ang pang-aapi. Nablanko lang ako."

"Ganito," sabi niya,

"ang batas ay nagsasabi na ang mga paaralan ay maaaring managot kung hindi sila gagawa ng angkop na aksyon upang maiwasan at matugunan ang pang-aapi.
Maaari silang maharap sa mga parusa, maging sa legal na aksyon mula sa mga magulang o sa mga estudyante mismo. Lahat ito ay tungkol sa due process at sa pagsisiguro ng kaligtasan ng mga estudyante."

Pinag-isipan ko ito, hinihimas ang baba ko. "Okay, parang naiintindihan ko na. So hindi lang basta pag-memorize ng batas, kundi ang pag-unawa sa mga implikasyon nito at kung paano ito nakakaapekto sa responsibilidad ng paaralan sa mga estudyante."

Ngumiti siya. "Correct!kaya nga importante ang mga tanong ni Professor Reyes. Hindi sapat ang pag-memorize lang ng mga artikulo; kailangan mong maunawaan ang konteksto at ang mga consequences."

"Thanks, hindi naman kasi pinaalala ni professor reyes na need pala alamin!! Sabi niya tandaan!! " patuloy parin ang pagrereklamo ko kahit tapos na ang exam at weekend na rin naman bukas , makakapagpahinga nako ng maayos!!

"Lia!! Hindi pa ba tayo uuwi?? Magdidilim na oh..." pag-aya ko sa kanya umuwi dahil baka wala na naman dumaan na bus pag nagpapagabi pa kami dito.  Lihim kong tinitignan ang aking relo.  Alas-siyete na pala.

"Hintayin natin si Lycee 'te, sabay na tayo pumunta sa bar," giit ni Lia.  "May surprise daw!" dagdag niya, kinikilig na. Teka, nasaan ba kasi 'yun? Paslow-motion pa naman maglakad 'yun, kala mo nasa movie!  At bar?  Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan.


UNDER THE BUS STOP  [University Series#2]Where stories live. Discover now